BID 4: SLEEP WITH THE BEAST

14 0 0
                                    

BID 4: SLEEP WITH THE BEAST

<Janice Krizelle’s POV>

                   Nakarating na rin kami sa mansion. Medyo ginabi na rin kami kasi dumaan pa sila sa Duty Free. Buti pa ang mga mayayaman pashopping shopping na lamang. “Nakakapagod talaga ang biyahe. Kung ako napagod e sila pa kaya?”sabi ko sa sarili ko.

“Tulungan ko na lamang po si manang Tasing sa kusina.” Sabi ko kay tito Mikael. Pumayag ito at tumuloy na ako sa kusina upang tumulong sa mga katulong sa pag-aayos. Sila naman ay pumunta na sa dining table. Mamaya na lamang daw nila iaayos ang mga gamit nila pagkatapos makakain.

                   Pagkatapos maiayos ang lahat. Tinulungan ko rin ang mga katulong na ihain na ang mga pagkain sa lamesa. “Iha, sumabay ka na sa aming kumain.” Pag-anyaya ni tito Mikael.

                   “Hindi na po. Sasabay na lamang po ako kala manang Tasing. Tsaka sila po ang palagi kong kasamang kumain.” Pagtanggi ko sa alok niya.

                   “Sa amin ka na sumabay para magkakilanlan na din kayo ni Kristoff. Kailangan masanay ka na dahil kapag kinasal na kayo ay palagi ka ng sasabay sa aming kumain. You don’t need to eat with them.” Pagpigil sa akin ni tito Mikael. Wala na rin akong nagawa kung di kumain kasama nila. Hindi ko naming maatim na ipahiya siya.

                   Walang umiimik habang kumakain kami. Sabi nag nila, don’t talk when your mouth is full. Bad habit daw kasi iyon. Mas kinakabahan tuloy ako kapag di nagsasalita itong katabi ko. Natatakot sa pwedeng gawin ng baliw na ito.

                   Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na rin ako na magpapahinga na. alam ko kasing pagod sila kay hindi ko na rin sila iistorbohin. Si Kristoff naman kanina pa umalis. Hindi pa nga ako nangangalahati sa pagkain ay umalis na agad. Si Lena naman medyo madaldal pero ramdam mo kung kelan ka niya pinaplastik. Hindi ko rin naman siya masisisi kasi mukhang ayaw niya din sa akin katulad ni Kristoff. Bakit hindi ba namana ng dalawang ito ang mga mabubuting ugali ng mga magulang nila? Hay naku, maganda nga bratinella naman. Magkapatid na may sayad. Sama ko na ba? Hindi naman siguro totoo naman kasi mga sinasabi ko e. I’m just being honest, isn’t bad?

                   Pumasok na ako sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit pantulog at saka humiga. Habang papikit pa lamang ako may biglang yumapos sa aking tagiliran. Nakaside lang kasi ako kapag nakahiga. Hindi rin kasi ako nag-abalang magbukas ng pinto dahil wala namang napasok sa kwarto ko kundi ako lang.

                   Kyaaaaaaaaaah! Sinipa ko ang kung sino o ano mang yumapos sa aking tagiliran.

“Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayy!” sigaw ng kung sino mang yumakap sa akin.

                   Nagkagulo ang lahat ng tao sa loob ng bahay sa sigaw ng kung sino mang sinipa ko.

Nasaktan talaga siguro iyon kaya ganoon na lamang kalakas ang sigaw niya. Buti nga sa kanya kasi kasalanan naman niya iyon e.

                   May nagbukas ang pinto at ilaw. Alam kong isa-isa na silang pumasok sa loob. Nagulat naman ako ng makita ko kung sino ang lalaking may hawak sa tagiliran niya na alam ko kung nasaktan sa pagkakasipa ko.

BID FOR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon