Mia's POV
"Ma! Nasaan na po yung baon ko?" Sabi ko habang naglalakad papuntang kusina.
Ilang araw na lang matatapos na ang senior high life ko. Hays. Mabuti nakapasa ako sa university kung saan mag-aaral si Clau at syempre si Jay Jay my loves. Si Jay Bautista yung first love ko nakilala ko siya since lumipat sila ng nanay niya noong anim na taong gulang pa lang siya. Masakit man isipin pero namatay ang nanay niya dahil sa cancer nito sa buto, kung di ako nagkakamali 10 years old kami ng mangyari yun.
Naalala ko pa umiyak ako sa tapat ng bahay nila dahil nalaman ko kila mama na kukunin si Jay ng tatay niya noon at sa ibang bansa na maninirahan kasama ang step mom at step sisters niya.
"Anong ginagawa mo diyan? At bakit ka umiiyak?" Narinig ko ang boses niya at tumingala ako sa pagkakayuko. Nang makita ko siya mas lalo ko pang nilakasan yung iyak ko.
"Kasi... iiwan mo... ko. Sasama ka... sa papa.. m-m-mo." Utal-utal kong sabi.
"Ang pangit mo pag umiiyak. Umuwi ka na nga hindi naman ako sasama sa kanya." Papasok na sana siya sa loob ng binigay niya sa akin yung panyo ng galing sa bulsa niya. Agad ko naman tong kinuha.
"Eh? Promise?" tanong ko.
"Bakit ako magp-promise? Umuwi ka na nga." At tuluyan niya siyang pumasok sa loob.
Mas pinili niyang mabuhay ng mag-isa kesa sumama sa tatay niya. But still sinusuportahan pa rin siya nito. Kaya simula noon hanggang ngayon si mama na yung naging guardian niya.
"Ma, gumawa ka pa ng tatlong sandwich." Sabi ko habang kumakain ng sandwich.
"Para kay Clau?" Tanong niya.
"Hindi! Para kay Jay Jay." Sabay ngiti ko. Binalingan naman ako ng tngin ni mama na para bang nangaasar pa.
"Ate? Pahiram ako ng sign pen mo!" Sigaw ni Dave mula sa kwarto niya. Si Dave ang bunsong kapatid ko pero minsan kung umasta to parang siya ang kuya ko.
"Hanapin mo sa kwarto ko!" sagot ko sa kanya.
Tumingin ako sa orasan ko magaala sais na hindi pa rin lumalabas ng bahay si Jay Jay. Siguro nauna na yon gusto ko pa naman siyang makasabay pumasok. Si mama kasi ee ang bagal. Hays.
Naglalakad ako papasok ng campus ng-
"MIAAAAAAAAAAAA!" sigaw ni Clau.
Claudia Villar is my super bestfriend simula ng elementary kami. She's also the best girl ever. Super supportive bff siya halos lahat ng ginagawa ko para kay Jay nandun siya para suportahan at tulungan ako. Because I believe na magiging akin si Jay Jay my loves.
"Ano ka ba naman ang sakit sa tenga ha. Parang di tayo nagkita kahapon." Sabi ko sa kanya habang iniikot ng mata ko ang buong campus.
"Hahahahaha! Yung hinahanap mo nasa room na kanina pa. Ang aga nga nun ee. Hmmm sa akin ba yang dala mo? Akin na." Sabay lahad ng kamay niya.
"Hindi para kay Jay Jay to, sorry my friend. Tara na bilis!" sabay hila sa kamay niya.
Nakita ko si Jay Jay na nasa loob ng room at mukhang busy magbasa ng kung ano man yun. Halos magkatabi na din kami ng upuan kaso siya nasa kabilang row at katabi ko naman si Clau.
"Jay Jay, breakfast mo." I smiled then binigay ko yung hawak kong paper bag.
"Kumain na ko." Sabi niya ng di man lang lumilingon sakin. Napakaano talaga ng lalaking to.