Lalaking sensitive? Check. Lalaking laging may katwiran? Check. Sino pa ba? Si Zaine Villela lang yan.
Sumali sa XBang para maging malakas dahilan ng naranasan nitong pambubully n'ong bata sya. Sa lakas at abilidad na taglay niya kahit sinong mambully sa kanya, isang suntok lang, tutumba na.
Sa isang bakanteng lote kung saan wala sa sariling ipinagtanggol nya ang babaeng pinagsasamantalahan ng mga kalalakihan, mula noon ay hindi na siya nito tinigilan.
Halos marindi na sya sa pasasalamat nito. Halos magmukha na itong tanga kakagawa ng effort para sa kanya. Hanggang sa dumating sa puntong bumibigay na ang puso nya rito.
Paano kung malaman niyang may malaki pala siyang kasalanan sa babaeng iyon na hindi nito alam? Paano nya sasabihin ang katotohanan? Kakayanin ba nyang i-give-up ito? O ipaglalaban niya ang pagmamahal niya para rito?
XBANG SERIES 4 : Zaine Villela
Copyrighted, 2014 by Pinkyjhewelii