"Andra, break na daw kayo."
'Yan ang paulit ulit kong naririnig simula nang una akong magka-boyfriend.
Nung grade one ako, binreak ako nang crush ko dahil hindi ko sya pinahiram nang lapis. Worst? Dun sa seatmate ko pa nabalitaan. Ang landi ko lang diba? Grade one palang pero may boyfriend nang nalalaman.
Dahil sa break up na yon, hindi ko na ginamit ang specific brand nang lapis na dahilan nang break up namin.
Nung grade 2 ako, sinagot ko yung classmate ko na may crush sakin. Isang araw lang ang itinagal namin dahil hindi ko sya pinakopya sa quiz. Another heartbreak from my young heart, right? But, as they always say... life goes on.
Kaya naman nung Grade 5 ako, nagka-boyfriend ulit ako. Tumagal kami nang 1 week at nagbreak dahil nakalimutan ko syang i-text. Habang tumatagal, nakakasanayan ko na rin. Maybe I'm too young for a serious relationship. Ilang taon pa lang naman ako 'non, diba? 11? 12?
Natagalan bago ulit ako nagka-boyfriend. I was in second year highschool when I found the man who'll be on my list of traitors, his name is Drake. Tumagal lang kami nang isang buwan. Why? Kasi napag-isip isip nya daw na pag-aaral muna ang uunahin nya. WTH, right? Kelan nya pa naisip yun? Bakit kung kelan nahulog na ako, dun nya lang maiisip na mas gusto nyang maging mabuting estudyante?
And right after the break-up? Ayun, nakahanap agad nang kapalit!
Moving on, nagka-boyfriend ulit ako nung fourth year highschool. At sa lahat nang naging boyfriend ko, dito lang ako pinaka-nastress. Lahat kasi nang projects nya, ako naggagawa. Kahit sa exams, pinapakopya ko sya. Tapos ako pa ang naglalakad nang clearance nya!
Ang ending? Binreak nya ako nung graduation. Hindi nya na daw kasi ako kailangan. One year! Tumagal kami nang one year, pero he broke up with me dahil lang hindi nya na ako kailangan!
I wanted to curse him. Ako ang halos nagtawid nang pag-aaral nya tapos ibe-break nya lang ako because of petty reason? Sana sinabi nya nalang sakin para ako na ang nakipag-break sa kanya! Para naman naisalba ko kahit ang pride ko, di ba?
After that, inisip ko na kung san ako nagkamali. Inisip ko kung bakit lagi akong iniiwan. Inisip ko kung sobra ba ako o kung kulang pa ba ang lahat nang efforts ko. Pero wala 'e. Kahit anong gawin kong pag-iisip, alam kong hindi ako ang problema.
In the end, lumandi na lang ulit ako. Nagkaroon ako nang boyfriend nung third year college na ako. His name is Kyrie. Almost perfect na yung relationship namin. Palagi nya kong hinahatid at sinusundo. Tinutulungan nya rin ako palagi sa projects ko at never nyang pinaramdam sakin na wala lang ako.
He is my greatest downfall. I fell hard but in the end, I still cried. I was hurt. I thought okay na. Sabi ko "finally, ito na yung perfect relationship na hinihintay ko." But I was wrong. He cheated on me. He cheated on me with my bestfriend.
Feeling ko 'non end of the world na. I was so down. I blamed myself. Mula grade one hanggang college, ako yung laging iniiwan. Ako yung palaging mali. I was never enough. Even if I do my best and give my all, I will never be enough. That was my mantra until I graduated in college.
Naputol ang pagre-reminisce ko nang mag-ring ang phone ko. It's Vince. My current boyfriend. Oh diba, hanggang ngayon hindi ko sinukuan ang kalandian ko.
"Hi." I greeted him with enthusiasm.
"Have you eaten?" Masungit na tanong nya na lalong nagpangiti sakin. I feel like an idiot, ngumingiti mag isa kahit hindi nya nakikita.
"Yup. You?" Vince is an architect. Nagkakilala kami last year dahil pareho kami nang company na pinagtatrabahuhan. Pero ngayong year, nalipat na sya sa sister branch nang company namin. Pero kahit magkaiba na kami nang workplace, palagi pa rin kaming nagkikita.