A/N: Disaster came in our lives just this March 15, 2018. That's why I am not able to stick to my words on updating everyday. This story was supposed to be completed last March 28 if nothing serious stopped me from doing it. We're graduating students and our adviser was stabbed to death and right now, we have no lead about the killer. I was very depressed and hurt at naapektuhan ang pagsusulat ko. It's a good thing that I had finished THE BOSS' SILENT WORKER before it happened, because if it's not, maybe it's still pending at this moment. I hope you understand it you cared about this note. I am still mourning but I promised to finish this in this month of April. Thank you.
Chapter 10: Dream or Illusion
Nagkakape ako habang umiinom naman ng gatas si ate Marice sa guest room na pansamantala niyang matutuluyan habang narito siya.
"May ipagtatapat ako, ate. " Ako at ngumuso muna bago ko binalingan ng tingin si ate Marice na nasa akin narin ang buong atensyon ngayon.
"Speak," si ate at inayos ang mga magugulong buhok sa kaniyang pisnge at pinagsikop itong lahat sa kaniyang tenga.
"I told Jacob about.... Your.... P-pregnancy, " ako na hindi maiwasan ang hindi kabahan.
Halatang nagulat si ate Marice dahil nanlalaki ang mga mata nito.
"Damn, you tell him?" Siya na tila hindi makapaniwala.
Napakurap-kurap ako dahil sa kaba. First time kong narinig magmura si ate Marice.
"Bakit, ate. M-may masama ba? " tanong ko na hindi maiwasan ang mapakagat sa pang-ibabang labi.
Tumayo si ate Marice at tumabi sa akin sa kama.
"He'll definitely tell Angelo about it, " halos pabulong niyang wika sa akin.
Natuptup ko nang wala sa oras ang aking bibig sa sinabi ni ate Marice. Bigla ko tuloy naalala ang tungkol sa nakita ko kumakailan lang.
Nasisiguro kong si Kuya Angelo iyon. Pero bakit, ayaw niyang magpakita sa amin? Nagulat din kaya siya? Hindi niya rin kaya ito inaasahan?
"Gusto mo, tawagan ko siya, ate? " ako na siyang ikinasinghap ni ate Marice.
"Oh, no, no, Yanzee. Hindi ko pa kayang kausapin ang kapatid ko, " si Ate Marice at humiga sa aking kama habang kapa-kapa ang sariling tiyan.
Nagkibit balikat nalang ako at patuloy na ininom ang aking kape.
***
PANSIN ko ang biglang pagbigat ng aking katawan, na para bang mayroong bagay na nakadagan sa akin.
"Hmm! " Ungol ko dahil halos hindi na ako makahinga sa kaniyang bigat.
Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata pero halos wala akong makita.
"Shit, " dinig kong bulong ng nakadagan sa akin. Pero hindi kaagad ako nakakilos nang mapansin na parang kay Lazaruz ang boses na iyon.
"Laz? " Ako.
Hindi gumalaw ang nakadagan sa akin, bagkos ay niyakap ako nang mahigpit.
Dahil mukhang na immune na ang aking katawan sa kaniyang bigat ay okay nalang sa akin ang yakapin ako sa ganitong paraan.
Pero bakit naman nandirito si Baby-Laz? Hindi ba siya busy? And wait!
NAKAPASOK SIYA SA KUWARTO KO?!
Para akong naninigas na ewan habang tinitignan ang paligid. Mabuti nalang at madilim ngayon at hindi nakikita ang paligid.
Natigil lamang ang paglinga-linga ko nang marealize ulit kung bakit narito si baby-Laz?
BINABASA MO ANG
Not Just A Fan Girl (Completed)
ChickLit"I am not just his FAN GIRL, I am his WIFE. " Iyan ang paulit-ulit na sinasabi at panakot ni Yanzee sa mga nakaka-away niya tungkol sa ini-idolong si Lazaruz Xyro Monteclaros. May paninindigan nga kaya siya kung bakit niya nasabi ang umano'y karum...