Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 2

69.2K 2.6K 647
                                    

"Habulin mo ako! Habulin mo ako!" Masayang mga halakhak ni Joy ang umalingawngaw sa dalampasigan habang masayang hinahabol ni Bulig. Tumigil si Joy sa pagtakbo at hinarap si Bulig na tumigil sa paghabol sa kanya. Dumapa ito sa buhangin. Mukhang napagod na.

"Bulig, ano na? Pagod ka na naman?" Padabog siyang naglakad palapit kay Bulig at sumalampak sa buhanginan.

"Hays! Ang bilis mo namang umayaw," reklamo niya. Itinuon niya ang paningin sa karagatan. Hinawi niya ang buhok na dinala ng hangin sa kanyang mukha. Niyuko niya si Bulig at hinaplos ang katawan nito.

"Gusto kong lumabas ng isla, Bulig. Gusto kong pumunta sa Burgos." Napangiti si Joy nang tumugon naman si Bulig ng "oink oink."

"Oo. Sabik ka? Ako rin, e. Hayaan mo, magpapaalam ako kina Lola at Lolo at kapag pumayag, isasama kita." Bumungisngis si Joy at hinalikan si Bulig sa ulo.

Sa pagbalik niya ng paningin niya ay natuon ang kanyang atensiyon sa isang napakagandang yate. Napansin na niya ito kanina pa pero higit na nakuha ang kanyang atensiyon dahil may natatanaw na siyang tao roon. Mabilis na tumayo si Joy at namamanghang tinanaw ang mga taong naroon. Namangha si Joy sa naggagandahang suot na daster ng mga babae. Mahaba ang puting daster, ang isa ay dilaw, habang ang isa pa ay naka-two-piece na ang kulay ay matingkad na green. May mga lalaki rin na walang pang-itaas at naka-shorts na pang-beach habang nakasakay sa maliliit na sasakyang pantubig na tinatawag na jet ski ng mga taga-roon. Paikot-ikot iyon sa dagat.

"Mayayaman! Ang gaganda ng daster nila, Bulig. Para silang mga diwata. Gusto ko ng ganoong daster! Matingkad ang kulay." Ang mga damit niya ay maninipis na dahil nalipasan na ng panahon. Iilan lang ang damit niya na pinagpapalit-palit niya. Kung hindi pa dahil kay Teacher Geline ay hindi siya magkakaroon ng bagong daster.

Umahon ang mas matinding kasabikan kay Joy nang makita ang mga jet ski na patungo sa direksiyon kung saan siya naroon. Itinaas niya ang dalawang kamay sa ere at iwinagayway.

"Maayong buntag!" sigaw niya sa mga ito nang makalapit ito.

"Hey, miss!" ani ng isa sa tatlong lalaki.

"Hey rin!" pabalik niyang sigaw.

"Are you stranded here?" Sinubukan ni Joy intindihin ang sinabi nito. Ingles iyon. Kahit paano ay pinag-aaralan niya iyon. Magaling magturo si Teacher Geline ng wikang Ingles. Marunong siyang umintindi ng mga simpleng salita, pero hirap siyang magsalita.

"Hindi. Nakatira ako rito."

"Oh, I see." Lumagpas ang tingin ng lalaki kay Joy. Sinuri nito ng tingin ang bahay nila.

"Are you the only one in this place?" Nahirapan siyang intindihin iyon. Masyadong mabilis itong magsalita at hindi niya masundan.

"I mean, ikaw lang ang nakatira rito?" pagbabago nito sa tanong nang makitang hindi iyon maintindihan ni Joy. Matamis na ngumiti si Joy sa lalaki.

"Kasama ko ang lolo't lola ko."

"Kami taga-General Luna lang din, pero ang lolo namin, taga-rito sa Burgos. Binisita namin."

Namilog ang mga mata ni Joy sa narinig. General Luna. Iyon ang sentro ng pasyalan sa Siargao. Naroon ang mga hotel at mga kainan. Hindi pa niya nararating ang lugar na iyon. Gusto niya iyon marating, kaso mukhang imposible. Hindi naman siya papayagan ng kanyang lolo't lola. Diyan pa nga lang sa karatig isla ay hindi siya pinapayagan.

"For sure you know our grandfather. Solomon Rivas."

"Ah, oo! Sabi nila siya ang pinakamayan sa Burgos. May-ari ng mansiyon, plantasyon ng niyog at resort, pero hindi ko pa siya nakikita."

Longing  for  InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon