PRE-FIRST DAY OF SCHOOL

16 0 0
                                    

Bukod sa sobrang busy ko pang mag-ayos para sa first day of class bukas, kinukulit pa ko nitong asungot na nakuha yung number ko sa may tindahan kasi nagpaload ako sa labas. Nakakainis talaga.

"hi miss magreply ka kaya, ang suplada nito"

Text lng talaga sya ng text, pero syempre ako naman sobrang certain na tambay lang talaga to sa kanto kaya nakuha number ko so di ko nireplyan.

"tatawag talaga ako pag di ka pa nagreply"

Hala ako ba tinatakot nito? Edi tumawag ka as if naman maririnig ko kita ano, kung di ko naman sasagutin.

Nagpatuloy lang ang pagtetext nitong asungot na di ko namn tlaaga kilala.

"miss labas ka minsan nang makita kita."

Jusko! Nakakadiri na. Buti nalang talaga at secured itong dorm namin ano. Kasi feeling ko in any minute sa sobrang desperado nitong asungot na to baka bigla nalang akong pasukin dito. Asar!

Nagpunta ako ng mall upang bumili ng bagonh sim card. Kasi di ko na talaga matiis yung pang aasar nitong unknown guy saka damn stranger di ako nakikipag usap.

While I was at my line to the cashier na, may napansin akong isang guy na titig na titig sakin from afar, I mean andun lang din sya sa kabilang cashier na nakapila, pero im certain tinititigan nya ko.

Lumingon ako para makita sya, pero pag tingin ko ulit wala na yata sya. Shit bigla akong napaisip, di kaya yun yung guy na nagtetext sakin? Huhu ang creepy namn kung ganun nga sinusundan ba ako?

Dahil dun sa thought ko na yun, dali dali akong umalis at sumakay ng tricycle pabalik ng dorm.

"Asar!" Napasigaw nalang talaga ako sa inis.

"saw you at the store kanina, damn you look hotter sa malapitan."

WOW HA GULAT SI ME. ENGLISH? ENGLISHERO ANO?! SO HINDI KA TAMBAY? TANGINA ANO BA.

Kinuha ko na phone ko at pinatay. Pinalitan ng sim card at nagsimula ulit. Yung contacts ko talaga eh no, pinapahirapan talaga ako nitong mga tao. Ililipat ko pa contacts ko!! Di na talaga ako magpapaload sa labas! Pucha.



Later pa that night, lumabas kami ng rommate ko para magpahangin, chill muna bago harapin ang first day of class bukas.

"Bestie, pasok na tayo." saad ko.

"Grabe bes, kalalabas lang natin. Chill muna. Ang lamig ng hangin o."

Natahimik na lang ako sa sagot nya. I mean oo maganda namang magstay sa labas kaso natatakot ako na baka andito lang sa tabi tabi yung nagtetext sakin.

Kung hindi yun tambay, siguro nagdodorm rin yun sa kabila. I mean may kaharap kasi kaming dorm rin pero for boys. And that explains, baka nga naman talaga student din sya. Pero ang creepy nya ah, sundan daw ba ko.

"Heyyy" may grupo ng mga lalaki ang biglang lumapit samin. Andito lang naman kami sa may tapat ng dorm.

"Sabi ko na sayo bestie pasok na tayo eh.." pabulong kong sabi sa rommate ko.

"Chill ka nga wag mong pansinin." sagot nya.

"Hi girls. Gabi na ah, bat nasa labas pa kayo?" tanong nung isang lalaki sa grupo.

Tahimik lang kami at di umimik.

"Para namang di tinatanong o, sagot naman jan girls." dugtong nya.

"Well papasok na kami. Uminit yata yung hangin." pagpaparinig ng rommate ko sa kanila.

"Uy teka." sabay hila ng isang lalaki sa kamay ko.

"Ano ba!" sigaw ko.

"Ang suplada nyo kasi eh, parang tinatanong lang." paliwanag nya pero di nya parin ako binibitawan.

"Sama muna kayo samin." nagsalita yung isang lalaki sa likod na pilit kaming hinihila palayo sa may gate ng dorm namin.

"Ano ba! Bitawan mo nga kami!"

Shit mga amoy alak, mga nakainom yata tong mga gagong to.

"Sama na muna, or you wanna ride?"

Dahil sa pag eenglish nya bigla ko naalala si guy na nagtetext sakin nun. Hoo! Sino ba to sila.

"Wow. Ang sarap sa kamay pre." biglang nagsink in sakin na kinup nya pala breast ko.

"What the fuck!" Sinampal ko sya.
"Just what did you do to her?!" Sigaw ng rommate ko.

"I just held her boobs. Gusto mo rin ba na hawakan ko yung sayo?" nagsmirked lng si guy at nagtawanan ang mga kasama nya.

"Aba bastos ka ah!" Sinampal rin sya ng rommate ko sa kabila.

"Putangina! Nakakadalawa na kayo ah!"

"Mas putangina ka. Ano pangalan mo ng maireport ka namin bukas sa council nyo!" inis kong sabi.

"Report all you want, wala ka namang magiging ebidensya." hinila nila kami papalayo sa may dorm namin. Ang dilim lang din kasi timing na sira yung ilaw sa labas ng gate.

Pinagtulungan nila kami ng roommate kong hilain hanggang sa malayo na kami sa dorm and sobrang dilim na ng daan.

Pero hindi parin kami nakakalabas ng compound.

"Ibalik mo kami doon." kumalma lang ako. Nasasaktan ako sa paghawak nila sa kamay ko.

"Not yet. Pahawak muna." he winked at me na para bang may pinaplano syang hawakan sakin.

"Shit kadiri ka, ang pangit mo!"

"What did you say?"

"Ang pangit mo!" sigaw ko ulit. Halos mangiyakngiyak na yung roommate ko sa takot.

"Brad hawakan mo nga tong isang to at.."

BEEP BEEP BEEP~

Hindi na sya natapos sa sasabihin nya ng biglang may bumusina sa harapan namin.

"Shit roaming yung guard!" Sigaw nung isang guy at nagsitakbuhan sila.

Agad naman kami nilapitan ng guard na nakamotor at ng kasama nya.

"Guard buti dumating kayo.." agad lumapit roommate ko kay guard at nawala kaba nya.

"Sino yung mga yun?" Tanong ng guard.

"Hindi po namin nakuha yung pangalan, pero naaalala ko pa ho yung mukha ng isa doon. Binastos po kami." Di na ko nagpaligoy ligoy pa at sinabihan si guard kung ano ginawa nila samin.

"Sir mukhang may nagloloko na naman yata sa dormitory nyo." saad ni guard doon sa kasama nya.

"We'll fix this tomorrow. Kayo girls bumalik na kayo sa dorm nyo."

"Opo."

"Teka.." tawag ni sir.

"Po?" napalingon ako.

"Ano mga pangalan nyo?"

"Aira Arandela po and Kim Torralba." sagot ko.

"Okay ipapatawag ko kayo bukas."

"Sige po sir salamat."

Bumalik na kami sa dorm namin. At umiyak nalang kami bigla dahil sa nangyari.

COMMENT NA LANG KAYO KUNG IPAGPAPATULOY 😅

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fucking Mr. K GenesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon