Chapter 1

29 6 0
                                    

Azra POV

Ako nga pala si Azriella Gomez but you can call me Azra, labing pitong taong gulang, may kahabaan aking buhok maging ang aking pilik mata, medyo may katangkaran din ako,medyo maliit ang aking dibdib dahil hindi ako pinagpala sa dibdib pinagpala ako sa itsura pak ganern, makinis maputi ang aking kutis dahil hindi ko hilig ang lumabas kung hindi kinakailangan at kasalukuyang akong nag-aaral sa kilalang University sa Manila may kalapitan lang ito sa aming bahay ako nga pala ay isang Grade 10 student at laging napapabilang sa matatalinong istudyante.


Ako ang Panganay sa aming tatlong magkakapatid ako ay lumaki sa isang broken family because forever really doesn't exist. Sumama ako sa aking ina na kasalukuyang may kinakasama naring iba habang ang aking dalawang kapatid ay nasa puder naman ng aking ama. Mabait naman ang aking step father siya ay masipag gaya ng aking ama, naging mabuti sila sa akin natutustusan nila ang aking mga pangangailangan. Pero mas masaya pa rin kung buo ang sarili naming pamilya kaso wala akong magagawa dahil God plan this hindi ko naman siya sinisisi pero ang sakit lang kasing isipin na ang daming pamilya bakit yung samin pa. Kaya hindi ko na lang iniisip para hindi ako masaktan.

Kahit hindi niyo tinatanong kung single ba ako o may boyfriend na ang totoo niyan ay wala, wala pa kasi sa isip ko ang makipag boyfriend, wala rin akong time makipag relasyon sapagkat mas inuuna ko ang aking pag aaral may mga gustong manligaw sakin ngunit hindi ako pumapayag dahil ayokong umasa sila na sasagutin ko dahil I'm not ready yet to fall in love again kahit anong pilit nila lagi kong tinatanggi at pinagbabawalan sila na manligaw hindi naman sa choosy ako o pabebe, wala lang talaga sa mindset ko ang pakikipag relasyon.



May isa akong naging ex siya ay nakilala ko nung ako ay ika-siyam na baitang siya ay pinayagan kong manligaw at makalipas ang ilang buwan siya ay sinagot ko na  siya naman ay naging mabuting boyfriend ideal boyfriend na nga kung tutuusin, malapit siya sa Diyos at isa rin siya sa mga tumutugtog sa kanilang simbahan at siya ay isa sa mga basketbolista ng aming paaralan supportado ko siya noon sa lahat ng kanyang laban kami ay legal sa kanyang pamilya ngunit nung ipapakilala ko siya sa aking mga magulang ay bigla siya umatras at tumanggi sapagkat nahihiya daw siya na kausapin ang aking mga magulang.

(Flashback)

Sasabihin ko na talaga kay mama mamaya sa hapunan ang relasyon namin, sigurado akong susuportahan niya kami.

(Hapunan)

"Ma may boyfriend na po ako, wag po kayong mag-alala dahil  mabait siya at mahal na mahal niya ako" masayang sabi ko

"Tumigil ka Azra! Ang bata niyo pa para makipag-relasyon unahin niyo muna ang pag-aaral niyo! Akin na ang cellphone mo at huwag na huwag ka ng makipag-usap sa lalaking yun!"

Hindi ko na pansin tumulo na pala yong luha ko akala ko ba papayag siya akala ko susuportahan niya kami, akala ko lang pala yun at tumakbo na ako papunta sa aking kwarto.

(Kinabukasan)

Matapos ang aking klase pinuntahan ko siya sa kanyang classroom at natagpuan kung nagmumukmok sa kanyang upuan nilapitan ko siya at kinuwento sakanya ang napagusapan namin ng aking ina.

"Pinagbabawalan niya akong makipagrelasyon sayo" naiiyak kong sabi.

"Sabi ko naman kasi sayo na wag na natin ipaalam sa magulang mo ang relasyon natin sapagkat alam kong pagbabawalan niya tayo" pag tapos niyang sinabi ang mga salitang iyon ay iniwan niya akong umiiyak.


Kaya simula non hindi ko narin siya pinapansin o nililingon sa tuwing tatawagin niya ako sapagkat ayoko sa isang lalaki ay yung hindi marunong maghintay ng tamang panahon o oras para maging legal kami sa aking mga magulang kaya simula rin non hindi na ako umibig pa at hindi narin nagpaligaw pa sa iba.

• True Love Wait's •Where stories live. Discover now