Dear Crush, I Exist!
Lovelife? Uso ba yun? Kung uso yun, eh bakit wala ako?
In my eighteen years of existence, kahit kalian hindi ako nagkaroon nun. Pero syempre sa panahon ngayon ang mga single humahanap ng paraan para magkaroon ng inspirasyon, yung magsisilbing tagagising ng natutulog nilang puso. Yung dahilan kung bakit nakukumpleto ang araw mo. Yung dahilan kung bakit ka masaya. At yung dahilan kung bakit kahit wala kang lovelife, ok lang dahil meron ka namang CRUSH LIFE.
Crushlife? dyan lang ako bumabawi. Wala man akong lovelife masaya na ko. Hindi mo naman kasi kailangan ng boyfriend or girlfriend para magkaroon ng lovelife. Love? kaya mo rin yang ibigay sa crush mo..
Pero….
Kontento ka na bang hanggang tingin lang?
Kontento ka na bang hanggang crush lang?
Hindi mo man gustong hanggang doon lang pero anong magagawa mo? Lahat na ata ng zoned naranasan mo na.
SEENZONED.
HAHAZONED.
WIWIZONED.
FRIENDZONED.
AT KUNG ANU-ANO PANG ZONED.
Bakit kasi di niya ako magawang magustuhan?
Bakit kasi di niya ako magawang makita?
Lahat naman ginawa ko na, magpost sa facebook nya, ilike lahat ng picture at post niya.
I-tweet sya ng i-tweet hanggang sa may magreklamo na.
Tanungin sya sa ask.fm ng kung anu-ano hanggang sa wala ka ng maisip na tanong.
I-edit ang picture niya sa photoshop at isama yung picture mo dahil sa kagustuhan mong kahit papaano may picture kayo “together”
at tsaka ang paulit ulit na pagsabi ng MAHAL KITA.
pero wala parin…
BINABASA MO ANG
Dear Crush, I Exist!
RomancePara sa lahat ng may Crush, sa mga patuloy na umaasa na sana mapansin din sila ng minamahal nila, at para sa mga taong sawi sa pag-ibig.