forgetting my past

25 1 0
                                    

Nagising si Dayle sa tunog ng cellphone nya. " I miss you like crazy.., missed you like you..."sinagot nya ang tawag kahit antok na antok pa rin sya. Alam nya na ang tumatawag sa kanya walang iba kundi ang pinsan nyang si Cidney, kaya inaantok nya sinagot ang tawag nito.

"hello Cid napatawag ka? Sa inaantok na boses nya."

"Dayle Aria don't tell me na hanggang ngayon tulog ka pa rin?may balak ka ba sumama sa vacation house ni lola?"naiiritang sagot nito.

"yeah im coming, san ba ang meeting place dun nyo na lang ako antayin, give me an hour to prepare my things. Marami pa kase ako tinapos na trabaho kagabi, nawala sa isip ko ngayon nga pala ang alis natin."mahabang paliwanag nya.Sinabi naman ng pinsan nya kung saan kaya pagkatapos ng tawag nito dali-dali na sya kumilos.

Sya Dayle Aria Garza, tapos sa kursong Bachelor of Engineering pero mas gusto nya magpalakad ng negosyo ng pamilya nila, kaya hindi na sya nag-take ng board. Dalawa silang magkapatid pero mas pinili ng ate nya sa ibang bansa manirahan kasama ang asawa nito at ang parents nila. Kaya nasanay sya na ang kanyang mga pinsan ang palagi nya kasama sa twing uuwi sya sa laguna.

Nakasanayin na kase nilang magpipinsan na sa twing darating ang death anniversary ng lola nila dun sila mag-stay sa bahay nito sa Laguna kahit two-three weeks lang. Kasama na rin ang bonding nila dun, na minsan na lang nila nagagawa, simula ng pare-pareho silang napunta sa Manila at nagtapos ng kolehiyo.

Nagmamadali sumakay ng kotse nya para makahabol sa oras ng usapan nila ng kanya mga pinsan. At mahigit kalahati oras andun na sya sa mall kung san ang tagpuan.

"hays! I'm really sorry cousins..napasarap kase ko sa tulog..nakangiting sabi nya habang ang tatlo nakasimangot ang mga mukha."

Si Cidney Raine Garza ang pinakamatanda saming magpipinsan, mataray pero sweet pag dating samin.super caring at supportive. Tapos din ng Engineering tulad ko pero mas pinili nya rin magtayo ng sariling negosyo dahil na rin sa ayaw niya inutus-utusan ng kung sino lang.

Si Colby naman ang kasing-edad ko..malambing, para di tinatamaan ng problema..Sa amin apat sya ang pinakamasiyahan, palaging nakangiti. Kaya lalo bumagay sa kanya ang trabaho nya. Isa syang Pedia Doctor, mahilig kasi sa bata kaya ayun ang napili nya kuhanan.

At ang pinakabata samin si Cortney, college pa lang sya at kumukuha ng kursong Education. Pinakapasaway samin apat, madami kalokohan pinaggagawa sa school. Pero pagdating samin magpipinsan sya ang pinakamahina. Kailangan lagi andyan ang aming suporta. At dahil bata pa, hindi namin sya pinapagalitan sa lahat ng kanyang ginagawa basta alam niya ang limit nya pagdating samin.

Ok let's go baka abutin pa tayo ng traffic sa daan, ayoko abutin tayo ng gabi..kaw talaga Dayle kahit kelan palagi na lang nahuhuli. Mahaba sabi ni Colby na syang magda-drive para sa kanila. Iniwan na lang nya ang kotse nya sa bahay nina Cortney. At habang daan wala silang ginawa kundi kumain ng kumain at kwentuhan, para na rin hindi sila antukin sa daan. Bandang alas-sais na ng hapon sila nakarating sa villa ng lola nila.

"magandang gabi po senyorita Dayle,Cidney,Colby at senyorita Cortney. Magalang na bati sa kanila ni Aling Cora., ang kanilang taga-bantay ng bahay ng lola nila.

"magandang gabi rin po manang, halos sabay-sabay nila bati sa matanda.

na"kahanda na po ang pagkain, gusto nyo po ba kumain muna o magpapahinga po muna kayo?. Tanung nito

"kakain na po muna kami manang..medyo malayo-layo din ang biyahe, pakiakyat na lang po ng mga gamit namin...Manang nagluto po ba kayo ng paborito ulam? Mahaba at magiliw na sabi ni Cidney sa matanda.

At sabay-sabay na sila nagtungo sa lamesa kung saan nakahain ang mga niluto pagkain na pare-pareho nila paborito.

"hays itoh talaga gusto dito sa probinsya ang fresh ng pagkain.." sabi ni Cortney

"oo nga, tingin ko kung dito ako nag-stay pagkatapos mawala ni lola for sure ang laki ko na, natatawang dagdag naman ni Colby. Ngumiti lang kami dalawa ni Cidney at umupo na rin sa harap ng lamesa.

"kumain na tayo para maaga tayong makapagpahinga". Bukas bisitahin muna natin ang bahay ampunan

bago natin gawin ang pamamasyal. Mahabang sabi ni Cidney habang naguumpisa na kami kumain. At habang sinasabi nya yun bigla ko nabitawan ang hawak ko kutsara pagkarinig ko ng bahay ampunan.

Are you okay Dayle?, namumutla ka. Sabi sakin ni Colby

yes, I'm okay nagugutom lang siguro ako. Sagot ko, at napatingin ako kay Cidney na nakatingin sakin ng makahulugan kaya umiwas ako ng tingin.

Tama ka Cid, tulad ng bahay na to, ganun na rin natin katagal hindi nabibisita ang bahay ampunan. Pagpapatuloy ni Colby sa sinasabi ni Cid kanina.

Meron ako updates monthly about dyan dahil nakakausap ko si Sis. Mary tru net. Gusto ko lang puntahan natin para makita ulit natin ang lugar.

Excited na nga ko ulit makita yun, ang balikan yung dati kung saan tayo palagi namamasyal. Dagdag naman ni Colby na mukhang enjoy na enjoy sa pagkain. Ako naman hindi umimik, patuloy lang ako kumakain habang pinakikinggan ang mga sinasabi nila.

Pag katapos nila kumain ngdaretso na sila sa kani-kanilang silid upang makapagpahinga tulad ng sinabi ni Cidney, pero si Dayle nanatili gising at iniisip ang pagpunta nila bukas sa bahay ampunan. Nagtungo sya sa terrace ng kanyang kwarto upang magpahangin.

Four years na ang nakakalipas pero ang alaala nya sa lugar na yun nanatiling sariwa pa sa isp nya. Ang lalaking kanya una minahal, kung paano sya nasaktan at ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ganito ang buhay niya.

**************

Good morning Aria! Bati sa kanya ni Devin, bahagya sya ngumiti at binati rin ang binata.

Good morning rin, ang aga mo ata? Tanong ko

oo inagahan ko talaga, kapag kase kasabay ko mga kasama ko hindi mo na ko napapansin. Nakangiting sabi pa nito. Ito nga pala nagluto ako kanina sa bahay, may kontra sobra kaya dinala ko na dito.

Talaga!ano ba yan? Mukhang masarap ah..

sus!bolera nasabi mo na agad na masarap eh di mo pa nga alam kung ano hahahaha..pangaasar nya sakin

eh ano nga ba yan, sabay silip ko sa dala nya. Wow! Favorite ko yan ah kaldereta patikim!...

hep!di para sayo to..para sa mga bata

hmmp!...konti lang eh..damot!...at nagkunwari ako aalis.

Aysus!naman nagtampo pa ang ale, di para sayo yun kase meron dito para sayo talaga. Sabi nya at hinawakan ako sa braso para pigilan sana ako sa pag-alis. Ako naman naexcite pagkakita sa supot na dala pa nya.

Akina dali patikim..at inabot na nya sakin sya pa ang nagsubo sakin nito. Masarap?

Uhm..at nakathumbs up pa ko sa kanya habang nginunguya ko yung sinubo nya. Ginulo naman nya ung buhok ko habang nakangiti. Nasa ganun kami ayos ng abutan kami ng mga kasama nya.

Uyyyy!...kaya pala nagmamadali si devin kase poporma pa kay aria. Loko samin ng mga kasamahan nya.

Kayo talaga...istorbo..reklamo pa nito pero pinagtawanan lang sya ng mga to. Bumaling sya sakin para magpaalam

Paano Aria kita na lang tayo ulit dun, tutulong na ko sa kanila. Pamamaalam nya sa kin, tumango ako at umalis na sya.

Pinilig ni Dayle ang ulo nya ng biglang pumasok sa isip nya ang tagpo iyon. Ilan lang ang mga yun sa mga nagpapaalala sa lugar na ito. Hindi pa nga sya nakakaisang araw sa bahay ng lola nya pero unting-unti bumabalik sa kanya ang kanyang nakaraan ano pa sa mga susunod pa mga araw.

FORGET THE PAST!...

-dometita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

forgetting my pastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon