Chapter 2

20 1 1
                                    

Chapter 2

After 2 days.

Hayy. Buti magaling na tong sugat ko at nakakapaglakad na ako. Salamat naman.

Ano na kayang balita sa pinalayas kong babae? Hayy. Bakit ko ba inaalala? Duhh. Wala akong pakialam sa kanya.

Oo nga pala kailangan ko nang tawagan sila Trisha at Grace.

Kinuha ko ang Iphone ko at agad ko silang tinawagan. Tinawagan ko sila ng sabay. Pwede kasi yun. Mag-uusap kayong tatlo.

"Guys, I have something to tell you. Kita tayo sa Rex Grills Restaurant. Sa paborito kong kainan. Okay?"

"Okay Rhea" -Grace

"What time?" -Trisha

"2:00 pm sharp." -Me

"Okay okay. I'll call you kapag nandun na ako." -Trisha

"Okay. See you later." -Grace

"Bye Guys. See you." sabi ko at pinatay ko na ang tawag.

****

"Bakit ka naman lilipat? Iiwan mo na kami? Huhu."madramang sabi ni Trisha, isa sa mga alipores ko sa San Antonio Highschool, eskwelahan ko bago ako nagpasyang lumipat sa Gandrez Highschool.

Nandito na kami ni Trisha sa restaurant. Pero hanggang ngayon wala pa din si Grace.

Nakwento ko na kay Trisha na lilipat na ako ng school pero di ko pa nasasabi kung saang school. Ang tagal kasi ni Grace eh. Sabi ko 2:00 pm sharp. Anong oras na? 2:30 na oh. Tss.

Asan na kaya yun? Ang tagal niya ha. -_-

"Tsk." Tsaka inirapan ko lang siya sa tanong niya. Drama kase. "Ang tagal ni Grace ah! Malilintikan talaga yun sa kin!" Sabi ko at nag-cross arm ako.

"Ang sarap tusukin ng mata oh!" Pabirong sabi ni trisha.

Tutusukin mo mata ko? Wag mo nang ituloy at baka maunahan pa kita. Mas mauuna kapang mabubulag kesa sakin.

"Ano?!! Paki-ulit nga Trisha!"

Kunwari di ko narinig ang sinabi niya.

"Biro lang yun Idol. Ano ka ba. Hahahahahaha."

Makatawa naman to si Trisha. Wagas!

"Baliw!" Sabay nilabas ko yung Iphone ko para maglaro muna habang hinihintay si Grace.

"Magandang Baliw! Hahaha." Di na ako kokontra. Ikaw na. Ikaw na talaga Trisha ang magandang baliw. Duhh. Ang pangit pakinggan. "Pero seryoso..." Bigla akong napatingin kay Trisha at tinigil ko muna ang paglalaro. "Aalis kana talaga? Paano na kami ni Grace? Oy wag mo naman kaming iwan."

"Bwisit ka talaga para namang mamatay ako. Lilipat lang ako ng school nu."

Ayaw niyo yun hindi na kayo magiging utusan. You're free. Pwede niyo nang gawin ang mga gusto niyong gawin.

"Bakit ka nga lilipat? Give me 1000 reasons."

Whuut?!!! Shunga ka ba. 1000?? Wow ha.

"Hahaha. Lok-----" Naputol at di ko natuloy ang mga sasabihin ko nang may narinig akong boses mula sa likod ko.

"Nakakaiyak Andrea. Iiwan mo na talaga kami?"

Tumingin ako sa likod. Si Grace pala. Alipores ko din. Alipores talaga? Haha. Wala akong bestfriend. Sunud-sunuran ko lang sila. Haha.

"After 123456789 years nakadating ka na din. Tss."

At naupo sa tabi ko si Grace.

"Sorry Idol. Traffic kasi. Pero tama ba ang mga narinig ko? Huhu. Wag kanang lumipat please. Huhu." Sabi ni Grace na pinipilit niyang umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon