"Pasensya na, kung papatulugin na muna, ang pusong napagod kakahintay." ーMalaya // Moira Dela Torre
"Hindi pa kita mahal ngayon, pero mamahin din kita bukas." Yan ang sinabi niya sa akin nung araw na naging kami. Umasa ako, sobra. Naghintay ako ng bukas niya, naghintay akong mamahalin niya din ako pero naghintay ako sa wala. Ang tanga ko daw. Alam ko, sobra pa nga siguro sa tanga. Pasensya naman, mahal na mahal ko kasi siya.
Nandito ako ngayon sa lugar na lagi namin tinatambayan, naghihintay sa kanya. Dito ko siya nakita at dito rin naging kami. Napakahalaga ng lugar na 'to para sa akin, ewan ko lang sa kanya. Grade eleven kami nun. Transferee ako kaya wala akong kaibigan. Naghanap ako ng pwedeng tambayan. Hindi daw kasi pwede sa library dahil para lang yun sa gustong mag-aral. Hindi ko rin gusto sa cafeteria dahil wala akong kasabay. Naglakad lang ako hanggang nakarating ako sa isang abandoned room. Nakita ko siyang nakahiga sa mga upuan na pinagdugtong dugtong. Natawa nga ako dahil ang pangit niyang matulog.
"Isa! Kanina ka pa ba?" Tanong niya.
Siya lang ang tumatawag ng Isa sa akin dahil masyado raw mahaba ang Teresa. Yun din ang araw na naghiwalay sila ni Issabelle. Coincidence? Hindi. "Pwedeng tawagin kitang Isa? Ganun din kasi ang tawag ko sa kanya." Ang gago no? Pero umu-oo ako dahil hindi pa ako ganun kaattracted sa kanya. He was just my crush that time.
"Hindi naman." A lie. Dalawang oras na akong naghihintay.
Hindi ako yung girlfriend na nagagalit 'pag late ang boyfriend. Ako yung understanding na girlfriend. Kahit gaano kababaw ang rason kung bakit siya late, naiintindihan ko pa rin siya. Hindi lang naman kasi sa akin umiikot ang mundo niya tsaka college na kami. We need to focus on our studies more.
"Anong pag-uusapan natin?" Tanong niya.
"Yung bukas." Sagot ko.
"Bakit? Anong meron bukas?" Kunot noong tanong niya. Ouch.
"Nakalimutan mo na? Second anniversary na natin bukas." Sabi ko sa kanya.
"Bukas pala yon?" Tanong niya ulit.
"Makakalimutin ka talaga." Natatawang saad ko.
Sige, tumawa ka pa. Itago mo pa ang sakit. Hindi niya man lang natandaan. Ikalawa na yun. Hay. We dont do monthsaries or days or week, we do anniversaries. Bakit? Why count the months, the days, the week.. if you have years to count together?
"Sorry. So what about tomorrow?" Masiglang tanong niya.
"Since its Sunday, why dont we go to mass tomorrow together? Then date. Kahit saan." Sabi ko.
"Really? Kahit saan? Alam ko na. Pupunta tayo ng Town, may banda tayong pupuntahan may spoken word poetry din doon 'pag sapit ng 11pm." Suggestion niya.
"Okay. If that's what you want." I faked a smile.
"Aalis na ako ha. Uuwi na ako. Uuwi kasi Papa. Bye, Love." He kissed my forehead then left.
And yes, never niya pa ako inihatid sa bahay kahit may kotse siya but he already met my parents. Malay ba namin na may common friends pala si Mama at ang Mommy niya. Natatawa ako nung nagkita kami sa party. I was wearing a simple black shirt which says, need coffee now and a black ripped jeans, matched with my white rubber shoes. Kumuha ako ng food ko nun at may isang piraso na lang ng shrimp. Dali-dali ako lumapit sa shrimp pero naunahan ako ng isang lalaki. Halos maiyak ako dahil dun pero nagulat ako ng nay biglang naglagay ng isang shrimp sa plato ko. Nagulat ako to see him. He was wearing this enthusiastic smile and I hugged him tightly. Nakita kami ni Mama kaya we got no choice but to tell them. Which turned out good.
BINABASA MO ANG
Malaya
Short StoryShe loves him dearly and waits for him to love her back. Will that day come? | ©️AllRightsReserved 2018 kylleidoscope