061

4K 110 35
                                    

maaga kaming nagkita ni rose para puntahan si jisoo sa bahay nila. naisipan naming dumaan muna sa isang coffee shop para uminom ng kape, obviously.

"ano nga palang nangyari kahapon sa inyo ni taehyung?" panunukso ni rosé nang makaupo ako sa table namin after kong kunin ang drinks namin.

"what do you mean?" nagpainosente ako.

"don't me, unnie. alam kong may nangyari! ano nga bang nangyari?" tanong niya. makulit talaga.

i shrugged my shoulders. napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kagabi.

i just kissed him, oh my god.

"omg! what's with that smile?! hala are you in love?!" malakas na sabi niya. halos lahat ng tao ay nakatingin na sa amin. mabilis kong sinubuan ang bibig niya ng chocolate cake para matahimik siya.

effective naman.

the thing about chaeyoung, she loves eating. and she's very cute when she's eating.

"pero sabihin mo na sakin kung ano nga ba yung nangyari, promise di ko pagsasabi." sabi niya tsaka kumindat.

gusto ko din namang sabihin sa kaniya, kaso nahihiya ako. ako ang unang humalik kay taehyung. nakakahiya yun!

"hala, why are you blushing?"

mabilis naman akong nagtakip ng mukha. bwisit lang talaga. dapat di muna ako nagpakita sa babaeng to eh. mabuti na lang at wala din si lisa, dahil isa pa yong babaeng yun. baka binaha na ako dito ng mga pang-aasar nila.

"wala hinatid niya lang ako. yun lang. ano bang dapat mangyari?" pagpapanggap ko. mas mabuti na 'to kesa sabihin ang totoo, nakakahiya yun!

"wala siyang ginawa?! as in? totoo?!" nanlaki ang mata niya.

"if wala talaga siyang kabastusan na ginawa then hindi siya si taehyung! may sumaping kung ano sa kaniya. imagine, kayo na lang dalawa. tapos wala pa siyang gagawin sayo? imposible!"

nilakihan ko naman siya ng mata. "shhh, wag ka ngang maingay."

tumingin siya sa paligid at nang makita niyang halos lahat ay nakatingin sa amin, nagpanggap siyang walang ideya.
"ah hehe... sorry." sabi niya tsaka bumalik sa paginom.

"pero ikaw ha. saan mo natutunan yung kamalditahan mo?" bulong ko sa kaniya.

"what do you mean?"

"anong what do you mean? wag ka na magpainosente. yung ginawa mo kay taehyung!"

lumiwanag naman ang mukha niya. "ahhh! syempre sayo! saan pa ba ako magmamana?"

sinamaan ko siya ng tingin.

"so maldita ako, ganoon?" sabi ko. tumawa lang siya at ngumisi.

"bagay lang naman yon sa kaniya eh. pero ngayon, hindi na. kasi i ship the two of you. bagay na siya sayo ngayon! woo!" sabi niya na ikinatawa ko naman.

"wag ka ng maingay, kumain ka na lang diyan. don't say nonsense things." sabi ko at ibinigay na sa kaniya yung chocolate cake.

nagsasalita pa siya nang may mahagip ang mata ko sa likuran niya.

that girl....

napanganga ako nang marealize kung sino ang babaeng nakaupo 2 tables away from us. naka lugay na ang buhok niya at naka tshirt siya na color yellow.

bahagya pa akong napasinghap nang magtama ang mata namin. tumingin siya sa akin!

mabilis kong tinuon ang atensyon kay chaeyoung.

hindi ako maaring magkamali, siya nga yung kasama ni taehyung noon. anong ginagawa niya dito? kilala niya kaya ako? bakit tinignan niya ako?

pasimple ko ulit siyang pinagmasdan at ngayon naman, nakatingin lang siya sa cellphone niya.

kung tatanungin ako, maganda naman siya. pero mas maganda parin ako.

"oh my gosh." sabi ni chaeyoung.

"ha bakit?"

"si taehyung oh!" sabi niya sabay turo sa counter. naroon nga si taehyung na kasalukuyang umoorder.

napanganga ako. andito siya, at andito din ang babae niya? so ano iyon, nagdedate sila?

imposibleng hindi sila magkasama. paniguradong nagdedate nga silang dalawa.

sinamaan ko ng tingin ang babaeng ngayon ay nakatingin na din sa akin. nang una siyang nag iwas ng tingin, napairap na lang ako.

"tara na." sabi ko kay chaeyoung na hanggang ngayon ay kumakain pa din.

"huh, bakit?" tanong niya na parang naalarma. "diko pa nauubos." sabi niya at tinuro ang pagkain niya.

"basta tara na lang." sabi ko.

nawalan na ako ng mood. i suddenly hate this place.

gosh, i hate cheaters.

ay teka lang, cheater? eh nilalandi lang naman niya ako ah? sabagay, siya narin mismo ang nagchi-cheat sa girlfriend niyang yan kung girlfriend man niya yan talaga. cheater parin siya.

masaklap lang, ginawa pa akong kabit. tangina.

"pero sayang naman, ang mahal mahal tapos ang sarap sarap, di ko uubusin?"

"itake out na lang natin." sabi ko pero lumabi parin siya. napabuntong hininga na lang ako. grabe lang talaga.

pinapagmadali ko na siya nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

"jennie!" napatingin ako sa may bandang pintuan, naroon si hanbin at kuya mino.

hindi man lang kumaway si kuya nang makita niya ako pero si hanbin, malaki ang ngiti niya habang kumakaway sa akin..

nginitian ko siya tsaka sinenyasan na lumapit. napalingon din si chaeyoung kahit na ngumunguya parin siya ng chocolate cake.

doon ko lang narealize na nakatingin na sa akin si taehyung habang nakaupo na siya sa table kaharap yung babae niya.

hindi ko na siya pinansin pa.

magsama silang dalawa. kingina nila.

foreplay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon