Chaptie 2 ( Prinsipeng naligaw sa real world)

15 0 0
                                    

BOOGHSSSS...(sounds effect ng bola yan)





"Araaaay!!!" grabe kung minamalas ka nga naman oh...bakit ba sa ulo ko pa tumama yung bola (T_T). Teka parang humiwalay yata yung kaluluwa ko ah...

" Ay yung bola Clarence!!!" narinig kong sigaw nung isang batang naglalaro ng volleyball.

" Habulin mo bilis" sigaw naman nung isang bata na tinawag na Clarence nung kalaro nya.

" Haaay,, ang swerte naman nung bola, mas nauna pang alalahanin kaysa sa'kin" bulong ko sa sarili ko tapos nung akmang tatayo na ko...May nakita kong kamay na nakalahad sa harap ko.



" Ah Miss ok ka lang ba?" tanong ng isang prinsipeng naligaw sa real world sakin. " Waaah, ganun ba kalakas ang impact nung pagtama sakin ng bola at naiimagine ko na may prinsipe sa harapan ko?" bulong ko ulit sa sarili ko tapos ilang beses pa kong pumikit at dumilat. Pero bat ganun? hindi nawawala yung gwapong nilalang sa harap ko.

" Ah Miss mukhang masama yung pagkakatama ng bola sayo. Ayos ka lang ba? " waaah, nagsalita ulit yung prinsipe, ibig sabihin, totoo sya!!

" Aaah, oo, aah hindi pala" nalilito ko pang sagot sa kanya. Tinamaan naman kasi ng lintik!!! Bakit ba ang gwapo nya? Hahaha lantod lantod na ng isip ko .

" Ha?" ayan nalito tuloy sya.

" Ah ang sabi ko ayos lang ako. Yung bola kasi eh, hindi marunong umiwas,, hahaha" Yung totoo Clide? Yung bola talaga ang sinisi? Tapos inalalayan nya kong maupo dun sa bleachers ng gym.

" Hahaha, you're so funny, by the way pasensya na pala kung natamaan ka ng bola ah", sabi nya ulit.

" Hindi, Ayos lang yun and beside its an accident naman" syempre dahil isa po akong malantod este, mapagpatawad na tao, tinanggap ko yung apology nya. " Hay kuya kung hindi ka lang gwapo, sigurado nagkabarangayan na tayo." bulong ko sa isip ko. Grabe naman kasi ang ganda ganda ng mata nya, tapos matangos ang ilong at pamatay sa dimples.. haaay!

" Huh? may sinasabi ka ba Miss?" nagtatakang tanong nya sakin.

" Ah, wala, wala! " sagot ko naman sabay smile. - bat ganun? malakas ba yung pagkakasabi ko sa isip nun? Hoy isip, sumagot ka!!!

(AN..hala mukang naalog nga yata ang utak ni Clide)

" Hmmm, parang ngayon lang kita nakita dito sa school ah, transferee ka ba?" bigla nyang tanong sakin, narealize nya sigurong iba yung pamP. E kong suot kaysa sa P.E uniform nila dito.

" Ah Practice Teacher lang ako dito sa school nyo, sa II-Hope ako naassign" sagot ko naman sa kanya.

"Really?? So kina Clarence ka pala naassign, by the way I'm Lawrence Theriault Pharmacy Student", pagpapakilala sa'kin ng prinsipe ko. Hahaha lakas talaga yata ng naging tama ng bola sa'kin.

(THERIAULT- Te-ri-alt)

"Ah, I'm Claudette Austria, sa AIM Academy ako nag-aaral" nakangiti ko namang sagot at nakipag shakehands sa kanya. Grabe napakaswerte ko naman at dalawang cute na lalaki agad ang nakatagpo ko dito sa St. Catherine.

"Hmm..its nice to meet you Claudette---

"Clide nalang, hindi ako sanay na tinatawag sa full name ko eh" putol ko sa sinasabi nya. Dalawang tao lang kasi ang tumatawag sa'kin ng Claudette, at almost 5 yrs. na silang wala kaya 5 yrs. ko na din hindi naririrnig ang pagtawag sa'kin ng Claudette.

"Ah Clide Okay ka lang ba?" nagulat ako ng pumitik yung daliri nya sa harap ko.

"Ah oo, pasensya na ah, may bigla lang akong naalala", hinging paumanhin ko sa kanya. Kapag kasi naalala ko sila Mama at Papa bigla nalang bumabalik yung mga ala-ala na gusto ko na sanang makalimutan. 

"Ah ganun ba, gusto ko pa sanang makipagkwentuhan pero mukang kailangan ko ng umalis, tinakasan na naman ako nung dalawang makukulit na bata" nakatawang sabi nya sakin.

"Mukha nga, sige nice meeting you ulit" sabi ko naman.

" Sorry ulit ah, nga pala goodluck sa pagsisimula mong magturo, at good luck kina Clarence at Edzel" pahabol pa nyang sabi at nagsimula na syang maglakad papalayo.

-Hmmm, bakit may halong pananakot yata yung tono ni Lawrence?? Haist, bago pa ko maloka kakaisip sa sinabi nya mabuti pa umuwi na ko, sigurado kanina pa ko hinihintay ni Ivan. yun g beki na yun talagang hindi na nagpakita sa'kin ah. Nung malapit na ko sa gate, nakita kong palabas na rin si Mr. Punk, "Grabe ang aga naman nyang umuwi" bulong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa relo at nakita kong almost 1 pm palang."Siguro wala na syang klase" bulong ko ulit. Tapos nung pagkalog-out ko sa logbook, lumabas agad ako ng gate baka kasi maabutan ko pa si Mr. Punk. 

"Haay, sayang hindi ko na sya naabutan" nalungkot kong sabi sa sarili ko. Siguro hindi talaga meant na magkasabay ulit kami.

(A/N: igsi ng update sorry po)

Soul-MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon