Litrato

38 2 6
                                    

ILANG beses ko na atang naisipang magpakamatay, pagbibigti? Mag laslas? Saksakin ang sarili? Uminom nang sangkatutak na gamot? Lasunin ang sarili? Magpalunod? Hindi ko na kaya, ang hirap mawalan nang taong pinakamahalaga sa buhay mo. Gustong gusto ko nang mamatay. Di ko na kaya, miss na kita lolo.

Pero ang galing lang, bigla nalang akong nagkadahilan ulit para mabuhay ..

"Cassey!" sigaw nang lalaki sa labas nang bintana na lagi akong pinunpuntahan gabi gabi.

"Aron, diba sabi ko wag ka na pumupunta dito kapag gabi? Makita ka pa ni mama, kung ano pa isipin non." Sigaw ko pabalik.

Nakilala ko si Aron pagkatapos mailibing nang paborito kong lolo, yung lolo kong nag-alaga saakin, na kinilala ko na ring tatay. Wala na kase si Papa sumakabilang bahay na. Oo, sumakabilang bahay. Ang sabi sakin ni lolo pinagbubuntis pa lamang ako ni Mama ay may kinakasama na si papa na iba pero hindi daw dapat ako magtanim nang sama nang loob dito dahil tatay ko parin ito, at dahil sinabi nang lolo ko ay sinunod ko na lamang ito.

Ngunit, sa hindi inaasahan na pagkakataon, namatay ang lolo ko, dalawang linggo pagkatapos nang 18th birthday ko.

"Apo, magaaral ka nang mabuti, Huwag mong hahayaang lamunin ka nang problema, alagaan mo ang mama mo at lalong lalo na ang sarili mo. Ipinapangako ko sayo na andito lamang ako para sayo, babantayan ka hanggang sa kamatayan ko." Iyan ang mga huling bilin sakin ni lolo. Kada maalala ko ang mga katagang yan ay hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Natigil lang ako sa pag-rereminisce nang batuhin ako nang maliit na mangga ni Aron.

"Nakatulala ka nanaman jan Cassey, tara na't lumabas ka na riyan,tingnan natin ang mga bituin." Pag-yaya saakin nito. Mejo malalim din ito magsalita at minsan ay purong tagalog, kaya mejo naiilang ako kausapin ito. Pero, mabait naman siya at dahil sa presensya niya ay gumagaan ang loob ko at nawawala ang pagkamiss ko sa aking lolo.

"Tara na Cassey, saglit lang tayo. Pangako" Tinaas pa nito ang kanang kamay nito na parang nanunumpa.

"Oo na ito na, wait mo ako jan, kukuha lang ako nang jacket at lalabas na ko"


NAKAUPO lang kami ni Aron dito sa gilid nang batis malapit dito sa bahay namin, madalas din kami ni lolo dito noon at mahilig kami nitong magselfie.

"Naaalala mo nanaman ang lolo mo no?" tanong ni Aron habang nakangiti, tumango na lamang ako bilang sagot.

"Namimiss ka na non sigurado ako, at sigurado rin ako na malukungot ang lolo mo kapag nakita ka niyang ganiyan kalungkot kada iisipin siya." Hinihimas pa nito ng likod ko habang sinasabi ng mga iyon.

"Sabagay, tama ka nga naman. Simula ngayon hindi na ko iiyak kapag maalala ko siya, salamat Aron, anjan ka para pagaanin ang loob ko." Binigyan ko ito nang matamis na ngiti na ikinapula nang pisngi niya, at mejo natawa naman ako dahil dito. Natahimik na lang kaming dalawa at pinanood namin ang mga nagliliwanag na bituin sa langit.

Habang binibilang ni Aron ang mga bituin, ay napatitig ako sakanya. Halos magiisang buwan na kami lumalabas tuwing gabi ni Aron, pero wala pa ako masyadong alam sakanya, muka namang walang hamak itong maidudulot kaya sumasama ako sakanya, hindi dahil gwapo siya ah, gusto ko lang din ilibang sarili ko.

Ang alam ko lang na tungkol sakanya eh yung matangos niyang ilong, katataman niyang puti, pagiging matangkad niya, pagkapinkish nang lips niya, tsaka ang hahaba nang pilik mata,tinalo ako! At halata mong maganda ang katawan nito, kahit na nakasimpleng tshirt lang siya ay nakikita mo yung hubog nang katawan niya, kung huhulaan ko ang age niya, siguro mga nasa 19 o 20 na siya. Hula lang naman di ko pa natatanong eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LitratoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon