Richie's POV
Aish !
Nakakainis naman .
First day of school late ako .
How embarrassing .
Ano nalang sasabihin nila sakin ? Transferee nalate ? Oh my God !
Yari talaga sakin sila manang , Di manlang ako ginising .
Pumasok na agad ako ng CR . Syempre , ayokong mag-aksaya ng oras .
After 10 minutes ay lumabas na agad ako ng CR at nagbihis ng bago kong uniform ......
Ang uniform ng SAN ANTONIO ACADEMY .
Hindi ko alam kung bakit dito ako magtatransfer eh . Wala lang . Siguro tinamad nako maghanap .
Bumaba na agad ako pagkatapos ng mahaba- habang seremonya sa kwarto ko . Kung minamalas nga naman talaga oh ! Nakasalubong ko pa si yaya Tes sa hagdan .
" M-maam Go-good morning p-po ." nanginginig na sabi ni yaya Tes .
Nagtataka talaga ako sa kanila . Tuwing makakasalubong ko kase sila parang lagi silang nakakakita ng multo.
" Yaya ? Do you have any clock on your room ? " tanong ko sa kanya .
" O-opo Ma'am " sagot niya sakin .
" Yun naman pala eh ." malambing na tugon ko sa kanya . Napansin kong nawala yung takot sa mukha niya ah . Maibalik nga .
" BAKIT HINDI MO AKO GINISING ? ALAM MO NAMANG FIRST DAY OF SCHOOL KO TAPOS LATE AKO ! GUSTO MO BANG MAWALAN NG TRABAHO !? " pasigaw kong tugon sa kanya .
" Ma'am ! Maawa po kayo sakin ma'am ! Kelangan ko po talaga ng trabaho maam ! May sakit po yung anak ko ." mangiyakngiyak na sambit niya . Binigyan ko nalang siya ng katakot - takot na irap at pagkatapos nun ay pumunta nako sa labas ng bahay kung saan hinihintay nako ng driver namin .
" Ma'am ? San po tayo ? " Tanong sa akin ni Mang Timo . TIMOTHY kase name niya . Pinaikli ko lang . Sayang kase laway ko pagbinanggit ko pa .
" Sa San Antonio Academy Mang Timo . Pakibilisan lang po kase late nako ." utos ko sa kanya . Pagakahinto palang ng sasakyan ay agad-agad na akong tumakbo papunta sa 3rd floor . Hingal na hingal akong napahinto at napahawak sa pinto sabay sigaw ng
" MAAM SORRY IM LATE ! " . Shet lang talaga kase nagmukha akong tanga ! Lahat sila ay Nasa sakin ang mga mata .
" Okay Ms . Dela Fuente , you may come in " sabi sakin ng teacher na Nasa harapan . Hindi ko pa kase alam pangalan niya eh . Pake mo ba ?
Pumasok agad ako ng class room pagkasabi ni ma'am nun . Naghahanap na ako ng mauupuan ng biglang nagsalita si ma'am .
"Introduce yourself first Ms. Dela Fuente . " sabi ni Ma'am sa akin .
" Richie Dela Fuente . " pakilala ko .
" Can I go and sit now Ma'am ? " sabi ko agad kay ma'am . Nakakangalay kayang tumayo dito.
" uhm . Okey . seat there beside Mr .Ross " pagkasabi nun ni Ma'am ay agad akong umupo sa tabi nung sinabi niyang Mr.Ross .
" Hi Richie ! I'm John Clyde Ross " pakilala ng katabi ko .
" Wala akong pake " sagot ko naman .
" Grabe naman to . Nakikipagkilala lang naman ." sabi naman niya .
" Tinanong ko ba pangalan mo ? " asik ko naman.
" Edi wag " sagot naman niya .
Agad akong napalingon sa kanya .
Bakit parang pamilyar yung Boses niya ?
Nakita ko na ba siya noon ?
Kilala ko ba siya ?
Aish ! Baka naghahallucinate lang ako . tsk.
YOU ARE READING
Finding Her Happiness
Teen FictionBeing with you is a wonderful gift that God has given me. It's amazing how in such a huge world as we live our souls may have encountered. This happened because our destiny is to be together and live this beautiful love.There was a time in my life w...