"Sorry." sabi ng lalaking nakabangga kay Space.
"Great! Just great! Pinaghirapan kong i-organize 'tong mga documents na 'to alphabetically at magugulo lang because of this careless person! Uuuughhhh!" naiinis niyang pinupulot ang bawat documents.
May mga lalaking dumadaan at tila nilalagpasan lang siya, 'yung iba tinitignan lang siyang pinupulot ang mga ito.
"Wow, nice! Chivalry is not DEAD!" parinig niya sa mga ito.
May lumapit sa kanyang matandang babae, "nako iha, masyadong madami 'yan uh." payuko na sana ito kaso pinigilan niya.
"Nako Lola, 'wag na po. Kaya ko na po ito." napansin niyang medyo hirap na ito sa pagyuko.
"Hoy, ikaw lalaki bat hindi mo man lang tulungan 'to." sinita ng matanda ang lalaking nakaupo sa labas ng coffee shop.
"Nako Lola, 'wag mo na po silang abalahin. Iba na po ang panahon ngayon." nakingiti niyang sinabi rito pero deep inside naiinis na talaga siya.
Nang mapulot na niya lahat ng documents, may napansin siyang ballpen, maganda ang itsura nito, mukhang mamahalin. Pinulot niya agad ito bago pa may mauna sa kanya.
Ganda nito ha.
Pinagmamasdan niya itong mabuti at nakita niyang may naka-engraved na initials rito.
"T.W.," napakunot ang noo niya, tila iniisip kung ano ibig sabihin nito.
Binulsa niya ang fountain pen.
Papunta na sana siya sa loob ng coffee shop ng may nagmamadaling lumapit sa kanya na lalaki na may kasamang mga pulis.
Anong problema ng mga 'to? Nagtataka siya kung bakit nilapitan siya ng mga ito at tila galit ang lalaking lumapit sa kanya.
"Totoo bang binangga mo itong lalaki na ito?" tanong ng isang pulis sa kanya, sa tingin niya ito ang nakakataas sa mga kasama nitong pulis.
Napataas ang kilay niya, "ano?!"
"Totoo bang binangga mo-" she interrupted the policeman.
"I heard you officer, nagtataka lang ako kung bakit ganyan kayo makaasta sa akin?" pagtataray niya sa mga ito.
"You stole my pen." sabi ng lalaking kasama ng mga ito.
"What?!" she scoffed, "are you serious right now?" natatawa siya na naiinis sa sinabi nito.
"Yes! You intentionally bumped me to steal my pen!" naiinis na sinabi nito.
Napapailing na natatawa na naiinis si Space dahil hindi siya makapaniwala na sunod-sunod na perwisyo na dinulot nito sa kanya.
"First of all, ikaw ang nakabangga sakin and SECOND, I don't steal any pen, but I do found one." nilabas niya ang napulot niyang fountain pen.
"That's my pen!" kinuha nito ito agad sa kamay ni Space.
"Before you make accusations it's better if you ask first or better yet...be careful next time...GOOD DAY!" hindi na siya tumuloy sa loob ng coffee shop sa sobrang inis, lumakad na siya palayo sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Next Ex
RandomPrima is a big fan of villain characters turn into good guys. She is actually dreaming of meeting someone like that, and that is why no relationship lasts with her. She had two ex-boyfriends, both broke up with her because she got more time watching...