Chapter 52: History Repeat Itself

44.8K 865 84
                                    

Chapter 52

( History Repeat Itself )

Nagising ako dahil sa ingay.. putek! Jojombagin ko talaga ang mga maingay na ‘yun!

Iminulat ko ang mata ko at napangiti ako dahil si Daisuke ang bumungad sa akin.. Tulog pa siya.

“Magandang tanghali Prinsesa, kung mamarapatin mo ay gumising na kayo, kanina pa namin kayo hinihintay na magising diyan.” Nilingon ko ang nagsalita at binatukal ng unan.

“OUUCCHH!” reklamo ni Seiji dahil siya ang tinamaan imbis na si Nigel.

Bumangon ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Feel at home lang ang peg? Dito naman ako natutulog dati eh, may toothbrush din ako dito at mga damit.

Lumabas ako ng banyo at naabutan silang naglalaro ni wii. Gising na din si Daisuke.

“Lets eat down stair.” Sabi nito at nauna ng lumabas ng kwarto niya, sumunod naman din kami, si Aki lang ang kulang dahil nga kabuwanan na ni Suyen hindi niya ito pwedeng iwan.

“Aga ng gising ah?” nakangising bati ng mommy ni Daisuke. Ayos na ayos ito at may dalang maliit na maleta. Mukhang babalik na siya ng France.

“Aalis ka na tita?” tanong ko dito.

“Yes hija, I have to, umuwi lang naman ako para sa gradution ni Dee.” Sabi nito at nilapitan ako at niyakap ng mahigpit.

“Ikaw na bahala sakanya huh? Alam mo naman na hindi ‘yan sumusunod sa akin. Mag-iingat kayo, I’m still looking forward na ikaw ang mapangasawa ng baby ko.” Bulong ni tita na siyang nakapagpainit ng mukha ko. Yes, gustong-gusto ng mom ni Daisuke na kami ang magkatuluyanna palaging tinatawanan ko lang.

Humalik na ang mom ni Daisuke sa akin at ganun din sa mga babies ko.

Natawa na lang kami ng sumigaw ng “MOM!!” si daisuke at pulang-pula ang mukha nito.

May kalokohan na naman sigurong sinabi ang mommy niya sakanya.

“Bakit dito ka nga pala natulog?” tanong ni Seiji.

Ang with that naalala ko na naman ang mga nangyari kagabi.

Si Bryle....

Si Jannet.....

Ramdam ko pa din ang sakit dito sa puso ko.

Tumatak na naman sa utak ko na si Jannet ang pinili ni Bryle.... sila ni Dennis.

Napangiti ako ng mapakla, magkapatid nga sila parehas nilang pinili ang iisang babae para iwan ako.

Pilit kong iwinaksi si Bryle.... si Dennis... at si Jannet sa utak ko.

Ayoko silang isipin dahil nabubuhay ang galit sa kaibuturan ng puso ko, at alam kong hindi ito makabubuti sa akin.

Marahas kong pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko, natahimik naman silang lahat at kumain na lang.

Ms. GANGSTER is Enganged with Mr. CASANOVA ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon