Kabanata 1

52 7 5
                                    

Her POV

Tahimik, nakakabinging katahimikan at tanging paghinga ko lamang ang aking naririnig. nakakasilaw na dilim, nakakatakot, wala akong makapa kahit na anong abot ko, wala akong makita ni isang liwanag, hindi ko alam kung nasaan ako, para akong nasa ibang dimention.

Takbo lang ako nang takbo at nagbabakasakali na baka makaalis sa lugar na to, ngunit sa bawat hakbang na aking ginagawa ay para bang may humihila sa akin pabalik, may pwersang humahatak upang pumigil sa aking paghakbang.

Natatakot ako, nanginginid na ang aking mga tuhod at konting pitik na lamang ay tutumba na sa sobrang takot. Sobrang bilis ng aking paghinga, dahil sa sobrang kaba, kinikilabutan din ako at nagtataasan ang aking mga balahibo. Nagiisa lang ako sa lugar na ito na hindi ko alam kung may hangganan, para akong na sa kawalan na naghihintay ng milagro.

Naupo ako sa sobrang pagod, dahil satingin ko ay kahit anong takbo ang gawin ko ay parang walang nangyayari, pinapagod ko lamang ang aking sarili. Inubob ko ang aking ulo sa pagitan ng aking mga kamay at pumikit. Ngunit sa aking pagdilat at may nakita akong tuldok na kulay puti at hanggang sa naaninag ko ang isang munting liwanag.

Nagkaroon ako ng pagasa at agad na tumayo, tinakbo ko ang pagitan ng liwanag at habang papalapit ng palapit ay nakita ko ang hugis parihaba, pintuan. Napatigil ako at naisip kung papasok ba sa dimention hindi ko alam kung saan patungo ang liwanag na ito. Ngunit wala na akong maisip na ibang paraan para makaalis sa lugar na to, at ito lang ang nakikita kong naparaan. Tinawid ko ang dalawang pulgadang layo bago lamunin ng liwanag.

Nasaan ako? Hindi pamilyar saakin ang lugar, nasa gitna ako ng highway sa pagitan ng nagdaraanang sasakyan. Madilim, at kakaunting ilaw lang sa daan isama mo pa ang sinag ng bwuan.

Pinagmasdan ko ang paligid, two lane lang ang kalsada at sa kaliwa nito ay nagtataasang bundok at mga puno, may nakikita rin akong maliit na kabahayan sa bandang itaas. pumunta ako sa kanang bahagi ng highway kung saan makikita ang bangin, maliit lang ang harang na parang humps, sinilip ko kung ano ang meron sa ibaba, dagat . Matarik ito kung susubukan mong babain ay maari kang masugatan o mas malala ay dumausdos ka paibaba.

Bakit Dito ako dinala ng liwanag? saan to? Bakit dito?

Maya - maya pa ay may humaharurot na sasakyan, gumegewang gewang pa ito dahil sa basang kalsada, at Mukang nawalan ng control ang driver. Sinilip ko ang driver, nakaub-ob sya sa manibela at mukhang wala sa wisyo. Kinabahan ako mangyayari.

Mukang papunta pa ata sa direksyon ko. Nagpanic ako, hindi ko alam kung anong gagawin, tumakbo ako sa kabilang side bago pa man mahagip ng rumasagasang sasakyan.

Nakita ko kung paano tumalon ang sasakyan paakyat sa nagsisilbing bakod ng bangin, bago pa man ito dumausdo pa baba, nabasa ko pa ang plate #. RT4321 ng sasakyan sa likod. Hindi ko alam kung paano at ano ang gagawin ko, natulala ako sa bilis ng pangayayari.

Nanginginig akong lumapit sa bangin, at sinilip ang nangyari, para akong napako sa aking kinatatayuan sa aking nakita. Dumausdos pa ibaba ang sasakyan at nagkanda yupi yupi ito dahil sa mga naglalakihang mga batong nabubunggo bago bumagsak sa dagat.

Bakit? Bakit kailangan kong makita ito? bakit dito ako dinala ng liwanag, para ba masaksihan ang insidenteng ito? hindi ko alam kung anong nangyayari, maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan.

Kasabay nito ang nakakakilabot na tunog, isang sipol. Tinakpan ko ang aking tenga dahil sa papalakas na tunog sa pagdaan ng bawat segundo. Napaupo at napapikit ako, nagdidilim na rin ang aking paningin at nawawala sa ulirat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PROPHETIC DREAMSWhere stories live. Discover now