UNIQUE
"So, anong pormahan yan, Koi?" tanong ni Kuya Zildjian sa akin na nakataas ang kilay at may tinging makakapatay. "Umayos ka nga ng upo. Magugusot yang damit mo."
Mula sa aking upong nakabaluktot ang likod, napabuntong hininga ako at tumuwid. Pinagpagan ko ng konti ang suot ko na damit at tumingin muli kay kuya. Senior Ball naming ngayong gabi. Well- hindi namin kasi date lang naman ako ng kapatid ng kaibigan ko. Drop out ako, pare. Nakaladkad lang talaga ako pabalik sa school dahil dito. Magkasabay na kami ni 'Ter pupunta doon kaya siya na lang yung hinihintay samin.
'Di abala. Sanay na naman akong pinaghihintay ni Blaster Silonga. Hindi sa alam niya.
"Ayos na?" tanong ko ng may konting inis sa aking pagsasalita.
Ngumiti siya at tumango bago umupo sa tabi ko.
"Bakit ba parang kabadong kabado ka?" aniya. Kinuha ni Kuya Zild ang aking kamay at pinagmasdan. Hindi nagtagal ay binitawan niya rin ito. "Tingnan mo, o. Pasmadong pasmado yung kamay mo. Yuck."
Noong hindi ako sumagot o tumingin man lamang sa kanya, tumuloy siya ng pagsasalita. "Wag mong sabihing natatakot kang makita ng date mo? O natatakot kang makita ka niya?"
Huminga ako ng malalalim at tinuunan lamang si Kuya Zild ng kaunting atensyon. Tama na sa kanya ang isang sulyap na may kasamang irap.
"Ako? Matatakot?" tanong ko ng may konting paghamon. "Aba, kuya, sa pogi ko atang 'to, imposibleng mangyari 'yan."
Oras niya naman para siya ang umirap. Napaubo siya ng malakas sabay tayo.
"Ewan 'ko sayo at sa kayabangan mo, Nik," sambit ni kuya. Inilabas niya ang cellphone niya at binalewala na ang aking mga sinabi habang nagdidial. Hindi ko kita yung cellphone niya pero rinig ko yung toot toot toot pag nagdidial kaya nasabi ko 'yun. Hehehe. "Jao, asan na kayo?" ang una niyang sinabi.
Siguro si Kuya Jao yung kausap- Malamang, Unik. Kakasabi lang diba? Naaapektuhan na talaga ng kaba ang isipan ko. Lutang sa isip kong ipinahid yung kamay ko sa dalwang tabi ng aking inuupuan para mabawasan man lang ng kaunti ang pasma. Kausap pa rin ni Kuya Zild si Kuya Jao sa telepono. Si Kuya Jao kasi ang maghahatid saming dalawa ni Blaster sa paaralan kung saan magaganap ang Senior Ball. Habang naguusap sila, iniwan ko na si Kuya Zild sa sala at nagpunta sa kusina upang kumuha ng isang baso ng tubig. Isa lamang ang nasa isip ko habang nakapatong sa aking mga labi ang malamig na bubog ng baso.
Si Blaster. Maaari ko bang banggitin kung gaano ako kakabang makita siya? Pakiramdam ko na hindi ko mapipigilan ang paglabas ng puso ko mula sa aking dibdib kapag nasulyapan ko na ang kanyang ngiti. At kung mismong suot niya pa lamang sa mga gig namin, nabilis na ang tibok ng puso ko, ano pa kaya ngayon na nakaformal siya, na nakaayos siya? Lalo ata akong mahuhulog.
Oo. May pagtingin ako kay 'Ter. Parang nakakatangang sabihin, ano? Matagal na, hindi niya pa rin alam. Eh, andito kasi si Koya Nikoi niyo, daig pa ang Trece Martires kung magpakamartir. Actually, wala namang nakakaalam maliban kay Kuya Zildjian. Hindi ko kase mapagkakatiwalaan si Kuya Badjao. Nadala na ako sa kadaldalan niya.
Hindi siya yung tipong madaldal na ipinagkakalat sa buong mundo na crush mo yung isang tao. Si Kuya Jao, siya yung tipong, kapag nanjan si crush, may pa ngiti ngiti, may pa 'uy si ano oh-', may pa kindat kindat, at may pagtapik pa. Pawer. Napahiya ako sa crush ko nung Grade 10 dahil sa kanya. Tsk.
Balik tayo kay Blaster. Si Blaster. Oo, si Blaster. Ang epal naming gitarista at kaibigan- Aray. Kaibigan. Kaibigan nga lang pala niya ako. Hahaha, paalala mo pa sa sarili mo, Nik. Medyo sobrang sakit na din, e, tas makikita ko yung ngiti niya kaya nawawala na din ng panandalian. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako bakla... Siya lamang talaga ang tanging lalaking nakakapagparamdam sakin ng ganito.
YOU ARE READING
Mananatili Na Sa Piling Mo [ BLASNIQUE OneShot ]
Fanfiction- aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo -