I walked out from that restaurant where I met my blind date. Walang kwenta, hindi naman maganda. Kung hindi lang talaga ako napilit ng mga kaibigan ko e hindi ko sya sisiputin! Pasalamat sya sinipot ko sya! Kaasar. Sinong hindi maaasar pag sinabihan kang playboy?! Hindi naman ako babaero o kahit anong synonym nun. Porket malapit sa mga babae, ganoon?! Girls are so…. Ah ewan! Ang hirap nilang i-describe! Tsk.
Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko. Wala akong kasama ngayon. In short, loner. Tinakasan ako ng mga magagaling kong kaibigan. Ang galing. Pinipilit nila akong magkagirlfriend dahil ako na lang ang wala pang babae. Kasalanan ko ba?! Ano yun, uso uso?! Hindi porket meron sila e dapat igaya nila ako sa kanila. Kaya ko namang mabuhay kahit walang babae! Psh.
“Brent! Brent!”
Napatigil ako sa paglalakad nung may tumawag sa pangalan ko. Boses ng babae. F.ck! Ang ayoko pa naman e yung naghahabol! Tsk. E di ako nang mayabang. Matagal ko nang tanggap. Since birth. Pero… seryoso… may tumatawag sa pangalan ko. At yung boses e… nakakakilabot. Sino naman kaya yun?
“There you are! Kanina pa kita hinahabol jusme!” halos mapatalon na ako sa gulat nung may biglang yumakap galing sa likod ko. Shet! May multong yumayakap sa akin! Parang kanina e malayo pa tapos ngayon nasa likod ko na! Shet shet! Kaya ayokong naglalakad tuwing gabi e! Oy, hindi ako bakla, takot lang talaga ako. Mga tao kasi e sobra. Takot lang sa multo o ano bakla na agad! Syempre, may weakness din kaming mga lalaki. Hindi lang naman ang mga babae! Madaya. “Brent! Bakit hindi ka na nagalaw?!” tanong nung nasa likod ko. At saka lang ako natauhan. Bigla kong inalis yung yumayakap sa akin at naglakad nang mabilis. F.ck! Ang lakas ng tibok ng puso ko!!
“Hoy Brent! Saan ka na naman pupunta?!! Hooooy” Mas lalo kong binilisan ang lakad ko, medyo takbo na nga e. Malayo pa naman ang bahay ko!!! Argh! Sige, haharapin ko nalang ang kinakatakutan ko at sasabihing ibang tao nalang ang guluhin nya. Okay, one.. two.. thre--- “Helloooo Brent kooo!” WOAH. Napakurap ako ng ilang beses. Tama ba itong nakikita ko?!! Tangna!! Si Sadako!!! Tumalikod ako at aalis ulit palayo nung hatakin nya yung pulso ko. Ang lamig ng kamay nya!! G.go!!! Hihimatayin na ata ako sa kaba! Ang lakas lakas ng multong ‘to!!
“Lumayo ka sa akin Sadako!! Layo!” sigaw ko at sya naman ang napakurap. Teka, bakit ang weird?!! Bakit ang cute nya f.ck!! Bigla syang tumawa. Tumawa as in tawa na sobrang lakas. “S-sadako?! Pfft bwahahaha! Brent! Ako ‘to si Elle!” Tawa tawa pa sya dyan. I frowned at her. “Alam kong ikaw yan. Mukha ka kasing Sadako. Ang haba haba ng buhok mo tapos ang puti mo pa. At… at…” Napatigil sya sa pagtawa para pakinggan ang sunod kong sasabihin. “Nakakatakot ka. Ang kapal ng eyeliner mo.” Sa sinabi kong yun e humalakhak nalang sya bigla. Hindi ko alam kung anong banda roon ang nakakatawa. Ang alam ko lang napaka-weird ng babaeng ‘to. Simula highschool palang e stalker ko na ito. Kung saan saan yan bubuntot. Hindi ko naman sya tinataboy dahil wala naman syang ginagawa sa akin. Subukan lang talaga nya akong gayumahin at wala na talaga akong choice kundi gawin ang nararapat.
BINABASA MO ANG
Period.
Teen FictionPERIOD --- a punctuation mark used to mark the end of a declarative sentence or an abbreviation. He kissed her to end her from talking. Bow. || Oneshot || Teen fiction || Humor || Written by Khayliers ♥ // Revised // © Khayliers Stories 2014