Nadine's POV
"GOOD MORNING Monday!" pagbati ko sa aki'ng sarili. Umaga na at ngayon na magu-umpisa ang Third Year High School Life ko. Excited na ako kase makikita ko ng muli ang aking mga kaibigan.
Mabilis akong bumangon sa pagkakahiga ko sa kama at ginawa ang aking morning rituals. I stared myself in the mirror, I'm wearing mini skirt and white blouse, nag lagay lang ako ng light make up at hinayaan ko na lang na nakaladlad ang aking mahaba'ng buhok.
Bumaba na ako at naabutan ko si Mommy at Ate na nag b-breakfast.
"Good Morning Mommy, Good Morning Ate"pagbati ko sa kanila at nakipag beso beso.Binati rin nila ako at mabilis na inasikaso ni Mommy ang kakainin ko.
"Oh! Mga Anak naayos nyo na ba ng maigi ang mga gamit nyo?"tanong samin ni Mommy habang kumakain kami."Oo naman Mommy naayos ko na yung sakin kahapon pa, ewan ko lang kung naayos na ba ni Ate Patrice yung sakanya"sabi ko sakanya at tinignan si Ate na tahimik lamang na kumakain.
"Anak what's wrong? Kanina ka pa tahimik d'yan ah? May masakit ba sayo?" naga-alalang tanong ni Mommy kay Ate Patrice.
"Mom...tinatamad pa akong pumasok...hindi ako sana'y na ganito ka-aga gumising" nakasimangot na sabi nya. Malakas naman akong napahalaklak.
"Hahahaha...yun lang? Tapos ganan ka na makareact?" tumatawang sambit ko sakanya habang nakahawak sa aking tiyan. Napaka babaw naman ng dahilan n'ya.
"Tss...palibhasa excited ka lang pumasok!" inis na sigaw nito sakin, at inirapan pa ako.Ngingisi-ngisi naman ako sakanya.
"Enough! Kayo'ng dalawa talaga, araw-araw na lang kayo'ng ganyan" saway samin ni Mommy, humingi na lamang kami ng pasensya'ng dalawa ni Ate Patrice.
Nang matapos ang agahan namin ay nagpaalam na kami ni Ate Patrice kay Mommy.
"Mommy aalis na po kami" paalam ko kay Mommy. Tumango naman s'ya samin at lumapit."S'ya galingan n'yo sa klase ha!?" paalala pa nito samin.
"Oo naman po Mommy, sige aalis na po kami bye-bye" sabi ko at kumaway kaway pa.
"Mommy bye-bye po" narinig kong paalam ni Ate.
"Sige mag-ingat kayo mga Anak" yun lamang at kumaway na sa amin si Mommy.
Pareho kaming nag aaral ni Ate sa St. Venille's Academy, ako ay nasa third year high school pa lamang samantala'ng si Ate Patrice naman ay fourth year high school na. Graduating na si Ate pero tinatamad s'yang pumasok, dahil na rin na napaka hectic sa fourth year, magiging busy ka sa pagaaral at mawawalan ka ng time para makapag bonding kasama ang pamilya at kaibigan mo dahil sa Thesis. Ako naman ay ine-enjoy ko lamang ang pagiging third year ko ngayun dahil alam kong dadanasin ko rin naman ang dadanasin ngayun ni Ate Patrice.
Nang makarating kami sa St. Venille, agad akong bumaba ng taxi at hindi na inintay pa si Ate, agad ko ri'ng iginala ang aking paningin para hanapin ang aking mga kaibigan.
Nakita ko sila Zoey, Anne, Lyka, at Bree sa may bench na kaupo at nagkukwentuhan. Mabilis naman akong lumapit sa kanila at nakipag kumustahan.
"Oh!nandyan ka na pala?Kumusta ka naman?" si Zoey kahit kailan talaga, obvious naman na naandito na ako e. Pero hindi ko na muna s'ya babarahin dahil mas'yadong maganda ang umaga ko.
Hindi ko pinansin ang sinabi sakin ni Zoey at ngumiti ako sakanilang lahat." Hi guys! Kamusta na kayo?" masaya kong bati sa kanila.
"Ayy...taray ah ang lakas makadeadma ng lola nyo!?" biro pa sakin ni Zoey pero nginitian ko lang ito.
"Ayos naman kami... Eto nga e inaantok pa" sabi ni Anne at humikab pa.
"Oh e bakit para'ng excited ka naman ata ngayon?" si Lyka, umupo muna ako sa tabi ni Zoey.
"Syempre magkakasama tayo ulit" sabi ko at inakbayan pa si Zoey.
"Hahaha...para nama'ng ilang taon tayong hindi nagkita?" tumatawang sabi naman ni Bree. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ko kay Zoey at nag poker face sa harap nila.
"Bakit ba puro kontra kayo? Hindi nyo ba ko namiss?" nag pout pa ako sa harapan nila. Binatukan naman ako ni Zoey.
"Aray ano ba!?" inis na sigaw ko sakanya.
"Sira ka ba!? Malamang namiss ka rin namin"sabi nito at inakbayan naman ako.
"Sabihin mo sakin kung napipilitan ka lang?" pang dadarag ko sakanya.
"Easy...ano ka ba Nadine namiss ka namin 'no?" sabi naman ni Anne at sumang ayon naman si Lyka at Bree.
"Tss...pede nama'ng sabihin na namiss ako ang dami pang sinasabi e" nagtatampo kunwari'ng sabi ko. Binigyan naman nila ako ng tigitigisa'ng sapok.
"Aray!!! Nakakailan na kayo ah! Pasalamat kayo hindi ako gumaganti!" galit kong sabi. Masakit naman kase e, lalo na at nakalugay pa ako, ang gulo tuloy ng buhok ko. Nagbungisngisan naman sila. Agh! I hate them, kaibigan ko ba talaga sila?.
"Oh! S'ya tara na malalate pa tayo e" agad nagyakag papasok si Lyka. Buti na lamang at magkakaklase kami, ewan ko ba pero ayaw talaga kaming paghiwa-hiwalayin ng mga bestfriend ko.
Naging masaya ang pagpasok namin sa classroom, walang masyadong ginawa kase first day pa lang, nagpakilala lang kami sa mga bagong transferee at nakipag kamustahan sa iba pa nami'ng mga kaklase. Magkakatabi rin kami nila Zoey dahil hindi pa naman inaayos ni Miss Quizon ang aming seating arrangement.
Natapos ang ilang mga oras at uwian na. Magkakasama pa rin kami nila Zoey.
"Guys! Mag window shopping tayo sa Pavillion Mall!" excited na yakag samin ni Bree. Nagkatinginan naman kami nila Zoey at nagkangisian.
"Game!" sabay-sabay na sigaw namin.
Pumara kami ng taxi, hindi naman kase kalayuan ang Pav. Mall sa School namin. Kaya mabilis na nakapunta kami sa Mall.
Nag arcade, kumain, bumili ng mga damit, sapatos,at accesories, kumain din kami sa paborito naming restaurant. Nandito naman kami sa mga bench ng mall, nagpapahinga kami dahil napagod kami kakalakad, at pamimili. Napatingin ako sa wrist watch ko at ganun na lang ang gulat ko ng 9:00 pm na!."Guys! It's already 9:00 pm... We have to go!" natataranta ko ng sabi dahil hindi ako nakapagpaalam kay Mommy, siguradong lagot ako dun.
"Oo nga! Hindi natin napansin yung oras ah!.... Let's go na Guys!" biglang singit naman ni Anne kaya tumayo na kami at dali daling lumabas ng Pav. Mall at nagkanya kanya ng pauwi.
Pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko ng madilim sa loob. Sigurado tulog na sila. Kinuha ko ang duplicate key ko sa aking bag at dahan-daha'ng binuksan ang pinto, maingat ko rin itong isinara at kinapa ang switch ng ilaw pagkabukas ko tumambad saakin si Mommy na nakaupo sa sala at nakataas ang kilay sakin.
"Where have you been?"
End of Chapter One~
-Chimimenggay❤
DON'T FORGET TO VOTE!
YOU ARE READING
Serendipity (ON-GOING)
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa FOREVER? Sabi nila may FOREVER daw. May relasyon ba'ng perpekto? Meron ba'ng relasyon na kahit ano ma'ng dumating na hadlang sa inyong pagmamahalan ay magagawan n'yo pa rin ng paraan. Ano nga ba'ng alam ko sa Love? "TRUST" Sa p...