-South Fuentabella-
Asshole.
Slut.
Fuck.
Die.
Stupid.
Iyan ang mga salitang madalas mong maririnig once na nagdecide kang pasukin ang mundo ko. Ako si South, o mas kilala bilang Queen Defi. Walang nakakaalam na ako ay isang miyembro ng pinaka-malakas na gang sa mundo, ang NVRMND.
Dugo.
Madalas mabahidan ng dugo ang kamay ko, sa kadahilanang ano? May mga taong humahunting sa akin, gusto ako ipapatay para makuha nila ang trono ko, pero dahil sa matalino ako, inuunahan ko sila.
"Ms. Fuentabella, this are the papers you're asking me" tinanguan ko ang secretary ko at lumabas na siya ng office ko.
Nakakapagtaka?
Kagaya nga ng sabi ko, walang nakakaalam na isa akong lider ng gang. Miski pamilya ko walang ideya. Teka, may pamilya ba ako? Nakalimutan ko, wala nga pala.
Tok! Tok!
"Come in" bumukas naman ang pinto at iniluwa na naman nito ang secretary ko. "What is it Venice?"
"Mr. Ford is here" tumaas naman ang kilay ko.
"Let him in" nagbigay siya ng daan at biglang pumasok ang lalaki na sobrang kinaiinisan ko.
"Hi there Defi"
"Call me South" mariin kong sabi kaya tumawa siya. "Anong ginagawa mo dito?" umupo siya sa sofa sa loob ng opisina ko at nagphone.
—_—
"Pupunta ka ba mamayang gabi?" ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng paperworks bago siya sinagot.
"Saan?"
"Sa Grand War" umiling ako at pinirmahan ang bawat papel. "Pupunta ang Crimson Angels" napahinto naman ako sa ginagawa ko, at ng tignan ko siya, nakangisi si gago.
He knew me. Alam niyang hindi ako makakatanggi especially kapag involve ang Crimson Angels.
"Marami akong gagawin" ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko pero bigla siyang umupo sa harapan ko at naglabas ng tatlong pictures.
"Hindi mo naman siguro palalagpasin itong dalawang taong nasa picture diba? Hahayaan mo na lang bang kunin nila sayo ang titulo ng ganun ganun lang?" tinignan ko naman siya ng masama at pinunit ang lahat ng picture."Wala akong panahon para sa mga kagaguhan mo Van." sumandal siya at prenteng umupo habang umiiling.
"See? Affected ka parin kaya ayaw mong pumunta kasi makikita mo sila"
"I told you, busy ako. Kaya hindi ako makakapunta" tumawa naman siya ng napakalakas.
"Ang Queen of the Gangsta palalagpasin ang Grand War na ilang taon na niyang pinupuntahan at ilang taon niya nang pinaghaharian? Oh come on South."
"Ano bang gusto mo Van? Tandaan mo, nasa teritoryo kita" sinamaan ko siya ng tingin. Pinagsalubong niya ang dalawa niyang kamay at tinignan niya ako ng seryoso.
"I want you to come, and continue what you have started." hindi ako kumibo. "Alam natin pareho na ikaw ang raining Star sa Grand War, at pareho din nating alam kung gaano kalakas na individual si Jung at Li. And I want you to break them. Tutal, doon ka naman magaling diba?" tinignan ko siya ng diretso. Actually ayoko, hindi dahil sa maduduwag ako sakanila, kundi dahil natatakot ako na baka traydorin ako ng sarili kong nararamdaman.
Jung Tyler. Ang kaisa-isahang minahal ko noon. Normal lang naman akong babae eh, kaso binago niya ako. Nalaman kong gangster siya oo, pero tinaggap ko naman siya, kasi nga mahal ko, pero hindi ko inaasahang isa siya sa taong magtatangka sa buhay ng kapatid ko. Yes, may kapatid ako, at wala na siya dahil sa gagong yun. Nakipagbreak ako, at pagkatapos nun nalaman ko na lang na may bago siya.
"Why not break him, more than what he did to you" bumuntong hininga ako.
"Fine. Pupunta ako hindi dahil gusto ko maghiganti sakanya, makakapaghintay yun Van. And besides, nakaplano na naman ang buhay niya, nakadrawing na at kukulayan ko na lang. Hayaan na muna natin na i-enjoy niya ang buhay hanggat nandyan pa" ngumisi naman siya bilang sagot.
"Why not simulan mo kay Li? Para naman maramdaman niya ang sakit na pinaramdam niya sayo" ngumisi ako.
"Oh yes I will." tumayo na siya at pumamulsa.
"Bukas, sa dating lugar. 11pm, sana pumunta ka talaga" with that umalis na siya.
After 5 years, magkikita kami ulit.
BINABASA MO ANG
Defiant's Match
Random"Good girls are Bad girls that haven't been caught" Kill or be killed? Make sure to choose the best and right one, or else it's over.