FINAL

14 2 0
                                    


3 months?! 3 freaking months!! Isang linggo na lang tapos na ang tatlong buwan. Pero heto nanaman ako nasa paborito naming park.

'Shet Choon Hee! Nandito ka nanaman?! Sa tingin mo makakalimutan mo siya ng lagay na yan?!'

Epal pa tong dalawa kong katabi kanina pa naghaharutan sa tabi ko! Parang mga walang katabi!!

Gusto ko nang ang sigawan na mahiya naman sila sa SINGLE OH! Kaso wag na lang! Nag momove-on nga tayo di ba tapos bitter-bitter ang peg!

Psh! Hindi ko ba alam kung bakit kasi nandito nanaman ako?!

Yung mga paa ko kasi kusang naglakad papunta dito!!! Kala mo naman may makikita ako dito!!!

"As if naman Choon Hee, nakalimutan ka na non!!!"

Girlfriend (yung katabi ko dito sa bench): "Hala ang weird naman Jagiya!! Alis na tayo dito!" sabay kapit na parang tuko sa boyfriend niya! Tapos umalis na sila!

Aba at bastos nun ah! Hindi ko nga sila pinapakialam kahit sobrang iww na yung landian nila!!

Hmp! Pero okay na rin yun atleast wala na sila solo ko na tong bench!

"Bakit ba kasi niya ko niloko???" sige girl pang-ilang tanong mo na yan sa sarili at hanggang ngayon wala ka paring sagot! Kaya hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakausad kahit ata konti! wala!!! As in BOKYA Choon Hee!! Mahal na mahal mo pa rin siya!

Hindi ko ba alam sa sarili ko kung Martyr ako o sadyang TANGA lang?! Pero feeling ko, dun ako sa huli!!! Oh diba?! Sariling lait!

Aalis na nga lang ako dito lalo lang akong nadedepress at mas lalo ko lang siyang naaalala. Ayan  feeling ko tuloy nakikita ko siyang papalapit dito sa bench nainuupuan namin lagi!

Ay hala siya!!! Yung loko nga ata yun!!!

'Shet teka lang wala akong ayos!!! Fudge anong gagawin ko!' leche natataranta na ako!! Mukha akong basura!!! Kailangan mukha akong maayos para kunwari nakamove na! At makita niya yung sinayang niya! HMPH!

'Nasan na ba yung liptint ko dito sa bag?!' my gulay nanginginig na ako, malapit na siya!

"Choon Hee?"

Ay palakang kabayong gwapo ka!!! Jusko muntik lumagpas yung liptint!!! Nakaupo na pala si loko!!!

Buti na lang dun siya sa dagat nakatingin, nabawasan kaba ko.

"Naririnig mo ba ko?"

Ay tungaw!! Nakaheadset nga pala ako! Siyempre tanggalin natin!!!

"Oo naman!" pucha tunog excited ako!! Choon Hee gaga ka!! Magalit galitan ka naman! Niloko ka niyan, REMEMBER!

Kaso ang hirap pala! Lalo na kung miss na miss mo na yung tunog ng boses niya at kung paanong nakakaroon ng parang kuryente sa puso sa bawat bigkas niya ng pangalan mo!

"Naalala mo ba yung first date natin dito?" ay si loko nag-reminisce pa!!! Shet! pero kinikilig ako!! >/////<

"Oh, anong meron?!" okay Choon Hee! Good job galit tayo, Galit!

"Di ba sabi mo dati ayaw mo sa lugar na to kasi puro couples na nagPPDA ang nakikita mo, tapos biglang dito kita unang dinala para sa first date natin,  kaya hindi mo alam kung maiinis ka o matutuwa."

"OO! Asar na asar ako sayo nun noh?!" kung di lang talaga kita mahal!!! Magwowalk out ako nun!

"Nakakatawa noh?! Kasi in the end ito na yung favorite place mo, natin!" he smiled!

'pucha!! Ang gwapo mo ngumiti!!!' pigil na pigil na ako dito!!! Kasi baka mamaya mayakap ko siya! And that's not our goal girl! Moving on!

Tuloy-tuloy lang siya ng pag kukwento ng past namin at mukhang tuwang-tuwa siya. So eto naman ako, sakay naman sa lokong to!!! dapat hindi na kita kinakausap eh!! Lalo akong mahihirapan nito!!! Pinapangiti mo nanaman ako! Tapos mamaya iiwan!

"Eh nung pinabili mo ako ng make-up sa mall. Tapos akala nung sales lady ako gagamit. Naaalala mo rin ba yun?! Eh yung halos dalawang linggo akong hindi nagpunta sa mall na yun, kasi natatakot akong maofferan ng free makeover!!!?" omayghad! Hindi ko na kaya bibigay na ako anytime?!

He laughed and BOOM!! ayun bumigay na ako!! natawa na rin ako ng bonggang bongga!!

Pero hindi pwede to! Kailangan tapusin ko na to bago pa ako tuluyang mas mahulog!

"Ayoko na!!!! tama na!! ano ba talagang kailangan mo sa akin?! Kung nandito ka para ipakita sa akin na okay ka at masaya ka, at tignan kung gano ko kamiserable?! Well Jun, para sabihin ko sayo, okay na ako!!!" but the truth is hindi pa!

Biglang naging seryoso yung mukha niya and he looks like he's about to cry!

"Gusto ko lang sanang magsorry!" I can feel na nanginginig yung boses niya!!! FUDGE!!! I want to hug him!!! Pigilan niyo ko please!! T.T

"Para ano?! Malinis yung konsensiya mo sa ginawa mo sa akin?" I did a slow clap. Bigla akong nagalit?!!!! Hindi sa kanya kundi sa sarili ko.  Ang sakit pa rin kasi! At wala man lang akong nagawa para makalimutan siya kahit ganun na yung ginawa niya sa akin.

"I know hindi ka pa ready na patawarin ako, but I want to take this chance para magsorry sayo."

"Eh alam mo naman pala!" medyo naiiyak na ako pero pinipigilan ko pa rin!

"Still I'm so sorry! I'm sorry for making you wait for me, everytime na may practice kami ng sayaw sa org., sorry kung hindi na ulit ako bumili ng make-up mo, sorry sa mga oras na hindi ako natutuloy sa mga date natin, sorry kung nag-aaway tayo kasi ang immature ko, sorry kasi minsan inaasar kita, sorry----" hindi na niya naituloy yung sinasabi niya kasi umiiyak na siya, at dun ko lang napansin na pati ako umiiyak na.

"and so--rry th--at I chea--ted on you!" Parang gusto kong sumabog nung sa kanya mismo nangaling yung mga salitang yun!

Gusto ko siyang tanungin, sumbatan, kainisan pero hindi ko magawa! Parang lahat ng salitang gusto kong sabihin umurong nung nakita ko yung pagpatak ulit ng luha niya!

Tumayo na siya at naglakad papunta sa dagat. Sinundan ko siya dahil gusto ko nang tuluyang tapusin ang lahat para pareho na kaming lumaya, at dun ko lang napansin na may hawak-hawak pala siyang urn.

Bago ko pa siya matawag ulit binuksan na niya yung urn at hinagis yung ashes sa dagat.

"I'm very sorry Choon Hee! Please be happy and for the last time, GOODBYE!"

For the last goodbye!Where stories live. Discover now