AN: Hello po to ate Louisse!! TEAM OLLIE here!! hahaha!! ♥
-------------------------------------------------------------------------------
“Kuya, please?”
“Miss. Ang kulit mo. Maghintay ka lang diyan.”
Tsss. Napanguso na lang ako at yumuko dahil sa kahihiyan. Sa dinami-rami ng beses na sumakay ako sa bus na ito ay ngayon ko lang na-experience ang inconvenience na ganito. Nasa unahan ako ng pila sa ticket booth pero dalawang oras na ang lumipas, kaharap ko pa rin ang masungit na bus crew na taga-issue ng ticket.
Naubusan daw sila ng bus unit?
Unbelievable!
I guess, kung hindi ako naging impulsive buyer at binili ang bagong labas na Beats headphones ay nagkasya pa sana ang pera ko for a plane ticket. Hayy.
“Miss?”
Napalingon ako sa kumalabit sa akin na isa pang crew – yung taga buhat ata ng mga bagahe.
“May pasahero na hindi tutuloy sa byahe. Baka gusto mong bilhin iyong ticket niya?”
Agad na nagliwang ang mukha ko.
“Sige ho!” masayang sagot ko sabay bitbit sa maleta ko na agad namang kinuha ni kuya at mabilis na inilagay sa ilalim ng bus.
Thank you Lord!
Papasok na sana ako pero hindi ko maituloy dahil sa dalawang naglalandian sa tapat ng pinto ng bus. Iyong babae ay pahalata masyado na kinikilig habang iyong lalaki naman ay pa-cool na nakapamulsa habang nginingitian si ate. Tsk! Dito talaga?
Bubulyawan ko sana sila kaso hinayaan ko na lang. Maganda na mood ko eh. Makakauwi ako sa probinsiya!
“Excuse me. Padaan.” Mataray kong saad. Pumagitna ako sa kanila at dire-diretsong umakyat ng bus.
Mga imbyerna!
Nahanap ko naman agad ang kaisa-isang bakanteng upuan at agad na umupo doon, put on my headphones and played an All Time Low song.
Sarap na sarap ako sa pakikinig nang biglang may kumalabit sa akin. Tumingala ako at nakita iyong dalawang naglalandian kanina. The guy raised an eyebrow sabay wagayway ng isang maliit na papel sa mukha ko.
How rude!
Tinanggal ko ang headphones ko and gave him a questioning look.
“It’s my bus ticket. That seat is mine.” Maarogante niyang saad.
Ha? Akala ko ba hindi na matutuloy iyong may-ari ng upuan na ito?
“Ang tagal kasi ni kuya humanap ng kapalit ko at sakto namang lumapit sa akin si pogi so I sold him my ticket.” Malandi naman na singit ni ate sa tabi niya habang nakahawak sa braso ni kuya.
Seriously? Linapitan ka lang ng gwapo, pumayag ka na agad, te? Narinig ko ang sigaw ng kundoktor na aalis na ang bus kaya nagpaalam na ang babae sa kaharap ko.
“Iyong mga walang ticket dyan, bumaba na!” Sigaw ulit ng konduktor.
“Ikaw ata iyong tinatawag ni kuya. Sorry.” And he smirked at me. Napansin ko ring sa amin na nakatuon ang atensyon ng ibang pasahero. Urgh! Sasakalin ko ang crew na iyon!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT: Meeting France
RomanceWhat I thought to be my worst bus ride turned out the other way around. Kung pwede lang sanang huwag nang matapos ang biyaheng ito.......