"Bakit parang ang bilis ng oras? Ang dami ko pang gustong gawin pero di ko magawa... Ang dami pang bagay na gusto kong patunayan, pero kulang na ang oras na natitira sa akin dito sa mundo.. Bakit ganon?"
"Gusto mong patigilin ang oras?"
"H-ho?"
":Ang sabi ko.. KUNG GUSTO MO BANG PATIGILIN ANG ORAS??"
Sandali akong napaisip sa sinabi ng matandang babae sa tabi ko.. Itigil? Ang oras? Paano? Pwede ba yun? Seryoso? Kasi ako, papayag ako kung ganon!
Isang buong araw nalang ang natitira sa akin.. at sinabi ko sa mga magulang ko na sa huling araw ko dito, gusto kong gawin lahat ng bagay na gusto kong gawin.. pero.. pero hindi ko kakayaning gawin yon sa loob lang ng 24 hours...
Unless...
Unless TOTOO yung sinasabi nung matandang babae..
"Ija, pinagdududahan mo ba ang sinabi ko? Totoo iyon. Kaya kong patigilin ang oras.. at alam kong gusto mo rin yun... Eto.. isang mahiwagan relo. Pihitin mo ng tatlong beses, para tumigil ang oras... at pihitin mo naman pabalik ng dalawang beses para muli itong gumalaw..."
Kinuha ko ang iniabot sa akin ng matanda na orasan at tinignan ito ng mabuti. Isang normal na orasan lang ito. Anong magagawa nito sakin? Niloloko ba ako neto?
"Pero----" Nung muli kong tinignan ang kinalulugaran ng matandang babae... WALA NA SYA doon..
Bakit hindi ko kaya subukan itong orasan na ito? Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko hindi ba?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pumikit ako ng pinihit ko ang relo..
1...
2...
3...
~~ To Be Continued ~~
BINABASA MO ANG
Sa Sandaling TUMIGIL ang Oras
Short StoryA short story about a person who wants to freeze everything. Isang taong gustong sulitin ang natitira nyang panahon sa mundo...