Tungkod

24 9 0
                                    

15 years na akong nakatira dito sa Quezon City, binata pa ako ay nandito na ako hindi talaga ako anak ng konalakihan kong magulang sa madaling salita ay ampon ako, namatay ang aking kinikilala Ina at Ama na si Tatay Ben at Nanay Luz. Namatay sila sa isang sa isang aksidente noong pauwi sila ng probinsya. Naipaman nila sa akin ang bahay na ngayon ay tinitirahan ko. Simula ng mamatay ang aking mga kinalakihan na magulang ay ang aking lola na ang syang gumabay sa akin. Noong mamatay sila sobrang gumoho ang aking mundo, hindi ko alam kung saan o ano pa ang mangyayari sa akin, ano kaya ang magiging buhay ko, pinayuhan ako ng aking lola. Ibinukas ko ang aking puso at isip sa muling pagsisimula ng buhay. Ito nag graduate na akoako ng High school ng wala ang aking magulang lahat ng mga classmate ko ay pusturang pustura at lahat sila ay baon ang maiingay na tawanan at ngitian, amsasayang halakhakan  at punong puno ang buhay, samntala ako ito nakaupong mag isa at patuloy na iniinda ang sakit ng pag kawala ng aking pamilya. Nag tapos akong na may honor, Valedictorian ang na awrd sa akin. Sa aking speech ay napuno ito ng luha, inalay ko ang aking speech para sa aking pamilya. Natapos ang graduation ceremony ng bandang 12:10 ng tanghali saktong sakto para sa tanghalian lahat ng aking ka eskwela at kanilang pamilya ay nag puntang restaurant para sa celebration . ako ito ay mag isang nag lalakad pauwoi sa amin, mas pinili ko na lang ang mag lakad pauwi dahil masyadong madaming tao sa sakayan ng jeep dahil sa mga pamikya ng mga nag sipag tapos, naisip ko na din na mas makakatipid ako kung maglalakad na lang ako at di rin naman kalayuan ang uuwian ko, sa aking paglalakad ay napahinto ako at tinignan ang aking dalang medalya na inialay ko sana sa aking mga magulang pero paano ko pa ito maibibigay kung wala na sila? Wala ng saysay. At walang gana kong hinubad ang aking medlya na kanina pa ay nakasabit sa akin leeg. Hinawakan ko ito gamit ang aking kanan kamay na patuloy na langsa pag kukuyakoy ng aking mga kamay. Nag lalakad lamang ako ng nakayuko sa labis na lungkot at walang ganang sa pag lalakad. Hindi din Kasi nakadalo si lola sa pagpunta sa aking graduation dahil matanda na ay madalas na rin syang nagkakasakit. Habang ako ay nag lalakad ng payuko, sa aking paa lamang ako nakapokus habang nag lalakd. Napansin ko na papaliko na apala ako sa eskinita na daan para mas mapabilis na makauwi sa amin ay napnsin ko ang matanda na kanina pa mula sa malayo ay nakatingin akong binate  “ congratulation  sayo anak” at sabay syang tumingi sa aking medalya na kinipa ay hawak ko sa kanang kamay. Tinignan ko sya at bahagyang napahinto ko saglit kay tagal nadin ng huli akong makarinig ng mga salita iyon ang matawag ng ANAK, tinitigan ko syang maigi isa syang matndang lalaki na sa aking palagay ay ay isang basurero, napansin ko na hirap na hirap syang tumayo ang patuloy nynag pag ngiti sa akin ay lalong nag pahabag sa aking puso, sa kahoy na sa aking tingin ay kahoy ng puno ng bayabas na kanyang ginagamit para makatayo ng tuwid. Agad ko syang nginitian at nag pasalamat. At tumalikod na ako at patuloy na sa aking paglalakad . sa sandal nyanag pagbati ay panandalian at kahit papaano ay nakaramdam din ako ng saya sa araw na yoon. Sa aking pag lalakad ay naisip kong bilhan ng tinaapay ang kawawang matanda agad akong tumakbo pabalik sa kanya ibibili ko na lamang ang kanina ang dapat ko ay pinamasahe papauwi, ibibili ko na lamang ito ng tonapay para sa kanya. Pag balik ko sa lugar di pa man ako nakakatagal simula ng umalis ako kaya akala ko ay maabutan ko pa ang matanda dakong nalungkot sa doon pero wala na sya, nakaalis na pala. Bahagya akong nalungkot dahil hindi ko na nakita ang matanda. Ni hindi ko manlang sya nabigyan ng tinapay, nasasabi ko na lang sa aking sarili na nasaan kaya ang mga anak nya ata napaka swerte nila dahil buhay pa ang kanilang mga magulang bakit hinahayaan na alamang nila itong mag isa at nag mamalimos?
Lumipas ang panahon at panahon. Nakapag paenrol na ako sa college nakapasa at patuloy padin sa pagiging scholar sa kilalang unibersidad sa aming nayon. Ngayon ay 5th yr college na ako sa kursong Electrical Engineering. Sa aking pag aaral sa college marami akong natutuhan maraming nakilala, naging katropa o barkada. Natututo na ko sa pag inom. At ang matandang kanina ay nabanggit ko ay hanggang ngayon ay nas aeskinita ko padin sya nakikita at madalas ay binabati ko sya dahil ganun din sya sa akin, kapag meron din akong pagkain av  binibigyan ko ang matanda dahil naawa n adin ako sa kanyang kalagayan ngayon. Paminsan minsan ay nakikita ko din syang nasa labas ng aking bahay , siguro ay dahil nasanay na syang na nag bibogay ako sa kanya ng pagkain kay nandito sya palagi. Isang gabi ay umuwi ako ng bahay ng lasing na lasing, nakita ko ang matanda na nakatingin sa akin, sa labis kong kalasingan ay di ko na sya nabati at patuloy na lang ako sa pag pasok sa aking bahay at humiga. Kinabukasan ay nakita ko syang derederetso sya sa aking lumapit at tinanong ako, kita ko sa mukha at mata nya na ang labis na pag aaalala sa akin. Dahil sa sakit ng ulo dulot ng aking kalasingan kagabi ay di ko na sya nasagot ng maayos at nasagot ko na lang sya ng “ nag kayayaan lang po kami” at saka ay pumasok na lang ako sa bahy para mag pahing pa. dumaan ang mga araw na natural lang, may narinig akong nag busina sa labs ng aking bahay, kaya dali akong tumayo at binuksan ang gate nakita ko ang sasakyan ng aking mga kaibigan, nakita ko din ang matanda na nasa may gilid ng aking bahay, bahagya ko syang nginitian. “ tara at mag inom, birthday ni sir ngayon, niyaya ang lahat” papasagot n asana ako ng biglang sumulpot ang matanda at pinag sabihan ang akig mga kaibigan “ hindi, hindi sya pupunta masyado na syang na lasing noong nakaraan. Baka mag kasakit pa sya, masyado na ding gabi at dapat ay nag papahinga na kayo. Kayo nga ay umiwas na sa kanya napapsama sya sa pag sama sa inyo ee.” Nagulat ako maging ang mga kaibigan ko dahil sa inasta ng matanda sa sobrang hiya ay pinauwi ko nalamang ang aking mga kaibigan ko. At agad kong hinarap ang matanda sa sobrang asar ko sa kanya ay napagtaasan ko sya ng boses “ bakit ba nangengelam ka? Sino ba k aba? Magulang kita? Ee is aka lang basurerong nakatambay sa labas ng bahay ko, alam mob a na napahiya ako sa ginawa mo? Wag na wag ka ng mag papakita saakin aa.” Maging ako ay nagulat sa sinabi ko naawa man ay mas mananalig ako sag alit ko, kaya tumalikod na ako at handa ng umalis pero bago pa man ako makahakbang ay mahina at malungkot na “sorry” ang aking narinig at saka na akong patuloy sa aking pag lalakad. Kinabukasan ay papasok na ako ng aking trabaho at pag bukas ko ng aking pinto ay inaasahan ko na anndun padin ang matanda sa labas ng aking bahay, pero nabigo ako, naisip ko na baka ay nasa eskinita sya ngunit wala din sya. Lumipas ang araw,lingo at buwan ngunit wala na ang matanda nag aalala na din ako dahil ano kaya ang kanyang kinakain? Wala naman syang pera para makakain. Sa aking pag lalakad ay nakakita ako ng isnag tindahan may tungkod doon, naalala ko ang matanda napaisip ako ano kaya kung ibili ko sya noon para sa kanyang pag balik ay di na kahoy ng bayabas ang kanyang gagamitin nys, nakita ko na ang aking sarili nahawak ang tungkod. Nag karoon ako ng isang lingo na bakasyon, naisip ko na linisin ang tokador ko,sa aking pag lilinis nakakita ako ng photo album at ito ang unang beses na ankita koi yon, agad koi tong binuksan, may nakiata konglalaking may hawak na sanggol, at ang sanggol ay ako tinitgan ko ang mukha ng lalaki, dahil may kahawig ito, ng aking matitigan ay saka ko na lamang nalaman na sya ay ang matandang pulubi na lagging nasa labas ng aking bahay, pag talikod ko ng picture may naksulat ditto” ang ika5 buwan ng aking anak” tumulo agad ang aking luha. Agad akong tumayo at pumunta sa tinadahan na madalas dn ay tinatambayan ng matanda” ale, naalala nyo po ang matandang pulibe? Alam nyo po ba kumg nasaan sya?” hawak ko padin ang tungkod at picture na nakita ko kanina. Nagukat ako sa sagot ng tinder at nabitiwan ko na lamang ang hawqak kong tungkod” di mob a alam? Ee na sagasaan ang matandanoong nakaraang gabi. Noong malaks ang ulan dahil wala syang paying na dala ay ginamit nya ang tabala para gamiting paying sa pagtawid pero di nya nakita ng sasakyan na parating kaya ayun ay nabundol” di ako nakapag salita at napatingin lang ako sa kanya at mas lalo akong nagulat sa sunod nyang sinabi “ kawawa nga yun ee, kaya pala sya naandito ay nanandito pla ang kanyang anak, pero di pa daw alam ng anak nya na nandito na sya . masaya daw sya nanakikitang matagumpay ang kanyang anak at mahal na mahal nya daw ito” ako pala ako pala ang tinutukoy nya ng minsan kaming mag usap na sinubaybayan nya dahil nahihiya syang baka pag nag pakilala sya ay magulo lamang ang kanyang buhay pag dumating pa sya, nihindi ko manlang sya nakasama, nihindi ko manlang sya naalagaan sa ang srapa sarap ng buhay ko samntala ang tatay ko ay nag hihirap at nilalamok sa labas ng bahay. Nalulunkot ako ng sobra, sinayang ko ang mga panahon. Napayakap ako sa tungkod at patuloy na umiyak “kung sana nakasam kita kung sana nakilala kita bilang ama ko, KUNG SANA”.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TungkodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon