Calix Penaflores.
An assistant writer working for a not-so-well-known publishing company.
Sa katunayan, hindi talaga ito kilala na halos hindi mo maiisip na nag-e-exist pala ang ganoong klaseng kompanya.A week before, binabalak na talaga nitong si Calix na mag-resign sa trabaho dahil bukod sa mababa ang sweldo ay sobrang sungit pa ng kanyang mga boss na parang wala na siyang nagawang tama sa trabaho.
All he do is a mess for them. Hindi naman mawari ni Calix saang parte ng mundo nakuha ng mga boss niya ang ideyang iyon gayong sobrang organized niya when it comes to work.
Ang kaso, hindi naituloy ni Calix ang pag-re-resign dala nang sunod-sunod nilang bayarin sa bahay.
Nakasakay siya ngayon sa isang bus mula sa cubao pauwi sa kanilang tahanan. Mabuti nalang at nasa dulong parte siya nito kung saan hindi maririnig ng kung sino man ang kanyang pag-iyak. Frustrated na ito. Nakaka-frustrate naman talaga ang kanyang sitwasyon lalo pa't siya na lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya.
Napakagandang pwesto rin nito upang hindi makita ng ibang pasahero ang namumugto niyang mga mata.
Naaawa man siya sa kanyang sarili sapagkat hindi niya magawang umalis sa kinamumuhian niyang trabaho ngunit ganoon talaga ang buhay.
-----
Matapos umiyak nang halos isa't kalahating oras ng biyahe, napatahan narin niya ang kanyang sarili. Kailangan na ulit niyang maging masaya sapagkat tiyak na sasalubungin nanaman siya ng kanyang butihing ina.
Pumasok ito nang bahay na wari'y sobrang ganado at hindi napagod sa pakikipag-usap sa mga katrabaho niyang alam niyang siya at siya rin lang ang pinag-uusapan sa tuwing nakatalikod siya sa kanila.
"Oh! Anak? Ang sigla mo yata? Hindi ka ba napagod sa trabaho?" pambungad ng kanyang ina.
"Medyo po. Sige po Nay, tuloy na po ako sa kwarto. Dun nalang po ako kakain." pilit na tugon ni Calix upang maiba ang usapan.
Tumuloy na siya sa kanyang kwarto dala ang hapunang kinuha niya sa kanilang kusina.
Umupo siya sa harap ng kanyang lamesa at inumpisahan nang kainin ang mga pagkaing kanyang kinuha kani-kanina lang.
Pagkatapos niyang kumain, imbis na magpahinga na, ay naisipan niyang umpisahan ang pagsusulat ng kwentong matagal na niyang binabalak noon pa man. Pinamagatan niya itong "Untold Stories."
Nakatengga lang kasi ito sa kanyang laptop simula nang maisip niya ang pamagat na nais niya at sa tingin niya'y babagay para sa istoryang kanyang gagawin.
Mahilig talagang magsulat si Calix maski noong bata pa ito.
At dahil sa mga masasamang bagay na naranasan niya noon, mga pagdurusang alam niyang mananatili sa ala-ala niya. Simula sa pagkamatay ng kanyang ama noong bata palang ito hanggang sa pagpasok ng kanyang amain sa kanilang buhay na walang ibang ginawa kundi magbisyo. Hindi naman niya ito masabihan dahil alam niyang ipagtatanggol lang ito ng nanay niya at tanging siya lang ang lalabas na mali at masama sa paningin ng ina niya.
Mahal na mahal kasi nito ang kanyang amain. Dahil ito na raw ang nagkupkop sa kanilang simula nang mamatay ang tatay nila.
Mayroon siyang dalawang kapatid na kasalukuyan paring nag-aaral, isa sa kolehiyo at isa sa hayskul. Ito na lang ang nagiging sandigan tuwing darating ang mga oras na gusto na niyang sumuko. Mahal na mahal niya ang mga ito. At umaasa siyang matatapos din ang kanilang paghihirap.
Dala ng mga pangyayaring ito, nais niyang gumawa ng isang love story na pupukaw sa emosyon at hahalina sa mga puso ng ibang tao. Isang istoryang tatatak sa kanilang isipan at magbibigay ng pag-asa sa bawat isa. Ngunit papaano siya gagawa ng isang masayang kwento, ng isang happy ending, gayong hindi niya pa lubusang nararanasan ang magmahal.
Paano siya mag-uumpisa sa bagay na hindi niya pa nararamdaman? Oo at nagkaroon na nga siya ng girlfriend noon pero ewan niya ba. Parang hindi pa ito yung pure love at sincere happiness na hinahanap niya.
At ito ang i-te-take niya as a challenge. Sana'y makatulong ang istoryang ito, hindi lamang para sa kanyang mga mambabasa, kundi para narin mahanap niya ang matagal na niyang inaasam. Ang tunay na pagmamahal.
-----
Nandito ako ngayon sa bus na madalas kong sakyan pauwi sa aking bahay.
Tahimik kong dinaramdam ang sakit at kirot ng pagiging "heartbroken." Nakipag-break kasi sakin ngayon lang ang girlfriend ko na si Elise. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung may pagkukulang ba ako sa kanya.
Galing ako sa bahay nila kanina. Mukhang ayaw talaga nitong magpakita sakin. Akala ko'y biro biro lang niya ang lahat ng sinabi niya. Seryoso siya at ayoko. Ayokong makipaghiwalay.
Unti-unting tumutulo ang luha sa aking pisngi. Nasa bandang gitna ako ng bus na ito at nasa pinagilid akong upuan kung saan makikita mo ang magulong buhay sa labas. Padilim narin. Aninag ko na ang paglubog ng sikat ng araw na mas lalong nakapagpa-iyak sa akin.
Naaalala ko pa yung mga panahong palagi kaming pumupunta sa manila bay upang hintayin ang paglubog ng araw. Sabi niya kasi,
"Ken, gustong gusto ko talagang pumupunta dito kasi naiisip ko, tuwing makikita ko ang paglubog ng araw kasama ka, alam ko at sana tayo na talaga habambuhay, papanuorin lang natin ang pagsapit ng gabi."
Nakatakip sakin ang kurtina ng bintana. Nakatakip sa aking mukha ang aking mga kamay. Nakatakip sakin ang panyo na kanina ko pa hawak hawak. Gusto ko nang itakip sakin lahat wag lang makita ng iba na nasasaktan ako.
Kahit gustuhin ko mang may taong makaalam na may pinagdadaanan ako at pakiramdam ko mamamatay na ako sa loob-loob, yung pakiramdam na wala kang masabihan at gusto mo! Gusto mong sabihin sa ibang tao na nahihirapan ka na at kailangan mo ng karamay pero hindi mo magawa kasi natatakot ka na baka may masabi sila, na baka hindi nila maintindihan at baka dumating yung sandali na mag-isa ka nanaman. Gusto ko nalang mabuhay at mamatay na walang nakakaalam ng mga bagay na alam ko... at paninindigan kong hindi sabihin sa iba hangga't kaya ko. Hangga't nakakahinga pa ko. Hangga't naiiyak ko pa. Hangga't naipapahinga ko pa. Hangga't hindi nila alam. At hangga't hindi nila inaalam. Kakayanin ko hangga't hindi pa ko nagpapahinga ng tuluyan.
Mahal na mahal ko talaga si Elise. At hindi ko alam kung papaano ako mabubuhay nang wala siya sa piling ko.
-----
Pagkalipas ng ilang oras na biyahe, nakauwi narin ako sa aking bahay.
Oo. Akin. Dahil mag-isa lang naman ako dito eh. May tatay pa ako ngunit ilang buwan lang pagkatapos mamatay ng nanay ko dahil sa isang car accident ay nagkaroon na kaagad siya ng kapalit. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako tutol sa pagkakaroon niya ng iba. Ang kaso lang simula nang magkaroon siya ng bagong asawa ay tila nagbago na ito.
May tatay ako pero parang wala na akong tatay. Hindi ko alam kung may makikilala ba akong tao na nakararanas rin ng pinagdaraanan ko. Ipinakilala ako ng tatay ko sa bago niyang asawa bilang pamangkin. Siguro nga'y maayos-ayos na ito kumpara sa ibang tao na itinakwil na talaga ng lubusan ng kanilang magulang ngunit masakit parin.
Ang malamang ikinahihiya ka ng iyong ama sa bago niyang asawa ay hindi biro. Hindi biro na malamang kaya ka niya ikinakahiya ay dahil hindi pala alam ng babaeng ito na may asawa dati ang aking ama. Hindi biro na maranasang may tatay ka pero parang wala ka nang magulang na aalalay sayo.
Kung kaya't sa sobrang tampo ko, makalipas lang ng ilang linggong pakikisama sa bahay na iyon ay napagdesisyunan ko nang magsarili.
Ni hindi man lang nga ako pinigilan ng aking ama eh. Hindi ko alam kung dahil lang ba yun sa tiwala niya na mabubuhay naman ako ng maayos dahil may magandang trabaho naman ako o dahil wala na talaga siyang pakialam sa akin.
Hindi ko na talaga alam.
Dumiretso ako sa aking kwarto at ihinilata ang aking katawan pabagsak sa higaang kama.
Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sobrang pagod o dala nalang siguro ng sobrang lungkot, sandaling oras lang ay nakatulog narin ako kaagad.
Animo'y binulungan ako ng isang anghel o baka nga ng Diyos mismo at sinabihan ng mga katagang,
"Magpahinga ka muna, alam kong pagod na pagod ka nang umiyak."
BINABASA MO ANG
M.K.P.A.N
Randomu n t i t l e d . p a r t ----- Love is something you doesn't need to think about. You just need to feel it. The emotion. The heartbeat. But this isn't the case for Calix Penaflores. Everything he do is a mess.