Chapter 5

6 1 0
                                    

4:30am ng magising ako dahil may narinig ako kalabog na nagmumula sa baba na parang bang may nagaaway agad akong bumangon at sinilip ang baba. Nagulat ako sa nakita ko nagkalat ang mga plato naka taob ang mga sofa na parang dinaanan ng malakas na bagyo.

Sinilip ko sila mama sa kwarto pero hindi ko sila nakita doon .Ako lng ang tao sa bahay hindi ko din alam kung makakapasok pa ako kasi sa dami ng lilinisin ko hindi ko alam kung makakapasok pa ako .

Sinimulan ko ng maglinis na baka pag natapos pa ako ng maaga e makapasok pa ako. Hindi ko alam ang uunahin ko sa dami ng kalat makalipas ang isang oras hindi pa ako tapos tumatagaktak ang pawis ko sa sobrang pagod sa dami kong nilinis 6:00am na ako natapos nag pahinga ako ng mga 15mins para makaligo at makapasok na .

Matapos kong mamahinga ay agad na akong naligo at lumabas ng bahay habang naglalakad ako papuntang school iniisip ko kung anong nangyari kay mama kung bakit nagkakaganun sa bahay ngayon lng nagkaganito ang pamilya namin . Bakit ganto problema ang inaabot ko ayoko naman na masira ulit ang pamilya namin broken family na nga ma bbroken pa ulit. Hayss sana matapos na toh at bumalik na ulit sa dati at makita ko na ulit sana yung ngiti ni mama .

Nakapasok na ako ng gate ng aming school nakasalubong ko nanaman si kuyang gwapo. Nagulat ako ng bigla siyang naglabas ng panyo saka inabot sakin

Kuyang gwapo: Miss kailangan mo po ata neto ?
Azra: Ha?! bakit naman??
Kuyang gwapo: May luha ka kasi

Bigla niyang pinunasan ang kuha ko sa aking mata na tumulo sa aking pisngi .Hindi ko napansin na tumulo pala ang luha ko habang iniisip ko ang mga problema sa bahay.

Azra: Ay salamat . hindi ko na pansin na tumulo pala ang luha ko .
Kuyang gwapo: Bakit miss may problema ka ba?
Azra: Wala naman . saka kaya ko naman to maayos din to salamat ulit kailangan ko ng umalis malalate na ako sa klase ko!.
Kuyang gwapo: Saglit lng miss pwede ko ba malaman pangalan mo?
Azra: Ako si Azriella Gomez pero pede mo akong tawaging Azra
Kuyang gwapo: Ang ganda namn po pala ng name niyo bagay sa maganda niyong muhka . Ako naman po si Sean Fernandez.
Azra: Ay! Nakuha pang mambola pero bagay din namang name mo sayo . Una na ako ahh malalate na talaga ako sa una kong subject pagnagtagal pa ako byee Sean!!
Sean: Sige sige ingats!

Matapos kong magpaalam ay agad na akong umalis. Pero natutuwa ako at kinikilig kasi nalaman ko na name nung gwapong lalaki na yun sa wakas !! sayang lang talaga parang bitin paguusap namin kung hindi lng talaga ako malalate e hays.

Nakapasok na ako sa aming silid aralan at sakto lng ang dating ko magsisimula palang ang aming unang subject nakaupo na ako sa aking bangko ng bigla akong binato ni ashley ng papel .

Ashley: Hoy azra bakit tulala ka nanaman?!?!
*Hindi ko namalayan na tulala nanamn pala ako kasi habang nakaupo ako iniisip ko parin yung problema sa bahay pati si sean yung gwapo at maamo niyang muhka hayy..
Azra: Kailangan talagang mambato pa ng papel!!!??!?
Ashley: Ee parang ang lalim nanaman ng iniisip mo e. bakit may problema ka ba? Pwde ka naman mag kwento sakin e handa naman akong makinig.
Azra: Hindi wala toh may naisip lng ako . Salamat sa concern bes! . Sige na makinig na tayo at baka mahuli tayo ni mam na nagdadaldalan
Ashley: Walang anuman!., Sige na makinig na nga muna tayo mamaya na tayo mag chikahan...

Matapos ang aming klase agad na akong nagligpit ng gamit ko para makauwi na . Palabas na ako ng aming silid aralan ng matanaw ko si Sean sa gilid ng kanilang silid aralan na parang dami nanamang iniisip at problemadong problemado . Gusto ko sanang lapitan pero nagdalawang isip ako at nagpatulog sapaglalakad pauwi malapit na ako sa aming bahay wala paring tao,wala padi sila mama at tito magisa ako sa bahay ng buong gabi.

Umakyat na ako sa aking kwarto para magbihis at ng makapagsaing na din baka biglang dumating sila mama at mapagalitan nanaman ako matapos kong magsaing at magluto ng ulam hinintay kong dumating sila mama nasa sala lng ako at nagaantay.

10:30pm na wala padin sila nauna na akong kumain at baka mamaya pa silang dumating matapos kong kumain nagantay ulit ako 1:16 am na wala padin sila hayyy ano na gagawin ko sa pag aantay ko at pagod nadin ay nakatulog ako bigla sa sala .

4:00am nagising ako wala pa din sila kaya nagpasya na akong umakyat ng kwarto para dun ipagpatuloy ang pagpapahinga ko nakatulog ulit ako at nagising ako ng 5:15 am hindi na ako natulog at nagsimula ng mag ayos na sarili para hindi ma late sa pagpasok .

Papalabas na ako ng bahay ng biglang dumating si mama sa wakas pero wala pa din sa mood tinawag niya ako.

Mama:Azra!?!! Mag impake kana aalis tayo
Azra: Ma?! bakit? san naman tayo pupunta??
Mama: Wag ng madaming tanong mag empake kana.
........ To be Continued ..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

• True Love Wait's •Where stories live. Discover now