Chapter 6: I'm still mad

38 2 0
                                    

I never knew na ganito pala ang tingin sakin ni Cross. Gold digger!  Flirt! Oh godamn! Hindi parin ako bumabangon sa higaan ko parang nawalan ako ng gana ipagluto sila. I'm still mad at you Cross! It's 7:15 na ang simula ng klase ay 8:00. Napabuntong hininga nalang ako at pumasok nasa banyo.

Pagkatapos kong maligo nagbihis nako. Kasulukuyan akong pababa na ng hagdan. Bakit pakiramdam ko biglang tumahimik ang mansyon? Hindi ko naririnig ang boses ni Zian? Nang tuluyan na akong makababa nakita ko silang nakabihis na pero wala kang maririnig na imik sakanila. Nasa sofa yung tatlo at si Ice naman nasa tapat ng isang study table at si Cross ang hindi ko makita? I get it nag-away away sila dahil sakin. Napangisi nalang ako ng bumaba si Cross sa kabilang hagdanan. Hiwalay kasi ang kwarto namin at hiwalay din ang hagdanan. Hindi siya tinapunan ng tingin ng mga kasama niya abala sila sa panunuod ng TV at pagbabasa. Wala rin pakealam si Cross sakanila nasa pintuan na siya akmang bubuksan na pero nagsalita ako

"Wag kayong mag-away dahil sakin, Magbati kayo dahil matagal na kayong magkakilala at lubos na kilala niyo na ang isat-isa, Huwag niyo sirain ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa isang hamak na malandi at Gold digger okay? " ngumisi muna ako bago ako umalis dun at pumunta na sa kusina. Gusto mo na ganito tayo Cross? Sige pagbibigyan kita pero pag ako napuno sa iyo hindi na kita palalampasin.

nagluto lang ako ng tocino, Hamon at Bacon syempre hindi mawawala ang sinangag. Pagkatapos kong ito gawin dinala ko naman ito sa dining nakita ko narin silang lahat dun at nakaupo na sa kanya-kanyang upuan. Kingina mas gusto ko yung maingay sila.

"Samira" nagaalangan na tawag sakin ni Zian. Naupo naman ako sa tabi niya dahil dun naman talaga ang pwesto ko. Alam kong nakaalis na si Cross dahil narinig ko yung kotse niya humarurut na paalis.

"Bakit? "

"About last night I'm sorry sa mga sinabi niya makitid lang talaga ang utak niya, Ngayon? Pabayaan nalang muna natin siya magpalamig" sabi ni Zian.

"Okay " sagot ko lang  at sumubo na ng pagkain.

"Hindi kaba nagagalit? "takang tanong ni Zian sakin. Binaba ko naman ang kutsara at tinidor ko.
"Wala naman magagawa ang galit Zian dahil kong mas paiiralin mo pa ang galit mo mas lalong magiging komplikado ang lahat kaya kailangan ng kunting unawa at pasensya sa mga ganitong bagay pero kong ubos na talaga ang pasensya mo ................." tinigil ko na ang pagsasalita ko dahil magiging sensitibo sila pag-narinig nila iyon.

"Cool" rinig ko sabi ni Kian at halata mong amaze na amaze siya.

"Watdapak bro? Kian is that  you? " hindi makapaniwalang sabi ni Zian. Waeyo? Anyare?

Inirapan naman siya ng kapatid niya"Oh shutup! " singhal naman sakanya. Sakto tapos na ako kumain. Nag volunteer naman si Eugene na siya na ang maghuhugas kaya pinaubaya ko nalang siya. Pero Hindi pa ako nakakalabas sa kusina ng nagsalita si Kian.

"Magta-taxi ka? " tanong nito sakin. Tumango nalang ako sakanya. "Sabay kana sakin" medyo nagulat ako sa Sinabi niya pero nabawi ko naman ito "Seryoso? " weh? Baka jinoketime lang ako nito eh. Nginitian naman niya ako "Oo tara na" sabi niya at nauna ng maglakad sakin palabas sa kusina. Ako naman naiwan na naguguluhan. Tiningnan ko naman yung mga kasamahan niya na naguguluhan rin.

"Anong pinakain mo sakanya Samira? " naguguluhang tanong ni Zian. "Yung pinakain ko rin sainyo " sagot ko.

"Samira Are you coming? " napatingin naman ako sa may pinto. Hawak niya yung susi niya sa kotse at pinapaikot niya ito sa daliri niya. "Y-yeah" medyo nautal ako. Nong nakalabas na siya tsaka ako tumingin sa kambal niya"Zian akala ko ba medyo loner yun at cold? "tanong ko dito . Napakamot naman siya batok niya "I don't know" halata mo sakanya ang naguguluhan na.
"Sige mauna nako" Paalam ko at nginitian na sila.

Living with the five jerks (Slow update) Where stories live. Discover now