"Tamara?"Siya si Nicholas Claive Glavez...
Naaalala ko pa nung Second year siya at First year ako. Nakilala ko siya dahil sa lumipat sa kaharap ng bahay namin. Napangiti ako sa kawalan ng maalala ko yun.
Naalala ko din nung nagrebelde siya, nakakaawa siya sobra. Kasi sabi ni Kuya sakin, kaya daw sila bumalik lahat ay para kay Nicholas. Lumalala na kasi iyong OCD at Depression niya. Kailangan niya raw ng pahinga. at bilang mga barkada ni Nicholas ay nagstop din sila Kuya.
Nagulat ako kasi okay lang kay Papa, okay lang daw basta bumawi si kuya. Nagoo naman ang kuya Taro ko. Nakakakilig lang kasi yung buong barkada nila ay napunta sa section namin nung next school year na. Naging seatmate ko si Kuya Taro at Kuya Nicholas. Sabi kasi ni Kuya sakin ay tawagin kong kuya si Nicholas.
Pero kahit yata kapatid ako ng barkada niya ay di niya parin ako napapansin. Siya ang lagi kong kapartner sa lahat ng activities at projects. Ako kasi ang top 2 sa room, habang siya ay ang una. Seatmate pa kami, at ako ang lagi niyang nirerequest.
Kinikilig naman ako hays. kahit alam kong ako lang yung pinipili niya para di na siya lilipat ng upuan niya. Tamad talaga.
Ayun nga at umalis na ang seniors namin nun, at kinailangan ng bagong banda para sa school. Di ko alam pero nagulat padin ako ng sumali silang buong barkada.
At ang nakakainis kong bestfriend na si Haruka, ay kinukulit ako sa autograph ng kuya ko. Minsan nga naiisip ko kaya lang ako kinaibigan nito dahil kay Kuya e.
Parehas din sila ni Jihoon. Araw araw wala silang pinalampas na pestihin ako.
Balik tayo kay Nicholas hehe, yun nga at siya ang naging leader ng banda at siya rin ang gumawa ng pangalan.
The Rising Gods of East.
Nakilala sila, as in kahit mayaman na sila ay nagpeperform parin sa kung saan saang school. Basta kapag may events. Nakapunta na sila sa Marfill High at sa Saint Mary Academy.
Kinikilig ako sobra lalo na nung Third year na kami, dumating ang January at sobrang busy ang school para sa Foundation at JS Prom. Niyaya ako ni Jihoon na maging partner niya pero nagiwan ako ng letter, Scrapbook na puno ng picture ko, at ng permit para makakuha siya ng kahit anong animals dun sa may Tamara's Clinic for Pets.
Sakin nakapangalan yun, kaya kahit nasa 15 years old palang ako ay no choice ako na ako ang maghawak ng negosyong yun. Ako rin kasi ang namilit kay Dada nun, dahil mahilig ako sa pets.
I heard kasi na gusto ni Kuya Nicholas na magkaroon ng Pet kay Kuya Taro, kaya ayun binigyan ko nalang siya ng free. Hehe!
Dumating ang Febraury, wala ka paring sagot. Kahit katabi kita hindi mo pa din ako napapansin, naalala ko nung ika-13 ng Febraury. Isang gabi nalang at JS na natin, di ko pa din alam kung sinong partner ko.
Si Kuya Taro sana kaso kapartner niya si Ate Ella, yung girlfriend niya. Si Jihoon naman ay no choice kunnu kay Haruka. At ako? nganga.
"Tara..." halos bulong nalang yun nung binigkas mo, ayoko naman lingunin ka kasi baka iba iyong tinatawag mo sa dami ng tao nun sa corridor. Atsaka naiiyak rin ako. Wala kasi akong partner bukas hays.
"Sister of Taro." natigilan ako sa sinabi mo. Di dahil sa kinilig ako, dahil sa kirot na dumaan sa puso ko.
Bakit ako nasasaktan? bakit?
May mga luhang nagbabagya ng mahulog pero huminga lang ako ng malalim saka tumingin sa taas. Bumalik naman ang luha ko, kaso ang sakit ng dibdib ko ay wala.
Di ko nalang pinansin ang sarili ko, nilingon ko kita. Isinenyas mo ang kamay mo na parang tinatawag ako palapit sayi, at dahil tanga ako. Sinunod ko naman.
Narinig ko ang pagbuntong hininga mo, "So, i got your gift for me and that's so unique gift except the letter. but the letter itself made unique. Are you still available?" nagulat ako sa pinaghalong methol at strawberry na amoy ng hininga mo. Halos mabaliw ako sa amoy na yon.
Tumango ako sayo at sinabing wala pa akong partner. Tumaas naman ang gilid ng labi mo nun, saka mo nilapit ang labi mo sa tenga ko, "okay, ading tamara."
Napasinghap ako sa init ng boses mo at kung pano mo ginising ang mga pagasa kong nababaluktot na. Iniling ko ang tenga ko habang pinapanood kang naglalakad palayo sa pwesto ko. Nagulat ako ng makitang tayong dalawa na lang ang tao dito kabit na kanina ay punong puno to ng students dahil uwian.
Huminga nalang ako ng malalim, wala sa sarili akong umuwi. Nagulat nalang ako ng nasa bahay na ako, nagulat ako ng makita na hinalikan ko si dada na nasa harap ng laptop. pano ako nakauwi? Nababaliw na ata ako? ano ba naman yan.
Dumaan ang gabi, wala akong pasok kasi nga para daw makapagprepare sa JS Prom mamayang gabi.
Kasalukuyan ang make up session ko that time. Umalis na si kuya para sunduin si ate Ella.
Natapos ang makeup ko at andito ako ngayon. Nakaupo sa labas ng bahay. Hinihintay ko yung 'okay' mo.
"Ading?"
At ngayon tinititigan kita sa mata, pinipigilan ko ang panginginig ng tuhod ko. Di ko kasi kinakaya yung timgin mo. Nakakainggit lang kasi may taong nabubuhay na kagaya mo, Brown na brown ang kulay ng mata mo, pulang pula ang medyo manipis mong labi, yung kilay mo den sobrang kapal at may pagmamalaki rin naman ang ilong mo kahit papaano.
"Ading are you just wasting my time?" halatang pigil na inis na sabi mo nun.
Iniharap ko ang kamay ko na may hawak na bouquet.. Dahan dahan kong niyuko ang ulo ko. Nagiinit na rin ang mukha ko.
"Kuya pwedeng manligaw?!"
Tenny's Note:
I am now stepping out on my comfort zone, comedy here i am! and expected it to be a corny story. Because i know nothing at joking and stuff! so sorry and happy reading.