Colors and Promises

2 0 0
                                    

Hindi na ako nakapag focus pa sa mga subjects after ng lunch. I was so curious with Aisen.

Seatmates kami ni Kim and Cessa. Humarap ako kay Kim after mag anounce ng early dismissal ang teacher namin sa AP. Hindi ko na kasi kayang pigilan na magtanong about kay Aisen.

"Crush mo yung si Aisen? Kelan pa? Akala ko kay Jeric ka may lihim na pagnanasa?"

Nagulat si Kim sa bigla kong pagtatanong pero sinagot pa din naman niya. "Recently lang. Pumunta kasi sila sa bahay kasama si Kate para gumawa ng project. Natuwa lang ako sa kanya kasi ang gwapo nya tapos medyo behave sya compared dun sa mga boys na kakalse nya."

"Sino si Aisen? Paano na si Jeric?" Tanong naman ni Cessa.

"Si Aisen yung Junior na kaklase ni Kate. At anong paano si Jeric, excuse me there was never an us. But he is such an ass, and that, is for sure!" Nakairap pa sya habang nagsasalita.

Inirapan ko din sya, "Ewan ko sayo! Mukha mo, if I know gusto mo naman talaga si Jeric. Parati ko kayong nahuhuli nagtititigan."

Nanlaki ang mata ni Kim sa sinabi ko habang si Cessa naman tawa ng tawa. " Excuse me! Wag ka nga Carly! Di totoo yan ah, fake news yan!" sabi pa ni Kim.

"Pustahan tayo, before this school year end magiging magjowa kayo ni Jeric." I'm so sure of that I smirked.

"Talo ka na Kim!" Tuwang-tuwa pa si Cessa.

"Ayoko nga! Masama pagpustahan ang feelings ng mga tao." Kim said while pouting.

"Kasi nga alam mo na matatalo ka kaya ayaw mo." Pang-aasar pa ni Cessa.

Pero tama nga naman si Kim. Hindi dapat ginagawang laro ang feelings lalo na kung meron kang masasaktan. Minsan kasi dala na lang din ng ego kung bakit pinu-pursue ang isang tao. Na dahil ayaw matalo o masabihan na mahina gagawin na lang para may mapatunayan. And that is not a good thing. If you don't want it, stay out of it.

I set I side my weird feelings for Aisen. There are more important things I have to deal with right now rather than bothering myself with thoughts of him. And besides, ni hindi ko nga sya kilala ngayon ko lang sya nakita. Normal lang naman siguro ang reaction ko kasi sino ba naman hindi kung gwapo naman talaga, charming and very mysterious and dating. Tama, normal lang ito. Normal lang ang mag appreciate ng tao. Bukas  makalawa makakalimutan ko din na parang tumigil ang mundo ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa isang junior na ngayon ko lang nakita.

That's what I thought. Sa pagdaan ng mga araw hindi ko mapigilan ang sarili ko na palihim na sumulyap sa classroom ng junior cream section para masilayan si Aisen everytime na dadaan ako sa corridor. Tuwing mag si-CR, pupunta sa canteen, kapag uwian. I'm getting courious about him day by day. As I've said very observant ako na tao, feeling ko nga pusa ako nung past life ko kasi sabi nila judger daw ako makatingin. I dont intend for them to feel that way, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko talaga minsan. At dahil nga feeling pusa ako nung past life ko, my curiosity killed me, figuratively.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Waiting GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon