Chapter 8- UNAWARE REUNION

0 0 0
                                    

*ELISE P.O.V*

Naiwan ako dito sa bahay kasi nga umuwi muna si Kuya dun sa amin at tinawagan niya ako kanina na hindi muna siya uuwi...kaya naman loner ako ngayon

Nagsca-scan lang ako ng news feed ko at may nakita akong nakakuha ng interest ko

Bliezer Club is now OPEN, try thier Glow in the dark drinks and foods....and make yourself go crazy with the party!!

Hahahahha, walwal nato!. Parang gusto kung pumunta dun ng mag-isa.
Umakyat ako sa itaas at nagpalit ng party dress then naglagay ng kaunting make-up, hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa party pero kasi newly opened lang ito kaya gusto kung itry

Sumakay ako sa kotse ko at pinatakbo ito papuntang Bliezer Club

*Sound of the party music!!*

Nasa labas ka palang pero rinig mo na kaagad ang lakas ng music sa loob at mga taong naghihiyawan sa tugtog ng DJ na nasa harap

Halatang bagong bukas palang ito dahil dagsa ang tao at may mga balloons pa na nasa entrance nito

"One cali please" sabi ko doon sa bartender, parang nagtaka pa siya kung bakit ganun lang inoorder ko, ayaw kung malasing eh!

"What?! porket ba cali lang ang oorderin ganyan kana kung tumingin! okey give me your best seller glow in the dark food!" singhal ko dun sa bartender, nagmadali naman siyang binigay sa akin ang cali tapos 5 minutes pa daw bago ko makuha ang inorder kung pulutan

Tsk! bibigay din pala, may pa shock shock effect pang nalalaman, Kainis!

"Hey, Miss can I buy you a drink" lumapit sa akin yung isang mestizong lalaki at hindi ko naman ipagkakailang gwapo talaga siya

"No thanks, I can afford" medyo na bastos siguro siya kaya umalis nalang ito at lumapit sa ibang babae. Playboy.

Medyo na bored ako sa cali kaya inorder ko sa bartender yung moderate shot nila

"Here's your order, Ma'am" binigay niya sa akin ang isang glass na may glow in the dark drink. Wow, amazing!

Tumayo ako habang dala-dala ko yung glass ko at nakikipagsayaw dun sa mga tao. Umiinom din ako habang nagsasayaw at pabalik-balik dun sa stool para umorder ulit, nakatatlong glass na ako at medyo may tama narin ako kaya tipsy na yung paningin ko

"You should stop it, may tama ka na. Baka hindi kana makauwi dahil sa kalasingan" may lumapit na etranghero sa akin, I can smell his mint perfume...argghh! Ang bango

"No, I can manage" binawi ko sa kanya ang pang-apat na baso ko, pero hindi niya ako pinayagang makuha ito sa kanya

"Baka hindi kana makauwi" sino ba to?! sobrang concern naman ata niya

"*HIK* I said, I can *HIK* manage" binawi ko na naman sa kanya yung baso, kaso dahil  siguro medyo na palakas ang kuha ko natapon ito at nabasag sa sahig

"See?! nabasag tuloy" pangsisisi niya sa akin, nilapit ko ang mukha ko sa kanya para makita ko ang mukha niya ng mas malinaw at maayos kaso sadyang madilim talaga dito kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya

"Its *HIK* your fault, Jerk" babatukan ko sana siya kaso bigla akong naduwal at natapon yun sa polo niya

Yuck, kahiya ka Elise

"What the?!" sigaw nung lalaki at bigla siyang napatayo at napahingi ng tissue dun sa bartender

"*HIK* Sorry, I didn't mean to vomit on you shirt" paghihingi ko ng tawad sa kanya pero imbis na sumagot ay hinila niya ako palabass, bago paman maaninigan ng ilaw ang mukha niya.....bigla nalang akong nakaramdam ng antok at tuluyan ng napapikit

Nadistorbo ako ng masakit na sinag ng araw na nanggagaling sa bukas na bintana

"Shit" papikit-pikit akong tumayo at pumasok sa CR para makapaghilamos

"Grrrggghg!! *Ack*" nagmumog ako ng tubig tapos listerine, nagtoothbrush din ako

Teka?!

Tinignan ko yung suot ko at nanlaki ang mata ko ng hindi na ito ang party dress na suot ko kagabi. Tinignan ko yung CR na pinasukan ko

Bat ako nandito?! Wait?! sinong nagdala sa akin dito?!

Nasa bahay kasi ako, yung bahay talaga naming pamilya at nandito ako ngayon sa lumang kwarto ko nakatulog

Mabilis akong bumaba at hinanap sila Mommy

"Hahhha, yeah! I like the idea terron" rinig ko ang boses ni Daddy galing dito

"Dad! Mom!" sigaw ko, lumapit ako sa kanila at hinalikan sila except kuya terron

"Oh? gising na pala ang mabait kung kapatid..tsk!...tsk!" napasama naman ang tingin ko sa kanya

"Ya, sino ang naghatid sa akin dito?!" medyo nagulat si kuya sa iniasta ko pero sumagot din naman siya

"Hinatid ka dito ni Rex, buti nalang at kaibigan ko yung nakakita sayo dun..dahil kung hindi ayy! di ko talaga alam ang gagawin sayo!" aambahan niya sana ako kaso sinamaan ko siya ng tingin kaya hindi niya nagawa tsaka nandyan kaya sila Dad ... hindi niya ako mabubully

"Sino?!" umupo ako sa palagi kung pwesto dito sa hapag kainan

"Si Rex, di mo ba naaalala? Siya yung bata'ng palagi kung kasama noon sa paglalaro ng basketball..yung kasambahay natin na palagi mung kaaway dahil inaagawan ka ng bola" Rex? teka may kilala ba akong rex noon?--- ay! tama! si Rex bansot?!

"Huh? Si Rex bansot?! siya yung nakakita sa akin? pero ang tagal na noon...hindi pa ba niya nakakalimutan ang hitsura ko?" parang natauhan naman si Kuya sa sinabi ko

"Oo nga noh? paano ka kaya niya namukhaan?" napaisip din ako sa sarili kung tanong at doon naaalala ko na ang wallpaper ko pala sa cellphone ay yung picture naming tatlong magkakapatid nung mga bata palang kami

"Tama!" nagulat naman si Mommy sa biglaang pagsigaw ko

"Darling, wag ka namang sumigaw ang lapit niyo lang ng kuya mo" nagsorry naman ako kay mommy at kinuha ang cellphone ko sa bulsa

"See? baka dito niya nakita, wallpaper ko kasi yung picture natin nung mga bata pa tayo" napatawa naman si kuya sa nakita niya

"Talaga? wallpaper mo pa yan? hahahah ang cute lang" sinimangutan ko nga, ang layo sa topic namin eh!

"Ewan ko sayo!" tsk! kumusta na kaya ang bansot na yun, baka hindi na talaga tumangkad ang isang yun. Sayang naman gwapo pa naman yun sa pagkakatanda ko. Tinanong ko din kay mommy kung sino ang naglinis sa akin at sinabi niyang siya daw ang nagpalit ng damit ko kaya napahinahon ako

Kumain nalang din kami at nagstay muna doon at sumabay na sa akin si kuya pauwi sa bahay ko

Hayss! klase na naman bukas....!!

Natulog muna ako sandali tapos pagkagising ko ginawa ko na yung assignment ko na hindi natapos at natulog na naman

Badass Other SideWhere stories live. Discover now