Mika's POV
Nagulat ako ng malaman kung sinagot na ni Ivy si Sky at talagang hindi sinukuan ni sky si Ivy kaya dalidali kung tinext ang pinsan ko para mas maaga ang pag uwi namin sa manila..
To:Chloe
[Couz kailangan na natin makauwi sa manila si Sky at si Markisha sila na!]
[Omgyhuddd Couz naunahan ka na ni Markisha at naging sila pa tlga ni papa Sky. ]
[I know kaya nga nahihiwagaan ako baka kung anong ginawa nyang Kisha na yan para makuha nya si Sky.]
[But alam mo nmn kung gaano kapatay si Sky kay Kisha di ba?? Halos lagi nyang sinusundan si Kisha alam mo yan since high school pa lng tayo mahal na ni Sky si Ivy]
[Will you pls shut up hindi totoo yan]
Naiinis tlga ako kasi may girlfriend na si Sky at si Markisha pa tlga yung sabi ko n nga ba eh may tinatagong hindi maganda yan si markisha kaya nya naaagaw si Sky sakin.
Kailangan na tlga naming umuwi kailangan ko silang mapaghiwalay.. High school pa lng kami gusto ko na si Sky sya kasi ung tipo ng tao na tahimik, maalaga, mapagmahal pero habang ginugusto ko rin sya patuloy pa rin sya sa pagsunod kay Markisha.Alam ko matagal ng gusto ni Sky si Markisha dahil minsan kasama o sinusundan ko sya minsan ko na syang kinausap about dito na baka mag-away sila ni Ivan at may usapan sila na {Walang Talo-Talo o sabihin na nating Walang magkakagusto sa kapatid ko} pero sumuway si Sky ewan ko lng ngayon kung hadlang nga ba si Ivan sa relasyon ng kapatid nya at kay Sky.
To:Chloe
[Couz asan ka na dito na ko sa baba ng apartment mo bilisan mo excited na kung makita si Sky.]
[Wait lng couz mabigat din tong gamit ko noh kung tinulungan mo kaya ako.]
[Ang maganda couz hindi pinapagod keri mo na yan.]
[Ito na malapit na ko couz.]
Pagdating namin ni Chloe sa manila agad kaming pumunta sa school nila Sky balak ko kasing isurprise sya.
Habang naglalakad ako naisip ko na mag-aral ulit dito para mas mabantayan ko ng mabuti si Sky.
"Couz habang nasa klase pa sila Sky samahan mo ko mag-enroll kung nasan si Sky at don din tayo pumasok para mas lalo ko syang mabantayan."
"Tama ka jan couz kaso tara enroll na tayo Sabihin ko na lng mamaya kay mama na mag-aaral ulit tayo."
Habang naglalakad kami ni Chloe hindi maiwasang pagtingin kami syempre sa ganda pa naman naming ito hindi ka pagbubulungan.
Nagmaayos na namin lahat at bukas pwede na daw kaming makapasok hinintay muna namin na makalabas sila Sky habang wala pa sila sky nagyaya muna ako ng pumunta sa cafeteria.