⚪Stefan⚪
pag ka galing namen ni xerk sa coffee shop nag punta kame ng arcade.. busy kame sa pag lalaro nang nag text sakin si lysa..
From: Lysa
mag kita tayo bukas sa school.. 6 am sa may locker room.. may sasabihin ako sayong importante
ano nanaman kayang kasinungalingan sasabihin neto.. nawala na ko sa mood kaya nag aya na kong umuwi
kinabukasan.. inagahan ko yung pasok at dumiretso sa locker room.. nandun na nga si lysa
"Sinusunod mo pa din talaga mga sinasabe ko sayo stefan"
"anong gusto mong sabihin" ayoko na muna kasing makita si lysa.. inis pa din ako sa kanya
"stefan.. please stop loving me"
ano daw? alam ba ni lysa mga sinasabe niya
"Ayoko" sagot ko
"itigil mo na nga pagiging childish mo stefan.. hinalikan mo ko kahit alam mong may boyfriend ako"
parang naiirita na siya.. ganun ba siyang kagalit sakin? di ba dapat ako yung galit?
"Please lang stefan.. masasaktan ka lang pag pinag patuloy mo to kaya itigil mo na tong kalokohan na to"
umalis na si lysa pag kasabi niya nun.. at eto ako.. tulala nanaman
maglalakad na sana ko papunta ng classroom ng may napansin akong bumagsak galing sa locker ni lysa
pinulot ko at pictures pala.. pagkatingin ko pa lang alam ko na kung sino nag lagay sa locker ni lysa..
"omg nakita ni stefan" may narinig akong bumulong nun..sigurado ko siya nga may gawa neto
"Labas" sigaw ko
agad namang may lumabas na dalawang babae mula sa dulo ng locker..
"sino to?" sabay turo ko dun sa babaeng nakasalamin
"She's my bestfriend"
"Wala kong paki.. paalisin mo yan" utos ko.. nagiging mean nanaman ako
umalis naman yung babae at nag simula na mag ingay tong babaeng christmas tree
"Hey stefan bakit mo binastos yung bestfriend ko.. kahit kailan talaga mayabang ka"
"at bakit ba lage kang galit kapag nag kikita tayo? very annoying"
panira nanaman ng araw tong babaeng to
"ano bang trip mo? "
"anong trip?" pa inosente pa to
"Eto" pinakita ko sa kanya yung mga pictures.. natahimik naman siya saglit at dumada nanaman
"ganito kasi yan stefan.. I was trying to make..." di ko na siya pinatapos mag salita
"two months"
"ha? anong meron sa two months?" ang slow naman netong babaeng to
"payag na kong maging boyfriend mo for two months... dapat mapaghiwalay mo sila lysa at zero" utos ko
"OMG.. pumapayag ka na?? thank you thank you" nagtatalon naman to sa tuwa
"alam kong gwapo ko pero wag kang oa"
"sorry naman boyfie"
"wag mo kong tawagin niyan..nga pala pag di mo napaghiwalay yung dalawa sa loob ng two months...you'll be dead"
pagkasabi ko nun umalis na ko at pumunta na sa classroom
bakit ako pumayag na maging boyfriend ni shaira? dahil gusto ko patunayan kay lysa na kapag tinigilan ko siya hindi ako ang masasaktan kundi siya..
oo pwede ako gumamit ng ibang babae para saktan si lysa.. pero si shaira ang pinaka safe kasi malayo sa standards ko si shaira
malabong magustuhan ko siya
BINABASA MO ANG
Five Seconds of Love
Teen FictionTuwing may relasyon na nabubuo.. may taong nawawasak Tuwing may bidang sumasaya.. may kontrabidang nasasaktan Alamin kung ano nga ba ang nararamdaman at nararanasan ng bawat kontrabida sa storya Saan nga ba sila napupunta pagkatapos ng happily ever...