Chapter 1 (Crazy Girl)

9 0 0
                                    

Nandito ko ngayon mag isa sa coffee shop at nag eemote... di ko pa rin kasing matanggap na si Lysa na at si Zero

Habang iniinom ko yung mocha latte ko.. may pumasok sa coffee shop na isang babaeng mukhang christmas tree sa dame ng nakasabit sa kanya

Nakita niya kong nakatingin sa kanya at mukhang papalapit sakin.. binaling ko na lang yung tingin ko sa iba pero umupo siya sa harap ko

"Are you Stefan Anison?" tanong ng babaeng christmas tree sakin.. seryoso yung mukha niya

"Oo bakit mo ko kilala?"

"Well.. you don't need to know that.. by the way I'm Shaira... Your New Girlfriend"

Ano daw? siya? girlfriend ko? Hindi sa pag mamayabang pero maraming nagkakagusto sakin sa school pero siya pa lang ata ang unang babae na self proclaimed girlfriend ko na sinabe sa harap ko mismo

"Wait lang miss.. una sa lahat di kita kilala.. Pangalawa ayoko sa babaeng maarte kagaya mo" iritang sabe ko.. sorry naman mean kasi talaga ko minsan

"Hey how dare you call me maarte"

"tss.. sige alis na ko" kinuha ko yung kape ko sabay tayo

"I know you like lysa" napatigil naman ako sa sinabe niya

"Alam ng buong campus yun" akmang palakad na ko ng may sinabe siyang pinagkainteresan ko

"Zero is just using her"

umupo ulet ako ng marinig yun.. hindi ko alam kung anong basehan ng babaeng to sa sinasabe niya pero wala naman akong gagawin kaya papakinggan ko muna siya

"Ano pang alam mo??"

"Zero is my.." pinatigil ko siya sa pag sasalita

"Wait lang babaeng christmas tree.. pwede bang mag tagalog ka? hirap na hirap ka kasi mag salita e" mukang na offend siya at inirapan pa ko

"Whatever.. Ex boyfriend ko si zero at kaka break lang namen kahapon"

"Wait nga miss.. naging si zero at si lysa kahapon.. please itigil mo na yang imagination mo"

siguro may sira sa utak tong babaeng to.. sa itsura pa lang niya e...mukang naiirita na rin siya sa pagiging mean ko sa kanya

"Shut up stephan and listen to what im going to say... I really dont know what happen but yesterday zero broke up with me" nalungkot naman yung mukha ni babaeng christmas tree

"Galing kame sa bahay namen nung pinakilala ko si zero kay dad.. nung ihahatid ko si zero sa car niya.. he broke up with me.. and then later that day.. nalaman ko na sila na ni lysa"

tahimik lang akong nakatingin sa kalokohhan na sinasabe neto

"Tingin ko kasi dad confronted zero thats why he broke up with me.. so I want you to be my boyfriend"

"Gusto kong magselos si zero at bumalik siya saken... im very smart right?"

Baliw.. ang babaeng nasa harapan ko ay baliw... natawa ko ng malakas sa mga pinag sasabe niya

"wait why are you laughing?"

"miss christmas tree.. .siguro isa ka sa mga adik kay zero but please stop making stories that will never happen.. nag mumuka ka lang baliw" sabay alis ko sa coffee shop

Nung nasa labas na ko.. nilingon ko yung babaeng christmas tree at nakita ko siyang umiiyak..

hindi talaga ko naniniwala sa mga sinabe niya pero alam ko ang pakiramdam ng may iba ang taong mahal mo.. alam ko yun kasi yun din ang nararamdaman ko ngayon

bumalik ako sa loob at kinausap yung babae

"Fine.. Pag napatunayan mo na totoo lahat ng sinabe mo.. I'll be your boyfriend"

Five Seconds of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon