meant to be

49 17 7
                                    

Gaya ng isang normal na kabataan ngayon, dumaan din ako sa parte ng buhay na nag mahal tapos nasaktan na parang takot ng ulit sumugal. Sinabi ko sa sarili ko na pakatapos ng lahat ng heart breaks na nangyari sakin ay siguro hindi na muna ako mag gi’girlfriend at hayaan ko nalang na kusang dumating ang babae na para saakin. Dahil sana sa susunod at huling pag kakataon na mag mamahal ako gusto ko sya na. Kaya naman inubos ko muna ang lahat ng oras at panahon ko sa aking pag aaral.

3rd year ako ngayon sa kursong BS HRM, pangalawa lang to sa pangarap ko dahil ang pinaka gusto ko ay ang pumasok sa isang military school. At dahil 3rd year nadin naman ako kaya balak ko nalang tapusin tsaka ako mag mi’military school. Malayo ang school ko sa bahay kaya naman ako ay nag do’dorm. Sa dorm namin may 3 kwarto. Dalawa sa boys at Isa sa Girls madami dami din kami kaya para na kaming mag kakapatid lahat, yun nga may batas samin na bawal maging mag boyfriend/girlfriend. Naging close ako sa kanilang lahat kasi syempre kami ang mag kakasama araw araw.

Until one time may isa akong ka dorm mate na babae na na’e la love team sakin, ganon mag asaran samin, ang hindi lang normal don eh yung mag padala ka sa asaran at mahulog ka ng tuluyan na hindi ko inaasahan na mangyayari sakin. Sya si Thea, yung babae na simple, sobrang bait lang, mahilig din mag aral, magalang na anak at higit sa lahat malapit kay Lord. Sa madaling salita katangian ng isang babae na hinahanap ko. Sa araw-araw na inaasar sya saakin una nakikisakay lang ako ganon din sya kasi nga biruan pero bigla nalang isang beses naiilang na ako sakanya. May isang gabi bago ako matulog pinag isipan kong mabuti, tinatanong ko ang sarili ko “tama ba tong nararamdaman ko?” pero baka hindi naman.

Sa araw araw na nakikita ko sya, yung ngiti nya, yung marinig yung boses nya alam mo yung kusang ngumingiti ka nalang. Tapos kapag nag uusap kami yung dating normal lang ngayon kinakabahan na ako at iniingatan ang mga salita na bibitawan, Nandon nadin yung mas nagiging concern ako sakanya na kapag nababalitaan ko na may sakit sya sinisilip ko sya sa room nila. Nagiging mas close nadin sya saakin dahil minsan din nag kaka text kami kapag nag a’approach ako sakanya. Sa pag kakataong eto sigurado na ako na nahulog na ako sa babaeng ito.
Isang gabi naisipan ko sya e text;
*Ako: Goodnight Thea sweet dreams
*Thea: uy Goodnight din.
*Ako; gising ka pa pala?
*Thea: oo haha bakit?
*Ako: wala lang.
*Thea; Ah. Sge tulog ka na, nag goodnight ka na e.
*Ako: Ay hindi mamaya na pala nag text ka e haha
*Thea: hala sya hahaha

THEA POV:
Parang ang saya naman ng gabi ko tinext ako ng crush ko hahaha. Si Neil inaasar sakin ng mga ka dorm mates ko, hindi ko naman talaga sya gusto dati pero nung tumatagal mas nakilala ko sya. Sya kasi yung kagaya na lalaki na gusto ko, matalino, masipag at malapit din kay Lord. Sobrang nakaka turn on lang. Yun nga na love team sya sakin minsan kelangan din umiwas konti para hindi maka halata. Minsan nga napapa isip ako kasi parang feeling ko hindi na biruan hahaha. Pero ngayon pansin ko na lumalayo sya saakin. Hindi nya na masyado ako inaasar at parang pag nakikita ko sya madalas malalim yung iniisip nya. Wala naman akong maalala na may nagawa ako sakanya.

NEIL POV:
Ilang araw na ako nag iisip hindi ko alam kung nahahalata ba ni Thea na lumalayo ako. Nag decide talaga ako na umiwas muna dahil lumalalim na yung nararamdaman ko para sakanya. Ayoko na makahalata kahit sino sa ka dorm mates namin na may something ako sakanya. Iniiwasan ko na mag ka issue kami baka kasi mapasama sya. Yun lang naman yung iniisip ko. Kaya gumawa ako ng paraan.
(1 week ago)
tinawagan ko sya sa phone habang wala pa ako sa dorm.
*Ako: Thea? Pwede ba kita makausap personally. Yung tayong dalawa lang sana
*Thea: uy bakit may problema ba? Nasan ka ba?
*Ako; Punta ka nalang dito s school, antayin kita.
(sa bleachers)
*Ako: upo ka.
*Thea: thank you!
*Ako: gusto kita makausap kasi may sasabihin ako sayo.
*Thea: ha? Ano naman yon?
*Ako: pansin mo ba na lumalayo ako sayo netong mga nakaraan? Ganto kasi yan. Hmm. . . paano ba? Let’s put it on this way. Kasi diba hindi namn lahat ng ka dorm mate natin trustworthy kaya ayoko na malaman nila kasi ayoko na ma issue ka. Sobrang bait mo kasi na tao ayoko na maririnig kahit kanino na pinag uusapan ka.
*Thea: ha bakit? Ano ba talagang problema?
*Ako: ano kasi. Hmm gusto kita!
*Thea: . . . . .
*Ako: oh bat di ka na nag salita? Sorry nabigla kita. Wala ka bang gusto sabihin or itanong?
*Thea: ha? Eh? Bat ako?
*Ako: simple lang, mabilis lang ako mahulog sa kagaya mo yung sobrang bait. Kala ko dati hanggang biruan lang hindi pala.
*Thea: Hala!
*Ako: Kaya din naging tahimik ako nung nakaraan kasi may pinag iisipan ako na mabuti at ngayon gusto ko e share sayo yun. Eh kasi nakapag desisyon na ako na lumipat ng dorm.
*Thea: ha bakit naman?
*Ako: ganon kasi ako. Kapag nahihirapan na ako s sitwasyon lumalayo muna ako. Tapos babalik nalang ako kapag kaya ko na ulit. Ayon kasi nahihirapan ako sa sitwasyon na mag kasama tayo tapos sumasabay yung nararamdaman ko minsan ang hirap nadin itago. Takot naman ako na may masabi yung ibang tao satin kasi alam naman nating pareho na bawal. Naaalala ko pa nung sinabi ko sa sarili ko nung nag hiwalay kami nung last ex gf ko sabi ko “yung susunod na mamahalin ko gusto ko sya na,sya na yung last ko, sya na yung papakasalan ko.” Hindi ko naman inaasahan na sayo ako sunod na mahuhulog. So Ayun. . .
*Thea: hmmm! ganun nalang yun? Aalis ka lang agad?
*Ako: kailangan eh. Pero alam mo ba hindi ko naman din talaga gusto e pero kakayanin. Kaya ikaw mag aral ka ng mabuti ha, tuparin mo yung mga pangarap mo. Pag alis ko madaming pwedeng mag bago, yung pag kaka kilala ko lang sayo ang hindi mag babago. At alam mo ba naniniwala ako sa “MEANT TO BE” kasi yan ang nangyari sa parents ko. Alam mo kasi kahit mag kalayo tayo maliit lang ang mundo magkikita padin tayo at naniniwala akong kung tayo, tayo talaga.
*Thea: sigurado ka na ba talaga? Ang lungkot naman na ako yung dahilan kung bakit ka aalis
*Ako: wag mo na isipin yun. Basta yung bilin ko sayo ha. Tara na umuwi.

(5 years later)

THEA POV:
Kamusta na kaya sya? Huli ko pang balita nung pumasok sya ng military school. Kilala nya pa kaya ako? Naaalala nya pa kaya ako? Mag mula nung nagustuhan ko sya hindi na ako nakaka appreciate ng iba. Sana dumating padin yung panahon na mag kita pa kami. Haay! Kung ano ano nanaman naiisip ko di ko pa pala natatapos tong paper works ko.

NEIL POV;
Yeeees! Sa wakas graduating nadin ng PMA. Parang kelan lang pangarap ko lang to ngayon konti nalang. (habang nag aayos ng gamit nakita nya yung isang lumang picture nila ni Thea) Hala! Hmm.. kumusta na kaya sya? May boyfriend na kaya to? Wala na akong balita sakanya mag mula nung pumasok ako dito dahil bawal naman ang phone. Pag ka graduate ko susubukan kong puntahan at hanapin sya.

(After graduation)
Phone call from receptionist *krrrrng!!*
*Receptionist- Good Afternoon Maam Thea may bisita po kayo dito sa ground floor!
*Thea- Sino daw?
* Receptionist- Hindi po pinasabi yung name maam.
*Thea- okay! Baba na ako.
(Nakita nya ang isang pamilyar na lalaki na may hawak na bulaklak papalapit sakanya)
*Neil- Hi! (sabay abot ng flowers) Kamusta ka na ?
(Nang makilala ni Thea si Neil agad itong yumakap habang naluluha)
*Neil- Oh? Parang na miss mo naman ako masyado nyan.
*Thea- eeeee!
*Neil- Joke lang! I miss you.
*Thea- I miss you too. Akala ko di na kita makikita.
*Neil- pwede ba yon? Ikaw nga inspirasyon ko sa mahabang training ko eh. Balita ko may boyfriend ka na?
*Thea- buti ka pa alam mo na may boyfriend ako ,ako kasi di ko alam hahaha
*Neil- haha pero meron na nga?
*Thea- wala eh may inantay kasi ako. Ikaw may gf ka na? ang dami sigurong maganda dun?
*Neil- wala din, hindi ko kasi nahanap yung gusto ko dun.
*Thea- ay! Hahaha

(2 years later)
*Thea’s Mother- Anak ang tagal mo naman! Dalian mo nag aantay si Neil!
*Thea: pababa na ma!
*Neil: Haay! Ang girlfriend ko masyado pang nag pa ganda kaya ang tagal!
*Thea: haha .loko ka talaga! Tara na! malilate na tayo sa mass.

(During Mass)
*Neil: Peace be with you Mahal! I love you!
*Thea: Peace be with you. I love you too!
After 5 minutes. .
*Neil: Mahal mag Cr lang ako.
*Thea: Go lang! balik ka agad.
After 15 minutes
*Thea: Ano bayaaan! Nasan na yon si Neil tapos na yung mass eh. Tsk!

(naagaw yung atensyon nya ng makita nya sa labas ng simbahan yung kumpulan na mga tao. Lumabas sya agad para tingnan kung anong meron. Pag labas nya ng pinto ng simbahan may mga batang lumapit at nag abot sakanya ng 4 red roses na may letter binasa nya to)

1st Rose: “Mahal alam kong madami na tayong pinag daanan. Halos 4 years walang communication and thank you kasi hindi ka napagod mag antay”
2nd Rose: “Gusto ko lang malaman mo na mag mula ng nakilala kita wala na akong ibang naisip na kasama in the future kundi ikaw. And I thank God na sakin ka padin nag end”
3rd Rose: “Now your finally mine, I want to spend my life with you and be may happily ever after”
4th Rose: “WILL YOU MARRY ME?”

(napaiyak sya sa nabasa nya na naging dahilan ng pag labo ng mata nya, pero naaninag nya ang lalaki na naka luhod sa harapan nya. Agad nyang pinunasan ang luha at tumingin sa lalaki”

*Neil: Mahal? Will You Marry Me?
*Thea: Of course Mahal! YES I Will Marry You!!

(they hug for a seconds)
And they finally engaged. . .

‘When the time is right, the Lord will make it happen’

-The End-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Meant to be"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon