Ang susunod kong pupuntahan..... Si... Alex..
Si Alex and nag-iisa kong kapatid. Mas bata sya sa akin ng dalawang taon, at mas apektado ng pagbabago ng pamilya namin. May itsura sya.. kaya nga lang, may pagka-rebelde. Epekto na rin siguro ng kulang sa atensyon ng mga magulang namin. Pero alam nya ang tungkol sa limitasyon ng buhay ko.
Close kami ni Alex, ang kaso, sadyang matigas lang ang ulo nya. Pero kahit ganun yon, alam kong importante pa rin ako sa kanya at mahal na mahal nya ako.
Nahihirapan akong hanapin sya... Bakit? Kasi hindi ko alam ang mga pinupuntahan nya. Madalas nasa iba't ibang bahay sya ng mga nagiging girlfriend nya. Minsan naman eh nasa bar sya o kaya naman minsan, nakikipag-away.
Kung saan-saan na ako nakarating ngunit hindi ko pa rin sya makita.
Alam nya na hanggang bukas nalang ang itatagal ko ----------
Alam ko na kung nasaan sya..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Itong lugar na ito ang pinaka-memorable na lugar para sa aming dalawa. Lagi kaming nandito nung bata pa kami sa tuwing nag-aaway ang mga magulang namin. naaalala ko pa nuon... dito unang umiyak ng husto si Alex. Humagulgol sya sa harap ko noon habang natulo ang uhog nya. Uhuging bata pa sya noon.. nung mga panahong yun, pinipigil ko na lang ang tawa ko... Kasi naman, nakakahiya naman pag bigla ko syang tawanan di ba? at hindi ko akalaing magbibinata sya ng ganoong ka-gwapo.
Linggo-linggo, iba't ibang babae ang nakikita kong kasama nya, pero ni isa sa kanila, eh wala syang pinakilala sa akin. Magaganda yung mga nagiging girlfriend nya at yung iba, sikat na artista pa nga... Iba talaga charisma netong kapatid kong ito eh.
Ngayon.. nakikita ko syang nakaupo sa swing. nakatingala at ang mga mata nya... may mga luhang nagpupumiglas na gusto nang pumatak.
BINABASA MO ANG
Sa Sandaling TUMIGIL ang Oras
Short StoryA short story about a person who wants to freeze everything. Isang taong gustong sulitin ang natitira nyang panahon sa mundo...