ONESHOT

4 0 0
                                    

First day of school..As expected ang boring...wala pang masiyadong estudyante at hindi pa kompleto yung mga guro. Pero dahil mabait akong estudyante at MAGANDA, pumasok parin ako.

Habang naghihintay kung darating ba yung adviser namin, nakinig mona ako sa bagong kanta ng EXO na Ko Ko Bop😍.Wahh!  Galing talaga nila, lalo na si Kai ang sexy niyang sumayaw! Shit! The way he goes down down baby.....Mierda! Ang hot!

Habang nakikinig ako sa Ko Ko Bop, ni log in ko  mona yung RP account ko sa facebook. As always, diretso na naman ako sa pagtingin kung sino yung active...hayst, hanggang ngayon hindi parin siya nag o-ol...Kailan ko kaya ulit siya makakachat?

It's been 2months since we've know each other. At sa 2 months nayun, masasabi kong close na talaga kami. Sharing thoughts,problems and happiness kahit sa chat lang. Diko pa nakikita ang mukha niya kasi nga sa RP kolang siya nakilala. Ang bait at ang caring niya din. Ewan ko, ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Pero..Hayst, bigla nalang siyang naging IA. Wala din akong balita sa kanya sa GC.

Miss na miss kona si Fanboy ko..Huhu
Oo, akin lang ang fanboy nayun, I admit that I like him,pero hindi naman yung as in(hindi nga ba?). I know my limitation naman eh, na pag RP(RolePlay) hindi mo talaga kilala yung mga nakakasagupa mo, medyo clichés, pero ganun talaga.

Dito sa RPW, nabibilang molang yung mapagkakatiwalaan mo. Ewan ko kung bakit natoto ako sa ganito...Siguro kasi mahilig talaga ako sa K-pop, pero di naman ibig sabihin nun na nakalimutan kona Culture natin dito sa Pilipinas no. Gaga! HAHAHAHA

So ayun nga, dahil di naman nadating yung teacher namin, lumabas nalang ako ng room at naglibot-libot mona.
Tumambay ako sa may malaking puno at nakinig na naman ng K-Pop song. Yung Growl naman ng EXO yung naka play ngayon tapos nagulat nalang ako nung biglang lumabas yung notification ko sa phone. Shit! Online na siya. After how many years! Sa wakas! Waaah! Miss na miss kona to😭.

Chinat ko kaagad siya, kahit di naman talaga ako mahilig na mag open/start ng convo.

Me : Faaaanboooy kooo! Bakit ang tagal mong nawalaaa?! Bogoshipo!😭❤
--Typing--

Omoooo! Can't believe this! Makakachat kona naman siya!

Him : Sorry? Do I know you? New O.P to ni Jayrel.

Me : Huh? Panong New O.P? Fanbooy ko? Nagbibiro kaba? Wag naman ganito oh! Miss na kaya kita!

Him : Seryoso ako Miss! Di kita kilala. Binigay lang sakin ang account nato.

Me : Wtf!? Asan si Jayrel? Bakit niya pinamigay account niya?

Him : Ewan ko. Ang sabi lang niya sakin ako na monang bahala nito, matagal niya nang binigay sakin to eh, ngayon kolang nabuksan busy kasi ako.

Me : Anooo? So naghihintay lang ako sa wala?

Him : Malay ko? Di naman kita kilala.

Habang busy ako sa kaka chat sa New O.P ni Jayrel. Bigla nalang may sumitsit sa taas ng puno,kaya napatingala ako. Hala baka may kapre🙈.
Pagtingin ko sa taas may nakita akong unggoy. Oo unggoy, kegwapong unggoy!

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Dimo ba alam na delikado yan?!" Lokong to tinakot pako. Nabasa kaya niya yung mga messages ko sa taas? Patay!

"Yoo Miss." Tapos bigla siyang tumalon galing sa taas.
"Ano?!" Tinaasan kopa siya ng kilay. "Tsaka, wag mokong ma-miss miss, may pangalan ako at hindi yun Miss!" Badtrip naman oh!
"Chill lang Miss? Can I know your name?" Aba loko to! Nilalandi ako! May pa kindat-kindat pang nalalaman.

Nilahad niya kamay niya pero diko tinanggap, ewan ko ba abnormal ata tibok ng puso ko ngayon ang lakas makakabog eh, feeling ko dahil to sa kinain ko kanina.
" Bahala kana nga diyan! Ewan ko sayong unggoy ka! " Tapos nagsimula nakong mag lakad patungong Canteen. Ang init pala. Ng biglang nagsalita yung unggoy kanina na siyang dahilan ng mas lalong paglakas ng tibok ng puso ko.

" The last time I know, hindi unggoy ang tawag mo sakin, FANGIRL KO " ...

Napahinto ako sa sinabi niya. Kumurap ako ng tatlong beses tsaka siya nilingon.
" Ano? Anong sabi mo? " Tapos tinitigan ko siya sa mata! Gosh, ang ganda pala ng mga mata niya. Binawi ko nalang kasi naiilang ako.

" Sabi ko, hindi naman ganyan yung CS na binigay mo sakin FANGIRL KO :) " Waaah! Totoo bato o nanaginip lang ako?
 "Huh?"
"FANGIRL KO, ako to si Fanboy mo" waah! Bakit ganito kalakas tibok ng puso ko?
" Waah! Pano moko nakilala? Pano ka napunta dito? Diba dika taga rito? Anong ginagawa mo rito? Tsaka bakit suot mo uniform ng mga lalaki dito? " Sunod-sunod kong tanong sakanya. Omg! Di parin ako makapaniwala, pinch me! Pinch me!

"Hindi ba't hindi ako nagparamdam sayo ng ilang linggo fangirl ko? Hinanap ko kasi kung saan ka nakatira, kung saan ka nag-aaral. Tsaka lumipat na kami ng bahay at lumipat narin ako ng school. Pinili ko dito kasi alam ko andito yung babaeng nagpapatibok ng puso ko. Kahit kasi hindi kopa siya nakikita ang lakas na ng tibok ng puso ko satwing ka chat at ka vc ko siya. :) " Dug.Dug.Dug.Dug. Ano to? May iba siyang kakilala dito? Tsaka ba't parang bigla akong nasaktan?

" Eh pano mo nalamang dito ako nag aaral at ako to? Eh RP lang naman kita nakakausap? " Tanong ko sakanya, nakaka confuse kasi eh. Jinja!
" Sinabi mo dati address at kung saan mo gustong mag aral diba? Kaya ito, ito ako ngayon nasa harapan mo" Hala siya! Anong pinagsasabi nito.
" Eh sino ba yung babaeng hinahanap mo dito? " Bigla siyang humakbang papalapit sakin,tsaka niya hinawakan ang mga kamay ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko. Ang ganda ng mga mata niya😍. Bigla naman akong na conscious sa itsura ko ngayon. Sana naman maayos pa buhok ko.

" FANGIRL KO, sa dalawang buwan nating pagkakilala, aaminin ko nahulog na loob ko sayo. Wala naman sa tagal ng pagkakilala ang pagmamahal diba? Ewan ko ba, ang lakas kasi ng tibok nito (nilagay niya sa dibdib niya ang kanan kong kamay) sa tuwing magkausap tayo. Miss na Miss na kitang kausap FANGIRL KO. At gusto ko sanang sabihin sayong manliligaw ako sa ayaw at sa gusto mo" waaah! Totoo bato?
" Hindi ako magpapaalam, sinasabi kolang to sayo para malaman mong gusto kita at manliligaw ako sayo. Sana kahit dimo ako gusto fangirl ko, balang araw magugustuhan morin ako " Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. Bigla nalang tumulo yung mga luha ko, hindi dahil sa lungkot kondi dahil sa saya..

May ganito pala no? Yung lalaking gagawa ng paraan makasama at makausap kalang sa personal. Hahanapin at liligawan ka. Tipong kayang iparamdam sayo yung tunay na ibig sabihin ng MAHAL KITA. Kasi ngayon palang, kahit hindi pasiya nagsisumulang manligaw, feeling ko,hulog na hulog na ang loob ko sa kanya.😍
Lord, kahit diko maasawa ang mga BIAS ko lalo na si Kai, basta wag molang ibigay sa iba itong lalaking kaharap ko.🙏❤
Because this fanboy makes one of my dreams come true💕

AN : ALAM KO PANGET TO, PERO WAG MONG I JUDGE KASI WALA KA SA PAGEANT O ANONG LARO KAYA WAG KANG MAGMARUNONG DAHIL QT KALANG AT DYOSA AKO! INTIENDES? HMMP.
MAY SIDE STORY PALA SI FANBOY DITO ---> THAT FANGIRL yung title, kung ayaw niyong basahin, edi wag..duhh! Gandaqparin.

That FanboyWhere stories live. Discover now