CHAPTER FIVE

7K 167 7
                                    

CHAREASE is the most happiest girl. Hindi niya akalain na ang simpleng pagdala niya ng cream puff para sa binata ay mauuwi sa magandang tagpo.

Sa wakas ay naiparamdam niya dito na mahal pa rin niya ito. Hindi man nila sinabi ang mga katagang iyon. Tama na siguro ang maiparamdam nila iyon sa isa't isa. Matapos ang madamdamin nilang pag-uusap nito sa pantry. Hindi na siya pinauwi nito. She stayed with him at the office hanggang sa matapos ito sa trabaho. Nang matapos ang opisina nito. They went out on a dinner.

Sa isang restaurant na pag-aari ni Vanni siya dinala nito. At daig pa nila ang lahat ng teenager na in love sa sobrang pagka-sweet. Tila binawi nila ang mga panahon na nagkalayo sila sa isa't isa at nasayang.

Charease glanced at her wristwatch. Alas-nuwebe na ng gabi. Dapat sa mga oras na ito ay inaantok na siya. Pero hindi na naman siya dalawin ng antok. Pero this time, hindi dahil sa kung ano pa man ang rason. Hindi siya makatulog sa sobrang saya.

Mayamaya pa ay tumunog ang message alert tone ng cellphone niya.

Galing kay Dingdong ang mensahe.

And2 ako sa hrap ng bhay mo. Pwd kb lumabas?

Ok. Be ryt der.

Agad siyang tumayo sa kinahihigaang kama. Bago siya bumaba ay saglit siyang nagsuklay. Tinitigan muna niya ang sarili sa salamin. Naka-shorts naman siya at simpleng sleeveless. Okay na siguro ang suot niya.

Pagbukas niya ng pinto ay naroon nga ang binata. Kagaya niya ay naka-pambahay na lang ito.

"Anong ginagawa mo dito? Dapat natutulog ka na. May pasok ka pa bukas." Sabi niya.

Lumapit ito sa kanya. Agad nitong kinuha ang mga kamay niya at kinulong iyon sa mga palad nito.

"Hindi ako makatulog eh." Sagot nito.

"Bakit naman?"

"Na-miss kasi kita eh."

Natawa siya. Pabiro niya itong tinulak palayo. "Bolero, kanina lang ay magkasama na tayo ah."

"Hindi kita binobola. I really missed you." sabi nito. "Hindi lang dahil kanina. Na-missed kita nang nakaraan na isang taon mahigit na nawala ka."

Anito.

"Ako rin naman eh," usal niya.

"Balikan na lang kasi!" napalingon sila sa biglang nagsalitang iyon. Si Humphrey habang sakay ng bisikleta. Napailing sila pareho habang tinatanaw ito. Angkas nito sa likod si Vanni.

"Sige na, umuwi ka na. Matulog ka na at may trabaho ka pa bukas." Aniya kay Dingdong.

"Hay... anu ba yan? Pinapaalis mo na agad ako?"

"Archie, you're too old para magtampo."

He smiled. Tapos ay niyakap siya nito. "Huwag ka nang mawawala pa ulit."

"Hindi na. Pangako. Dito na lang ako sa tabi mo." Sagot niya.

"Ayun oh!"

Paglingon nila ay dumaan ulit sila Vanni. Ang naka-angkas naman sa likod nito ay si Ken. Sakay pa rin ito ng bisikleta.

Natawa na lang siya.

"Walang nagbago sa nararamdaman ko para sa'yo, Archie." Aniya.

The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon