Chappie III

657 9 8
                                    

Chapter III

Hindi mapakali si Slater na kanina pa lakad ng lakad sa hardin , iniisip niya parin kung nasaan si Tin , nakauwi ba ito ng maayos o baka may nangyaring masama sa dalaga . Sa pagkakatanda niya kasi sabi ng kanyang driver na inutusan niyang ayusin ang sasakyan ng dalaga ay hinindian nito ang tulong dahil sa maayos na daw ang sasakyan nito . Pero kung sinabi nito na okay na ang sasakyan , bakit nandoon parin ang sasakyan nito malapit sa bahay niya , at wala kang makikita ni anino ng dalaga sa loob. Aghhhh , woman , youre giving me a headache , napabuntong-hininga nalang ang binata . Alam mo Slater sa halip na mamoblema ka jan , magbihis ka nalang , para makapagsimba ka na mahinahong sabi niya sa sarili . Pero natapos na siya sa pagbihis , ang babae parin ang laman ng isip niya .

Namalayan nalang ni Slater ang sarili na nagmamaneho patungo sa pag-aari niyang hotel , sa pagkakatanda niya kasi ay doon namamalagi ang dalaga.

Samantalang sa kwarto ng dalaga ay aligaga na si Tin sa pagpili ng damit na susuotin para sa misa na dadaluhan niya. Kailangan niya na ng isang disenteng damit dahil sagrado ang pupuntahan niya at ang kanyang motibo talaga ay ang mapansin siya ni Slater. Nang sa wakas ay nakapili na siya , dali-dali siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili , tiningnan niya ang kanyang repliksyon sa salamin at naging kuntento naman siya sa nakita at napangiti , I thanked you Lord for giving me a beautiful  face , I’m so blessed , thanks , AMEN ,

Nang makarating na siya sa ground floor ng hotel ay may agad siyang nakita na ikinangiti niya ng wagas , Jesus , may nagawa ba ako sa iyo na lubos mong ikinatuwa at akoy pinagpala mo ng lubos? Tell me kung ano iyon para ulit-ulitin kung gawin at akoy patuloy na pagpalain mahinang usal ni Tin.

Si Slater ay nakatayo lang sa lobby at namangha sa sarili kung bakit sobrang nagpapa-apekto siya sa babaeng yun , nakokonsensya lang ako dahil sa hindi ko siya tinulungan kagabi, yun lang yun . okay , nothing more , nothing less kausap ni Slater sa sarili. Paalis na sana siya ng may tumawag sa kanya na babae na ikinalingon niya at nang lingunin niya ito ng husto ay napag-alaman niya ang babaeng yun ang bumulabog sa katahimikan niya.

.

.

.

I know you’re going to church to attend mass, so let’s go

What ?

Let’s go , it’s almost 8:00 am we will be late if we will not go now

Excuse me?

Yes you’re excused

Don’t tell me sasabay ka sakin?

Ganun na nga , bilang kabayaran narin sa atraso mo sakin kagabi , sa pambabalewala mo sakin at para naman maibsan yang konsensya na dala-dala mo , isasabay mo ako papuntang simbahan , sira ang car ko

Okay fine , let’s go

.

.

.

Pagpasok palang nila sa simbahan ang lahat ng mga nandun ay sa kanila nakatuon ang atensyon , ilang na ilang si Slater sa oras na iyon kaya mas pinili niya na sa likuran nalang maupo para hindi masyadong agaw atensyon , pero bigo siya halos wala ng bakanteng upuan sa bandang likuran kaya wala na siyang magawa kundi umupo nalang sa harapan, ng mapansin niya na nakasunod parin si Tin sa kanya ay nilingon niya ito at binulungan , Please , sinabay na kita dito , siguro naman pwede muna akong tantanan Tin , maghahanap ako ng mauopuan at maghahanap kadin para sa sarili mo. Medyo nagulat si Slater dahil hindi nakipagtalo sa kanya ang dalaga kaya hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon at mabilis na siyang pumunta sa nakitang bakante at para lang sa pang-isang tao ang kakasya. Habang hinihintay nila ang pagsisimula ng misa ay hindi maiwasan na lingunin niya ang dalaga , napansin niyang medyo nanghihina ito pero hindi na niya ito binigyang pansin pa. Nang magsimula ang misa itinuon niya ang kanyang atensyon sa seremonya , ng sinubukan niyang lingunin sa ikalawang pagkakataon si Tin at kitang-kita sa mukha nito ang pamumutla kaya hindi na siya nagdalawang isip na puntahan ito , iilang hakbang nalang sana siya sa dalaga ng bigla itong bumulagta sa sahig kaya dali-dali niya itong dinaluhan at nalaman niya na inaapoy ng lagnat ang dalaga.

WANT YOU BACK FOR GOOD (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon