One shot

4 0 0
                                    

It was a rainy afternoon when I was 18. Naglalakad kami ni Jas nang may humarang sa akin. Sabi niya huhulaan niya raw ako. Hula lang naman eh, wala namang mawawala kung susubukan.

“Neng, anong pangalan mo?”- tanong niya. Manang Huleng daw tawag sa kanya.

“ Pwede po bang first name nalang?”- tanong ko. Eh baka naman kasi modus to ng mga masasamang loob.

“Neng, huwag kang mag-alala. Hindi ako masamang loob. Sa totoo lang, may maganda akong intension.” Sabi niya.

“Ah okay po. Farah po pangalan ko.”- sagot ko. Si Jasmine, walang imik. Nakaupo lang.

Binalasa niya yung cards. Then pinapili ako ng tatlo. Finlip niya yung cards, pero hindi ko maintindihan kung anong nakasulat.

“Makakalimutan mo ang isang kaibigan dahil may hinahanap kang isang tao”- sabi niya

“Malapit lang sayo ang taong nakatadhana sayo” – wow. Napaisip ako dun ah.

“Matatagpuan mo siya sa Express way” natawa kami ni Jas sa sinabi ni Manang. Nakakatawa naman diba?

“Ah. Manang alis na po kami. Salamat nalang po.” – Jas. Hindi na kami nagbayad, hindi naman worth it.

Paglabas namin, nagtatatawa kaming dalawa. Nakakatwa naman kasi. Kung pupunta ako sa SLEX, baka makidnap lang ako no.

Twenty na ako. Si Jasmine may forever na. Ako may boyfriend, si Zach. 7 months palang kami.

Ngayon, galing akong Manila at pauwi na ako ng Laguna. Syempre nadaanan ko ang SLEX. Napaisip ako. Paano nga kung totoo yung sinabi ng manghuhula? Paano nga kung makikita ko ditto yung forever ko?

Naenjoy ko naman yung view. At napagisip kong maglaro. Maglaro ng hulaan kung nasaan yung soulmate ko.

Game.

Start!

Siguro isa sa mga pasahero ng bus si guy.

Siguro nasa loob siya ng van na katapat ng bus na sinasakayan ko.

Siguro nagkasalisi yung jeep na sinasakyan niya at yung bus na sinasakyan ko.

O baka naman siya yung konduktor? Oh kaya yung driver? Oh kaya yung katabi ko? Grabe, ang tanda naman nung driver at nung katabi ko.

Siguro counter siya sa toll.

Siguro isa siya dun sa mga nagagawa ng kalsada.

Siguro dun siya nakatira. Meron kasing isang malaking bahay si hindi kalayuan.

Siguro magsasaka siya dun sa field.

Oh baka naman nahulog sa kanal yan? Anong connect?

Siguro worker siya diyan sa Nissan.

Oh baka naman naaksidente siya dito.

Omy. Kailangan ko nang itigil ‘to. Ayoko na. Stop.

After 1 hour and 30 minutes nakarating din ako sa bahay. Naiisip ko na naman yung last na hula ko. Pero paano nga? Omy. Hindi pwede, ayokong tumandang dalaga no.

May nagtext sa akin. Si Zach. Magkita raw kami sa KFC.

Kinuwento ko sa kanya yung mga hula ko. Natawa naman siya. Sabi ko tulungan niya kong hanapin si guy. Tumango nalang siya.

“Pero feel ko deads na siya” –me

“EH?”- Zach

“Ayokong tumandang dalaga.Kaya sana hindi pa siya patay. At mahahanap ko siya”- sabi ko sa kanya

Nagsmile lang siya.

“Uwi na ako ha” – Zach

“Oh, kakikita palang natin ah. Uuwi ka na agad?”- Tanong ko.

“Hanapin mo nalang yung guy”- sabi niya.

“Okay”- sabi ko. Then umalis na siya. Nagisip ako. Bakit hindi ko hinabol si Zach?

--

Tinawagan ko si Jasmine. Nagopen ako sa kanya. Ang sabi niya, nagtatampo si Zach.

“Eh bakit naman kasi hinanap mo si guy sa harap niya?” – Jas

“Kinuwento ko lang sa kanya”- ako

“Shunga. Katampo-tampo naman talaga yun no.” – Jas

So nagdecide ako na tawagan din si Zach.

Binaba niya.

OMY. Hindi ito maaari.

Nakita ko ang mommy niya habang nakain ako sa MCDO.

“Hi po.”- bati ko

“Oh iha”- sabi niya

“May tampuhan po kami ni Zach”- sabi ko

“Ah, intindihin mo nalang yun. Maramdamin kasi yun. Pati nung bata. Nawala kasi yung daddy niya. Pero sa tingin ko may iba pang rason kung bakit madibdibin siya”- anhaba nun ah. Nacurious ako. Ngayon ko lang nakausap mommy niya. Pero nakikita ko siya.

“Kasi nung First year high school yun, pumunta siya sa Baguio kasama mga kaibigan niya at tatay nung isang kaibigan niya. Habang nagkakasaya sila pauwi, biglang may nagovertake daw na truck. So yun, naaksidente sila.”

Gulat na gulat ako. Pero hindi pa kumpleto ebidensiya ko.

“saan po sila naaksidente?”- tanong ko

“Sa SLEX, umuulan kasi nun at madulas ang kalsada”- sabi niya

Shet. This can’t be.

“Luckily, nakaligtas siya pero yung tatay at isa niya kaibigan, namatay.” – malungkot siya

“Ah ganun po ba? Parang hindi niya naman po nakukwento sa akin yun?” – ako

“Napuruhan kasi yung ulo niya. Nagkaamnesia siya.”- Sabi ni tita

“Hindi ko nalang ipinaalala yung mga nakaraan dahil nga sa daddy niya.” –dagdag ni Tita

“ ahhh” shocked parin ako

Natpos usapan namin ni tita at pagkadating ko sa bahay tinawagan ko ulit si Zach. Yes. Sinagot niya.

“Hmm. Yes?”- tanong niya

“Zach” – tawag ko

“Ano?” feel ko nagtatampo parin siya

“Sorry. Sorry kasi hindi ko napansin na nasasaktan ka na. Sorry talaga.”- ako

“Sige na.”- sabi niya

“Nagtatampo ka parin ba?” –tanong ko

“Tara, labas tayo” napangiti ako. Okay na kami.

Buti nalang nakausap ko yung mommy niya. Kung hindi mukha akong tanga na naghahanap sa soulmate ko. At lalong magtatampo si Zach sa akin. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon