WISH 1

24 0 0
                                    

Andrea Sta.Ana's Point Of View

>Mahal ko. Nandito na po ako. Saan ka na? :)

>Mahal ko? Yuhooo? Diyan ka ba?

>Pag hindi ka nagtext, uuwi na ko sige.

Para na akong sira dito sa kakahintay sakaniya. Halos magda-dalawang oras na rin ang nakakalipas, hindi pa rin siya dumadating. Medyo naiilang na nga ako dito. Hindi ako mapakali kung saan ba ako lilingon o kaya naman titingin. Naiilang na ko sa mga tao dito na kanina pa tingin ng tingin sakin. Halatang halata kasi na ako lang nagiisang nakaupo dito sa couple table.

>Babe. Where are you? Naiilang na ako dito. :(

Nasaan na ba talaga siya? 10pm na wala pa rin siya. Nakailang balik na nga yung waiter dito sa may table namin. Hinihingi na ang order ko pero sabi ko mamaya nalang pag dumating siya. Hay.. Asan ka na ba Tyler?!

I'm Andrea Sta. Ana. Isang working student at isang soon to be Diyosa ng Camera 360 at Retrica dahil sa tadtad lagi ang phone ko ng mga selfies. Relationship status? TAKEN. Napakalaking TAKEN. Taken ng isang napakagwapong nilalang na sinalo na ata lahat ng kagwapuhan sa mundo. Siya lang naman si Tyler Hemmings. Siya lang naman din ang lalakeng hinihintay ko ngayon dito.

Nag-headsdown nalang ako habang nakatingin sa bintana. Sabi niya sakin dumating daw ako ng maaga dito sa restaurant tapos siya inabot na ng siyam siyam. Abay matinde! Ininom ko na ang wine na sinerve nung waiter sakin kanina ng biglang nagvibrate ang phone ko. Dali dali ko itong kinuha at nage-expect ako na siya na ang nagtext.

<Maari ka ng manalo sa Globe All Win Promo! Just text blah blah blah..

Ano bayan?! Paasang text ka! Setbu. Text galing kay Tyler hinihintay ko hindi kay Globe! Well, at least, naisipan niya akong itext. Nagorder pa ako ng isa pang glass wine at naglaro nalang ng games sa phone ko. Magfla-flappy bird na nga lang ako. Pampatanggal kaboringan naman kahit papaano. Kunsomisyon naman ang papalit.

Pindot.. Pindot.. Lusot.. Pindot.. Pindot.. Lusot.. Pindot.. Pindot.. Hala nagLag! Ano bayan?! May nagtext nanaman. Agad kong pinindot ang home button at ini-swipe pababa ang screen para makita kung sino nagtext. Si Babe nagtext! Thank you kay Flappy bird!

<Whatever st. Walang May Pake Building. Door 246. Bilisan mo babe. I'm waiting. :* ;)

Ha? Bakit ganun ang text niya? Bakit niya sinend ang address niya? E alam ko naman iyun? Ah. Siguro may surprise siya! Oo nga no. Bakit hindi ko naisip agad yun? Well, katangahan strikes. Agad na akong tumayo at nagiwan nalang ng tip. Kahit naman hindi ako nagorder, magbibigay pa rin ako ng tip dun sa waiter. Sinikap niyang maghintay sa table niya pero walang nagorder.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagdrive. Medyo malapit lang naman ang condo niya dito sa restaurant. Kaya I guess, mga 30 minutes lang nandun na ako. Pero nakakapagtaka lang talaga. Bakit hindi nalang niya sinabi na sa condo niya na lang kami magkikita ngayong 3rd monthsary namin? Pinaghintay niya pa ako ng siyam siyam dun sa fancy restaurant na yun. Mayaman naman siya, kaya naman niya iafford ang mga ganun. Hay bahala na. Basta, I expect na meron nga siyang surprise. Yiiee! Egzoited!

Nandito na ako sa may lobby ng condo niya. Pumunta muna ako sa restroom at nagreattach. Syempre I want to look beautiful kahit alam kong sandamakmak na kagandahan na ang ibinigay ng Diyos sakin. Oo na, sige na, ako na makapal. E sa nasalo ko na ata lahat e. Bakit ba? Kung pwede lang mamigay ng kagandahan sa iba, mamimigay ako. Hindi naman ako selfish no. ^__^v

Pinindot ko na ang going up button ng elevator. Kinakabahan ako na nae-excite. Sinusumpong nanaman ako ng pagkaabnormal ko. Haha! Bumukas na ang pinto at pumasok na ako. May isang lalake lumabas galing sa loob. Mukhang matipuno at gwapo naman. Nagngitian lang kaming dalawa at lumabas na siya ng elevator at ako naman ay pumasok. Oh shilatté! Makalaglag panty naman yung ngiti nung lalake kanina! Waaah! Kinikilig ako!

SWITCH PLACESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon