Not your ordinary prince
Chapter1.
New school new life, nkakasawa dun sa lumang school napaka gloomy and napakaingay. Sa wakas high school na din, sa wakas wala nako dun sa pangit na elementary school na yun. Oh nakalimutan ko, ako nga pla si jude, madalas akong napapaaway dahil sa pangalan ko, madalas na pagtitripan dahil dito, ewan ko ba ayaw ata saken ng magulang ko. Hiwalay ang parents ko, simula bata ako sa nanay ko ako nkatira, hndi ganun kaganda dun, mahirap lang kami pero my sustento ng tatay ko, namatay ung nanay ko ng 7 years old ako, simula nun kinuha kami ng tatay ko sa bahay nya and doon na pinatira, ayaw ko din sa ama ko, wala sha sa libing ni mama, although walang pakiaalm samin si mama, minahal ko pa din sha.
Oh bka malate nanaman ako, lagi nman akong late nung elementary so sa tingin ko di masama kung malate ako ngayong highschool. Wala akong gustong tao, mas palagi akong mag isa kesa sa my kasama, madalas akong nabubully, pero sa haba ng panahon na nabubully ako natuto din akong bumangon at lumaban para sa sarili ko. Hndi ako magaling makipag kaibigan, and isa palang ang tinuring kong bestfriend simula noon, yun ay yung tita ko. 10mins na lakad lang yung school ko sa apartment ng pinsan ko, dito ako ngayon nakatira, kaya hndi naman siguro ako malelate nito kahit magtagal ako sa banyo.
Pumasok na ako sa classroom, ang iingay ng tao lahat ata sila magkakaibigan nung elementarya pa, i wonder kung masaya magkaroon ng ganto kadaming kaibigan. Umupo ako sa dulo malapit sa bintana, wala pa kseng tao dun and wala pa dng katabi kaya kinuha ko ung nsa sulok, ayaw kong masyadong nkakaagaw ng pansin, ayaw ko din namang napapansin ako. Tahimik ako, napaka tahimik, madali akong mapikon lalo na pag pinapakealaman ako, wala akong kaibigan, kahit sa elementary school ko. Bakit wala? Since grade 4 ako homeschool na ako, ayaw kong nsa bahay pero kailangan kasi halos lahat ng lalake na kagrade ko nasapak ko na, dahil sa kakaasar nila saken at dahil palagi ako magisa ako pinagiinteresan. hndi tlga maganda ang days ko nun, kaya umaasa akong maganda na to ngayon, pero di ako sigurado parang nkakatakot at mahirap.
Bigla akong nilapitan ng tatlong lalaki sa dulo, kahit nkayuko nko alam kong pinagtatawanan nila ako. Kinalabit ako ng isa at biglang nagsalita.
'oi anong pangalan mo,'
Pinabayaan ko lng, alam kong aalis din yan pag dimo pinansin.
'oi sumagot ka pag tinatanong ka' binatukan nila ako sabay tawa, nakakainis na talaga ayaw kong ginaganto ako, pero dahil umpisa ng school papabayaan ko lng. Tumayo ako and sinabi ko ang buong pangalan ko
'ako si jude espedida, pasensya na kung di ako nakasagot agad.' sabay upo
'narinig nyo un! Haha eh hudas pala to eh' sabay nagtawanan lahat ng tao
Nainis na talaga ako, ayaw na ayaw kong pinagtatawanan ung pangalan na binigay saken ng magulang ko, kahit hndi nila ako minahal, dapat ginagalang pa din sila. Wala akong pake kung sino ka basta pag pinagtawanan mo ang pangalan ko malilintikan ka saken.