Noong bata pa lamang si Julian Bitug (tunay na pangalan) mahilig na siya makipag laro sa kapwa niya bata araw araw siyang naglalaro ng mga dating laro tulad ng teks at jolen at hindi ko na ipagkakaila na ito na talaga ang kanyang nakahiligang laro noong siyay bata pa.Masaya at bakas sa kanyang muka ang mga ngiti sa kanyang labi animoy walang problema na kinakaharap.Dahil sa teks at jolen nakahawak siya ng pera na galing sa sarili niyang pagod at pawis sa pamamagitan niya ng pagbebenta ng teks at jolen sa kanyang mga kalaro.At dahil doon kahit papaanoy nakakatulong siya sa kanyang magulang kahit maliit ang pera kinikita niya sa pagbebent ng kanyang mga laruan,nakakatulong siya sa pamamagitan ng pagbiki ng asukal bigas at kape alam niyang maliit lamang ang halaga ng mga ito ngunit nagpapasalamat siya na kahit papaano ay nakakatulong pa rin siya sa kanyang mga magulang.Kamangha mangha dahil kahit bata pa lamang ay nakakatuling na siya sa kanyang magulang sa pamamagitan ng simpleng pamamaraan niya..Hindi lamang masipag si Julian matiyaga at mapursigi at higit sa lahat may pananalig sa DIYOS.Lagi siyang nagpapasalamt sa PANGINOON na kahit konting blessing ay nabibiyain la rin sila ng kanyang pamilya.Habang nagbibinata marami na ring pagsubok ang dumadating sa kanyang buhay ngunit kahit na may dumating man na pagsubok o hamon sa buhay ay latuloy niya itong haharapin nahihirapan man ngunit nanatiling malakas at matatag sa araw araw si julian.
Makalipas ang ilang taon sa buhay ni julian patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga problema ngunit nanatiling matatag siya sa araw araw.Minsan na rin siyang sinubok ng tadhana dahil sa family problem madalas na umuuwi ang kanyang ama na lasing at ang madalas pa ay nag aaway ang kanyang amat ina at sila bilang anak ay apektado.Nang makatutong siya ng high school dito na rin siya nakaranas ng ibat ibang pagsubok lalo sa hindi niya inaasahan ito ay ang nagkaroon siya ng ibat ibang kalokohan at bisyo tulad ng pag iinom at ako muli si albert na saksi sa mga ito.Maraming beses na umuuwi siyang lasing at pati sa pagtulog ay suot suot niya pa rin ang kanyang uniporme at sapatos T ang nagtatanggal na lamang nito ay ang kanyang nakakatandang kapatid na babae ngunit nang siya ay magkolehiyo may isang pangyayari sa kanyang buhay na babago sa kanya ng saktan ,bugbugin,gulpihin kulang na lamang lumpuhin siya ng kanyang ina dahil sa pag uwi niya ng lasing na lasing sa huling pagkakataon.Kaya simula ang pangyayaring iyon itigil niya ang kanyang mga maling ginagawa at nagpatuloy sa mabuting gawain
Lalong natakot at kinabahan si Julian ngunit patuloy sa paglaban na walang pag aalinlangan sapagkat alam niyang ginabayan siya ng panginoon. Muli siyang nagbalik loob sa panginoon simula ng mangyari sa kanya ang hindi kanais nais.Dahil doon lalo siyang nag pursigi na makatapos at makaraos sa kahirapan labis man ang paghihirap hindi niya pa rin lubos na iniisip na sumuko na lang basta alam niya sa sarili niya na marami na siyang problema na na encounter ngunit nalagpasan niya ito mahirap para sa kanya ngunit lahat ng ito ay kakayanin niya.Upang makatulong muli sa kanyang pamilya humanap siya ng trabaho na pwede ring makatulong sa kanyang pag aaral nang makahanap siya ng trabaho o sideline job natutugunan niya na ng paunti unti ang kanyang pangangailangan sa kanyang pag aaral sa madaling salita parang siya na ang nag papaaral sa sarili niya saring sikap ang lahat ng mga ito talagang pursigido siyang matapos ang unang kolehiyo.Hindi na niya iniisip ang hirap at hindi niya na iniintindi ang lahat ng pagod gagawin niya ang lahat matapos lamang ang unang kolehiyo. Naiisip niya rin na ang problema ay hindi hadlang upang hindi na makapag aral. Patuloy siya na pagbutihin ang pag aaral upang makamit niya ang kanyang mga pangarap at sa pangarap na yon kasama na ang kanyang pamilya.
Natapos ni Julian ang unang kolehiyo na may ngiti sa labi hindi niya akalain worth it lahat ng paghihirap niya noong siyay nasa unang kolehiyo lamang lahat ng problema niya noong siyay nasa unang kolehiyo pa lamang alam niya na sa sarili niya na mahirap at talagang hindi basta basta kayat nakatungtong na siya sa pangalawang kolehiyo doble na ang kanyang pagpupursi o pag titiyaga upang muli ay matapos niya muli at ikalawang kolehiyo patuloy siya sa pagpupursugi na may pananalig na sa Diyos patuloy pa rin siyang nagpapasalamat dahil sa lahat ng pinaghirapan niya ay may nagandang kinalabasan.Ngayong secong year college na siya may panibagong problema na naman siyang haharapin.Julian always remember na problem never defeat him.Sa pagtungtong niya ng kolehiyo nagkaroon siya ng kaibigang pastor na naging instrumento para ma encourage siya at naging gabay sa pananalig sa Diyos.Dahil dito hindi na siya muling umasa sa kanyang pamilya papagaralin niya muli ang kanyang sarili dahil isa siyang working student tulad ng pagpapa order niya sa natasha at pagtitinda ng mani na ang tagapagluto ng tinitinda niyang mani ay ang kanyang pastor.Masaya siya at laking pasasalamat na rin niya sa kanyang pastor dahil malaki na rin ang naitulong nito sa kanya. Naka graduate si Julian ng kelehiyo ng dalawang taon ngunit hindi pa rin siya sang ayon sa dalwang taon na iyong pag aaral niya sa kolehiyo kayat muli niyang itinuloy ang kanyang pag aaral .Pag aaral na makakapag pasaya sa kanya kahit kay hirap na.
Napag desisyunan niyang ituloy ang kanyang pag aaral sapagkat hindi siya satisfy sa dalwang taon na pag aaral sa kolehiyo kayat nais niyang ituloy muli ang kanyang pag aaral hindi na niya muli iniisip kung paano sulusyunan ang mga bagong problema na dadating sa buhay kapag pinagpatoy muli ang kanyang pag aaral.Sa pagpapatuloy niyang magpursigi hindi nawala sa kanya ang pananampalataya sa Diyos nagpapasalamat pa rin siya na ginagabayan siya ng panginoon sa anumang desisyon na kanyang gagawin. Sa pag papatuloy ng kanyang pag aaral kinuha niyang kurso ay AGRICULTURE sa parehong strategy ang kanyang ginawa.Taon na alam niyang mahihirapan siya ngunit wala lang ito sa kanya gagawin niya muli ang lahat upang makapasa sa kursong kanyang kinuha.Lumipas ang taon ang napagtagumpayan niya ang makatapos sa ikatlong kolehiyo labis ang tuwa na kanyang nadarama worth it lagi lahat ng paghihirap niya hindi niya sinukuan lahat kahit mahirap o mabigat man para sa kanya hindi siya tumigil makuha lamang ang pangarap.
Dumating ang araw na natapos niya ang ikatlong kolehiyo masaya siya na naging successful at worth it na namn lahat nang paghihirap niya.Nakatungtong na siya sa ika apat na kolehiyo...ika apat na na baitang sa kolehiyo na kung saan lalong humirap at lalong madadagdagan ang kanyang pagpupursigi doble iwas sa gulo doble ingat na rin sa lahat sapagkat ito na ang huling pag aaral niya at makakapagtapos na siya.. ngunit ito rin ang taon na kung saan gusto na niya nang sumuko at wag ng ituloy ang pag aaral dahil ito sa kanyang pastor na tumulong sa kanya na yumaon na ngunit hindi siya nawalan ng pag asa pinag patuloy niya pa rin ang kanyang pag aaral nag tiwala muli sa kanyang sarili at ang maganda pa ay hindi niya rin pinabayaan ang ministeryo ng simbahan sa aming lugar na siya na rin ang naging leader/pastor sa simbahan.Bilang si Albert I encourage him in many ways.Muli He continue his life with GOD.... he study at nag conduct siya ng kanyang FS ung parang Thes's
Habang isinasagawa niya ang kanyang FS na pagtatanim ng petchay Baguio kasabay nito ang pag aalaga ng 300 manok ngunit naging mahirap rin ito para sa kanya sapagkat nangangailangan siya ng financial dahil sa kakulangan ng patuka at pataba.Kalaunan ay nawalan na siya ng gana at siya ay nalugi na sanhi ng pagka down sa sarili dito na niya naisip na huwag ng ipagpatuloy at huwag ng grumaduate ng college pero bilang si Albert I encourage him na magpatuloy na ma accomplish iyon at dahil na rin sa tulong ng DIYOS hanggang siya ay makapag present ng FS at makagraduate ngunit hindi mawala ang lungkot sa kanyang muka sapagkat ilan sa kanyang mga kaklase ay hindi makakagraduate bilang mga kaibigan ito nasasaktan at nakulungkot din siya para sa kanyang mga kaklase.....
Siya ay nakapag tapos ng pag aaral dahil sa kalooban ng DIYOS at sa gabay nito at ng kanyang magulang at higit sa tulong niya sa kanyang sarili.
Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay pamilya at kaibigan hindi siya nag tanim ng anumang sama ng loob o galit sa nga ito lalo na sa pamilya at sa DIYOS.
Hanggang sa mga nag daang pangyayari sa buhay ni Julian simula ng siyay maka graduate ng kolehiyo siya ay nagkaroon ng ibat ibang achievements. like he is the pastor of our church..
Wala na siyang mahihiling pang iba at hindi niya pinagsisihan ang bawat araw na nangyari sa buhay niya kung saan sa isang araw ay may mga pagsubok o hamon na dumadating sa kanyang buhay ngunit hindi siya sumuko..hanggang ngayon walang pagsisi ang tumatak sa kanyang isip sa mga pangyayari sa kanyang buhay ngayon. At nais din ni Julian na maencourage niya kayo sa pamamagitan ng buhay niya sa DIYOS..
Muli ako si albert na saksi sa tunay na buhay ni julian na aking ngayong leader at kuya... oo kuya ko siya kami nga pala ang magkapatid na simula pa lamang ng una hanggang ngayon ay magkasama at nagtulungan sa anumang bagay na nangyari sa aming buhay at pati na rin sa aming bahay at higit sa lahat ay sa simbahan ng DIYOS
Thanks for reading my story i hope you enjoy it...😇
YOU ARE READING
Buhay na Saksi
Short StoryAko nga pala si ALBERT na saksi sa tunay na buhay ni JULIAN na nais kong ibahagi sa iyo at sa iba pang mambabasa kung paano siya naging parte ng buhay ko at isa siyang pagpapala sa kanyang pamilya.Nais kong ibahagi sa inyo kung ano ang naging buhay...