Chapter 1 - "Freak"
Yza's POV:
Nagising ako dahil sa init ng araw na tumatama sa mukha ko.
Bahagya kong kinusot ang mga mata ko at tumayo na para maligo.**
Umupo ako sa harap ng salamin at bored na tiningnan ang mukha ko.
Blonde;nearly white straight hair na abot hanggang bewang. Pointed nose and pinkish thin lips. I move closer para tingnan ang mga mata ko. I let out a sigh ng makitang kulay gray padin ito. I tried putting contact lenses nung 14 ako pero natutunaw lang.
BTW, I'm Yzabelle Ace Luxcer, 16.
That's all no more Info's. -.-
Tumayo ako at pinagmasdan ang itsura ko sa salamin.
Gorgeous is not enough to describe my beauty which is beyond perfection.
White ang uniform ko sa loob at itim naman na may puting linings ang long sleeves ganun din ang neck tie na may logo ng school sa gitna. Black ang skirt na 4 inches above the knee.
Bumagay ang uniform ko sa makinis at maputi kong kutis. Too bad hindi ko ipapakita ang mukha kong ganito..
Pinusod ko ang mahaba kong buhok at kinuha ang magulong kulay itim na wig at nilagay ito sa ulo ko.
Hindi nako nag aaksaya ng oras para suklayin ang wig nato. Bahagya kong inayos ang mahaba kong bangs at tinakpan ang mga mata ko.
Tiningnan ko ulit ang mukha ko sa salamin.
Freak..
Witch..
Ugly..
Monster..
Killer..Everyone calls me such words.
Well, hindi ko naman sila masisisi. Buhok ko palang, nakaka panindig balahibo na. Idagdag mo pa ang mahaba kong bangs na abot hanggang ilong ko.
Tiningnan ko ang orasan. 5:47 a.m. Masyado pang maaga. 8:00 pa ang klase ko.
Napagdesisyunan kong bumaba na kesa naman magmukmok sa kwarto ko.
There I saw my mom preparing our breakfast. Si dad naman nagbabasa lang ng diyaryo.
Napatingin sa akin si Mom at ngumite. Tipid na ngiti lang ang naganti ko sakanya dahilan kung bakit lumabas ang malalim kung dimple sa right side ng cheeks ko.
"Have a sit anak."
Umupo naman ako sa tabi ni Dad.
"Good morning Yza anak." Dad greeted me and gave me his warmest smile.
"Same Dad" yun lang ang nasabi ko at ngumite ng pilit.
"*sigh* Kahit kailan talaga hindi ka magbabago. When will you learn to talk and laugh anak?" Mom said and pouted.
Tumawa naman si Dad sa mukha ni Mom. Habang ako naman ay seryosong nakatingin lang sakanila.
"Nakakainis ka talaga! Tintawanan mo nalang ako palagi!"
Tumawa ulit si Daddy dahil sa sinabi ni Mom.
As I am looking unto them right now, Sobra akong thankful. Kahit hindi nila ako kadugo ay kinupkop, minahal at inaruga padin nila ako. I'm so blessed to have such wonderful parents like them.
"Yza anak magpahatid ka nalang kay manong Berto mamaya"
Napatingin ako kay Mom dahil sa sabi niya.