Chapter10

438 13 0
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas simula nong nag hiwalay kami ni Andrie...

Ilang buwan narin akong walang gana sa pag aaral at pakikipag usap kahit kanino miski sina mama at papa at kapatid ko, nakakainis lang kong isipin dahil pati pag aaral ko ay pinabayaan ko na at magulang ko nakakainis!

"Anak nandiyan si tita lanny mo! Bumaba ka muna"pag sasalita ni mama sa labas ng kwarto ko

"Masama po pakiramdam ko mama, pweding sa susunod nalang muna"wala kong ganang sabi

"pero anak ngayon nalang kayo mag kikita tapos ganyan kapa, anak naman mahiya ka naman sa tita mo na ngayon lang bumalik sa pinas!"

"Mama please, sa masama nga ang pakiramdam ko ehh! Marami namang araw diba pweding sa susunod nalang! "Inis kong sabi

"SABING GUSTO KANG MAKA USAP DIBA KAYA BUMABA KA MUNA!, WAG KA NAMANG GANYANG HEATHER WALA KANANG RESPITO SA AKIN PATI NARIN SA PAPA MO SINISIGAWAN MO NALANG KAPAG AYAW MO!! KAHIT ILANG ORAS LANG BASTA MAKAUSAP MO LANG! BUMABA KANA SA AYAW AT GUSTO MO!!! "Galit na sabi ni mama, kaya ayun nataranta ako, takot kasi ako kay mama eh kapag sumigaw na siya kaya ayun wala na akong choice kundi ang bumaba at harapin kong sino man ang gustong kumausap sa akin....

Agad akong pumasok ng banyo para maligo dahil amoy patay na ako, ilang araw na kasi akong hindi naliligo dahil sa tinatamad ako, nagmumukha na nga rin akong skeleton na buhay dahil ang payat ko na, ilang araw kaya akong hindi kumain dahil sa tinatamad ako at walang gana kaya ayun

Pag katapos kong maligo,nag linis muna ako kahit kaunti dahil ang gulo ng kwarto ko, at pagkatapos ng lahat agad akong bumaba na ng kwarto ko at dumiritso sa sala kong saan ko makakausap ang nag hahanap sa akin.

Pag kababa ko nakita ko agad si tita lanny na kausap si mama meron din akong nakita dalawang lalaki pero yung isa ay mukhang kaidad lang ng kapatid kong si hyacinth at yung isang parang papatay na ng tao ay mukhang kaidad ko lang

"Hahaha ikaw naman, nakaktawa ka hijo subra! "Natatawang sabi ni mama, parang kanina lang galit na galit tapos ngayon subra ng saya tskk!

"Ganito po kasi ako palabero hahaha, diba mommy"sabi naman nong lalaki

"Namana ka talaga sa mommy mo hijo"

"Dapat lang mari, kasi ang panget ng lahi ng daddy nito HAHAH"pag sasalita naman sa isang may edad na pero maganda

"Grabi kana man mom, hindi naman panget ang lahi nina daddy eh ang harsh niyo talaga"

"Oo nga naman Lanny ang harsh mo talaga hahah"

"Ehh lanny bakit ang tahimik niyang panganay mo bat itong bunso mo lang ang palasalita hahaha"pag tukoy ni mama doon sa lalaking naka poker face at nakikinig lang ng music gamit ang iPad niyang may earphones, pa cool kid din tskk..

"Namana sa daddy niya eh kaya ganyan ka tahimik hahaha"

"Tama ka nga lanny ang panget ng lahi ng asawa mo napaka tahimik at poker face hahaha"

"See HHAHAHAHA"At nag tawanan na sila pati narin yung palasalita na lalaki nakitawa narin kahit walang nakakatawa hayss!

Akala ko gusto nila akong kausapin dahil namimis  sa akin tskk, dumeritso nalang muna ako sa kusina dahil nagugutom na ako......



Tiffany lee POV

Tiffany lee Rameriz here, kung nagiisip kayo kong bakit ganito ang pangalan ko tapos lalaki ako, dahil ito ang pinangalan ng mommy kong si lanny hayss, ayaw ko nga sa pangalan ko dahil napaka girly nakakainis

My Boyfriend and I(ON HOLD) Where stories live. Discover now