Untitled Part 1

24 6 0
                                    

Si Nathalie Sunn Wilson ay nag iisang anak nila Troy at Veronica Wilson. Siya ay 16 years old, isa sa pinaka sikat sa kanilang school dahil narin sa taglay nitong ganda.

Habang nag aayos ng gamit si Nathalie para sa kanyang pagpasok sa paaralan may nakita siyang isang lumang gitara at isang lumang diary na nasa ibabaw ng lamesa sa isang sulok ng kanyang silid. Ang gitarang ito ay regale sakanya ng kanyang kaibigang si Travis noong 13th birthday niya kinuha niya ito at pinagmasdan habang hawak niya ito ay hind niya napansin na may sira na pala ito kaya siya ay nasugatan. Pagkatapos niyang gamutin ang kanyang sugat kinuha na niya ang kanyang bag na nasa ibabaw ng kanyang kama at umalis na para pumasok. Siya ay nag aaral sa East Coast High isa sa pinakakilalang paaralan sa kanilang lugar. pawang mga anak ng mga kilalang tao ang nagaaral dito, gaya nalang ni Nathalie.

"Good morning Miss. Gusto niyo po muna bang dumaan sa coffee shop bago pumasok sa school?" magalang na tanong ni Mang Carlos family driver nila Nathalie

"Good morning din po, wag na po diretso nap o tayo sa school" Nathalie, buong byahe nakatanaw lang sa labas ng bintana si Nathalie tila may malalim na iniisip

"Miss, naandito na po tayo. Tumawag pop ala kanina ang daddy niyo sa bahay daw po muna tutuloy si Sir Travis ng dalawang gabi" Mang Carlos

"bakit daw po?" Nathalie

Si Travis at Nathalie ay matalik na magkaibigan Elementary pa lamang. Hindi alam ni Travis na matagal nang may gusto sa kanya si Nathalie. Si Travis ay isa sa tinitilian sa kanilang school hindi lang dahil isa siyang varsity player kundi dahil narin sa kanyang asul na mga mata na kahit sinong babaeng titigan nito ay mapapaibig sakanya.

"Yung mga magulang daw po kasi ni Sir Travis ay aalis ngayong weekend kasama po sila Sir at Madaam kaya para daw po may kasama kayo sa mansion doon daw po muna siya titira" Mang Carlos

"ah sige po, hihintayin ko nalang siya mamaya pagkatapos ng klase alis na po ako" Nathalie

Habang naglalakad sa hallway si Nathalie hindi mawala sa isip niya ang pagtira ni Travis sa mansyon kasama siya, ngunit biglang nawala lahat ng iniisip niya dahil sa taong nakasandal sa kanyang locker na tila naghihintay sa kanyang pagdating na nagbigay sa kanya nang sobrang kaba at nagpabilis sa kanyang puso ng Makita niyang si travis ito.

"Hey Sunn binuksan ko na pala ang locker mo" Travis (tanging si Travis lang ang tumatawag ng Sunn kay Nathalie) "alam ko diba yung password mo natatandaan mo?"

"Hey, Thanks" Nathalie (habang kinukuha ang kanyang mga librong gagamitin na nasa loob ng kanyang locker)

"alam mo na naman dibang sainyo muna ako titira habang wala sila daddy diba?" Travis (habang tinutulungan si Nathalie sa pagbubuhat ng mga libro)

"ah ou sinabi saakin kanina ni Mang Carlos. Una na ako ayong malate baka mapagalitan pa ako ni Sir" sagot ni Nathalie na tila walang emosyong nararamdaman

(BELL RINGS) hudyat na mag sisimula na ang klase. Hinatid ni Travis si Nathalie sa klase nito.

"hihintayin kita mamaya sa gate pagkatapos ng klase" Travis (pagkatapos niyang ihatid si Nathalie umalis na ito at pumunta na sa kanyang klase na may mga ngiti sa kanyang labi)

Nang matapos ang klase ni Nathalie, pumunta na agad ito sa may gate para hintayin si Travis dahil ayw niya itong paghintayin ng matagal. Nang makarating na sila sa mansyon nagulat silang dalawa nang Makita nila ang kanilang mga kabigan na naglalaro sa living room.

"Nathalie, Travis! Bakit ngayon lang kayo kanina pa kami naghihintay ditto. Naglalaro kami ng Dare or Dare Sali kayo bilis" Sassy

"bakit kayo naandito?" Nathalie

"hmmm, para maglaro? (sabay taas ng boteng walang laman) dahil kadadating niyo lang at natapos na kaming lahat turn niyo naman ngayon" Jane (habang may nakakalokong ngiti)

"ok sige, ano bang gusto ninyong gawin ko?" Nathalie

Habang naglalaro ang magkakaibigan biglang bumuhos ang malakas na ulan na tila ba may masamang mangyayari

"I challenge you na pumili ka ng isang lalaki na naandito na samahan kang sumayaw sa ulanan" Jane

Biglang natahimik si Nathalie dahil sa sinabi ni Jane, pero kalaunan tumayo na rin ito at hinila si Travis sa ulanan. Kinuha ni Travis ang mga kamay ni Nathalie at inilagay niya ito sa kanyang mga balikat, inilagay naman niya ang kanyang mga kamay sa bewang nito na tila parang niyayakap. Sa bawat paggalaw ng kanilang mga katawan kasabay nito ang paglakas ng ulan na tila ang bawat pagpatak ay nagsisilbing musika sa kanilang pagsayaw. Habang nagsasayaw ang dalawa walang tigil sa pagsigaw ang kanilang mga kaibigan. Hindi iniinda ng dalawa ang mga patak ng ulan na tumatama sa kanilang mga mukha para matigil ang kanilang pagtititigan habang sumasayaw, halos hindi ni maiisip na tapusin ang pagsasayaw kung hindi lang sumigaw ng malakas ang isa sa mga kaibigan nilang si Sky na nagpatapos sa kanilang katahimikan.

"Tonight's dance in the rain....was so magical" Travis

Nang matapos ang sayaw dumiretso sa kusina si Nathalie para uminim ng tubig, pagkatapos niyang uminom bumalik na siya sa living room kung nasaan ang mga kaibigan niya. 12 na ng gabi ng maisipan ng mga kaibigan niya na umuwi. Pagkauwi ng mga ito pumunta na siya sa kanyang kwarto para maligo, pagkatapos niyang maligo pumunta ito sa kwarto ni Travis at ibinigay niya dito ang kanyang lumang diary na tila pinapayagang basahin kung ano ang mga nakasulat dito lalo na kung ano ang nararamdaman niya dito. Kahit na naguguluhan kinuha parin ni Travis ang diary at binasa, pagkatapos basahin ni Travis ang diary pumunta agad siya sa kwarto ni Nathalie para kausapin ito. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ng kwarto ni Nathalie niyakap niya agad ito ng sobrang higpit na tila isang taon niya itong hindi nakita.

"Mahal na mahal kita Sunn" Travis

Noong sabihin sakanya ni Travis ang mga salitang iyon biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso na tila lalabas nasa kanyang dibdib at kasabay nito ang pagbuhos ng kanyang mga luha ng walang tigil.

"Mahal na mahal din kita Travis" Nathalie

Magical DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon