-Para Kay Ian-
Kung ako ang girlfriend mo,
hindi kita papipiliin ng alam kong ayaw mo,
kagaya ng ginagawa sayo ng girlfriend mo.
Kung ako ang girlfriend mo,
hindi ako magpapbili sayo ng mga branded na gamit.
Kung ako ang girlfriend mo,
hindi kita pipiliting halikan ako lagi.
Kung ako ang girlfriend mo,
hindi kita pipiliting mag PDA tayo kasi ayaw mo.
Kung ako ang girlfriend mo,
gagawin ko lahat ng mga bagay na alam kong makakapagpa saya sayo.
Kung ako ang girfriend mo,
ako na ang pinakamasaya sa lahat, kasi masasabi ko na
na sa wakas, mahal na din ako ng taong mahal ko.
Pero hindi kasi ako yun e. Hindi ako yung girlfriend mo.
Ang tagal tagal na Ian.
Pero di parin nagbabago yung nararamdaman ko sayo.
Mahal parin kita. Kahit hindi na tayo nagkikita, ikaw lang talaga.
Kung kaya ko lang sanang sabihin sayo ang mga salitang iyan,
baka ngayon magaan na ang pakiramdam ko.
Pero hindi ko kaya. Natatakot ako ian, na balewalain mo ulit ako.
Natatakot ako na baka maiyak ako sa harap mo.
Gusto ko malakas ako sa paningin mo, dahil para sayo lumalaban ako sa sakit ko.
Kaso ilang taon na, hindi mo prin ako magawang mahalin.
Pero hindi kita sisisihin, dahil hindi naman nadidiktahan ang puso natin.
Hindi rin kita sisisihin kung siya ang pinili mo, na kelan mo lang naman nakilala.
Mahal kita kaya di ko kayang magalit sayo.
Pero hindi ko na kayang lumaban pa. Hinang hina na ang puso ko. Hindi ko siya madiktahan na patuloy na tumibok pa.
Nagpapasalamat ako sayo dahil kahit papaano, humaba pa ang buhay ko.
Siguro hanggang dito nalang ako.
Dito sa lupa, tanggap kong kahit kailan hindi magiging tayo.
Pero hihintayin parin kita sa langit.
Gaya ng ilang taon kong paghihintay sayo dito sa lupa.
Paalam mahal ko.
Patuloy na nagmamahal,
Lia
-2014
BINABASA MO ANG
Para Kay Ian
ContoSulat ng isang pusong patuloy na umaasa maging sa kabilang buhay.