DAYDREAMER

95 8 0
                                    

DAYDREAMER

by Kiered

University's Anniversary Concert! First time kong manuod ng concert sa school kasama ang mga friends ko. Madalas dinededma ko ang mga ganitong event kasi hindi naman ako mahilig sa ganitong bagay. 'Yung tipong maraming tao na nagsisiksikan, nagkukulitan at nagsisigawan sa gitna ng quadrangle. Idagdag ba ang mga opening act na awala namang kwenta. Hindi ko talaga kinatutuwa 'yon pero ngayon para sa mga kaibigan ko papatulan ko.

"Ang tagal naman ni Ely Buendia." Reklamo ng isa sa mga kaibigan kong hinihintay lang talaga ang legend na si Ely Buendia. Kaya naman talaga kami nandito para panuorin si Ely at mapakingan ang mga kanta ng EraserHead. Mga kanta nilang hindi naluluma ng panahon.

"Gusto ko na umuwi." Reklamo ko naman sa isa ko pang kaibigang si Angel. Nakakailang oras na kasi kaming nakatayo dito pero wala pa rin ang hinihintay namin. Bored na talaga ako.

Para hindi ako tuluyang mamatay sa kaburyuhan iginala ko na lang ang tingin ko  sa paligid maliban doon sa dalawang host sa ibabaw ng stage na kanina pa dumadakdak. Sa kanan ko may mga maiingay na audience. Nagtutulakan pa sila. Sa kaliwa ko naman, sa likod ni Angel may PDA na couple. Sa likuran naman namin may mangilan, ngilang tao. Nakuha ng atensyon ko ang lalaking nakaupo sa gilid na may Mr. Bang na nakasulat sa t-shirt niya.

Si Mr Bang ang pinakanakakuha ng attention ko. May kung ano sa kaniya na nagpa-auto focous sa mata ko para titigan siya. Mag-isa lang talaga siya doon habang nanunuod ng concert. May salamin siya sa mata pero kita kong parang bored siya sa napapanuod niya kagaya ko. Dumako naman ang tingin ko sa ilong niyang matangos na tila kahugis ng tulad sa mga taga-Greece. Ilong Greek god siya! Parang pambabae naman ang pinkish lips niya, hindi nga lang makapal pero pwede na. Wala siyang angular jaw pero sapat na para masabing lalaki siya. Yung buhok niya nga lang parang shape bao pero smooth naman. Hindi ko masasabing drop-dead-gorgeous siya ngunit may kung ano sa kaniya na nagpa-glue ng titig ko sa kaniya.

Sandali nga, ano bang ginagawa ko? Na love at fist sight ba ako?

Napailing ako sa naisip ko.  Kinurap-kurap ko pa ang mata ko. Parang namalikmata akong nakita ko siyang nakatingin sa akin. Inulit ko ang pagkurap ko baka sakaling naduduling lang ako. Nang titigan ko siya uli, kita ko ang dark niyang matang nakatitig rin sa akin. Napaiwas kaagad ako. I'm not good with I contact, you know!

Natataranta akong tumalikod sa kaniya at ibinalik ang tingin uli sa stage. Kahit na ba mahigit ten feet ang layo niya sa akin, feel ko kitang kita niya talaga na tinititigan ko siya.

Relax lang Gem. Hindi ka niya napansin. Pagpapakalma ko sa sarili ko.

"Uhm, Miss?"

Napasigaw ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko para makuha ang atensyon ko. Pagkalingon ko, ang mga matang kanina'y tumama sa akin, halos isang pulgada na lang ang layo.

"Nagulat ba kita?" Tanong niya. Lumabas iyon sa manipis niyang mga labi. Labi ng lalaking kanina kong tinitingnan. Labi ni Mr. Bang.

"Oo ay Hindi! May sasabihin ka ba?" Nahihiya kong tanong. Puputok na ata sa init yung pisngi ko.

"I'm Dave." Sabi niya sabay abot ng kamay niya sa akin.

Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba ang kamay niya o hindi. Nahihiya ako pero eto na ang chance ko na makilala ang crush ko. Oo crush ko na siya!

"Gem," Pakilala ko sasarili ko sabay nakipagkamay sa kaniya.

"Gem," Inulit niyang banggitin ang pangalan ko. Ngumiti pa siya. "Bagay sayo ang pangalan mo."

DAYDREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon